[36] Friendship

230K 8.6K 2.5K
                                    

Tiningnan ko ang mga taong masayang nagsasayawan sa harapan ko. Naghihiyawan sila habang masayang-masayang sinasabayan ng indak ang maingay na musikang pinapatugtog. Ibinalik ko ang tingin sa boteng hawak-hawak ko at muling ininom ang laman noon. Nalasahan kong muli mapait na lasa ng inumin na binili ko pero kumpara kanina ay mas masarap na ito ngayon. Mukhang totoo nga ang sinasabi nila na habang tumatagal kang umiinom ay pasarap na ng pasarap ang lasa ng alak.

Hindi ko akalain na magkakalakas loob akong pumasok sa isang bar habang naka-uniporme. At ang mas nakakagulat pa ay umorder pa ako ng alak. Tiningnan ko ang lamesa sa harapan ko at binilang ang mga boteng wala ng laman. Natawa ako nang mabilang na umabot na pala sa lima ang naiinom ko. Hindi ko akalain na kaya ko pa lang umubos ng ganoon karami.

 Pasimple akong sumulyap sa isang lamesa kung saan nakaupo ang pitong magkakaibigan. Sila ang dahilan kung bakit nakarating ako rito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinundan sila. Nababaliw na talaga siguro ako.

Tanging ang mukha lang ni Andrew ang nakikita ko sa kanila dahil siya lang ang nakaharap banda sa pwesto ko. Simula kaninang dumating kami ay tumitingin lang siya sa mga kaibigan niya at tahimik na umiinom. Mukhang napakaseryoso nilang lahat at hindi nag-uusap-usap. Nalipat ang ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa harapan niya. Kay Jack. Dahil sa nakatalikod siya sa pwesto ko ay hindi ko makita kung anong itsura niya. Iniisip ko kung ano kaya ang nasa isip niya ngayon. Galit pa rin kaya siya sa akin?

Ibinalik ko ang tingin sa boteng hawak-hawak ko at muling uminom. Pakiramdam ko ay wala na ako sa tamang pag-iisip. Umiikot na ang paningin ko at tila napakagaan na ng ulo ko. Mahina kong sinampal ang pisngi ko dahil pakiramdam ko’y namamanhid na ang mukha ko. Naapektuhan na siguro ako ng alak dahil sa dami na ng nainom ko.

Napatingin ako sa gitna nang mapalitan ang tugtog ng isang mabagal na awitin. Kaagad na nagsi-alisan sa gitna ang mga taong walang kapareha sa pagsayaw at tanging naiwan lang ay ang mga taong may partners. Mabagal silang nagsayaw at sinabayan ang mapayapa at romantikong tugtugin.

Naglakas loob akong tumayo at lumakad patungo sa mesa kung saan nakaupo sina Jack. Mukhang tinamaan na talaga ako dahil paliko-liko ang lakad ko at wala na ata talaga ako sa tamang pag-iisip. Nang makalapit ako sa mesa nila ay halata sa mga itsura nila ang gulat nang makita ako.

“S-Summer… A-Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ni Justine at bumaba ang tingin sa katawan ko. “Huwag mong sabihin sa aking hindi ka pa umuuwi? Naka-uniform ka pa. Hindi pwede ang estudyante rito.” Sermon niya.

“At kayo? Hindi ba kayo eshhhtudyante?” mataray na tanong ko.

Nalipat ang tingin ko kay Samuel nang matawa siya sa sagot ko. “Anong nakakatawa?”

“Oooppss sorry. Ang cute mo kasi.” Natatawang saad niya.

“Pssssh!” sagot ko at inirapan siya.

Nagulat ako nang may humawak sa may braso ko. Tiningnan ko ito at nakita ang seryosong mukha ni Storm. May band-aid siya sa may kilay niya at nangingitim ang ilalim ng mata niya. Oo nga pala. Nabugbog siya nang dahil sa akin. Stupid me! Kasalanan ko kaya siya nasaktan! Isssshhhh!

“Lasing ka. Ihahatid na kita.” Seryosong saad niya.

Kaagad na napakunot ang noo ko at hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. “Ayoko! Gusto ko siyang makasayaw!” sagot ko at itinuro si Israel.

Sabay-sabay silang gulat na napatingin kay Israel at si Israel naman ay hindi makapaniwalang napaturo sa sarili niya.

“Ako?!” gulat na tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango bilang tugon at saka nginitian siya. Sabay-sabay namang natawa sina Andrew, Samuel, Drake at Justine dahil sa asal ko.

“Huh! You had the guts to laugh at me?! Ako?! Tinatawanan niyo?! Ako na si Shhhhummer Pascua?! Ako?! Huh! Ang lalakassssh naman ng mga loob ng mga gangster na ‘to para pagtawanan ako!” sigaw ko sa kanila.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon