[48] Change of Heart?

190K 6.5K 1.6K
                                    

Napatingin ako sa orasang nakadikit sa itaas ng pintuan ng operating room. Mag-aapat na oras na kaming hindi mapakali sa kahihintay na matapos ang operasyon nina Jasmine at Storm. Sabay silang ipinasok sa loob at hanggang ngayon ay wala pa ring doctor ang lumalabas upang balitaan kami kung ano na ang lagay ng dalawa. Wala akong ibang marinig na ingay sa paligid kundi tanging ang mabigat na paghinga lamang ng mga kasama ko.

Nakaupo sa harapan ko sina Israel, Drake, Justine at Samuel habang nasa tabi ko naman si Andrew. Si Jack naman ay malayo sa amin. Nasa dulo siya ng hallway at nakatulala. Si Thunder naman ay nasa may tabi lang ng pintuan ng Operating Room at nakaupo sa sahig. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkabigla sa nangyare. Hindi ko alam kung kaanu-ano niya si Jasmine para maging ganito siya kaapektado na halos mawala na siya sa kanyang sarili.

"Guardian ni Mr. Williams?"

Sabay-sabay kaming napatayo nang isang doctor ang lumabas sa operating room. Nagmamadali kaming lumapit sa kanya pati na rin si Thunder. Si Jack naman ay nanatili lang na nakaupo at nakatulala sa dulo ng hallway.

"Mga kaibigan po kami ni Storm!" natatarantang saad ni Justine pagkalapit namin sa doctor.

Ngumiti ang doctor sa amin na tila paraan na rin niya ng pagsasabing isang magandang balita ang dala niya.

"Well, wala na kayong dapat ipag-alala dahil he's fine now."

Sabay-sabay kaming nakahinga ng maluwag nang marinig ang sinabi ng doctor.

"Mabuti na lang at walang major organ ang tinamaan nang masaksak siya. May ibang buto ang nabali sa kanya pero hindi naman namin kinailangang lagyan pa ng bakal dahil kaya namang magheal noon kung lalagyan lang namin siya ng cast. Natahi na rin namin ang sugat na natamo niya sa ulo. He underwent CT Scan and MRI at nakita naming wala namang internal bleeding."

"Thank God," tila naiiyak na saad ni Andrew at saka napatingala.

"Nasa recovery room pa siya sa ngayon ay sinasalinan pa ng dugo dahil napakarami talagang nawalang dugo sa kanya. Maya-maya ay ililipat na rin namin siya sa private room niya."

"Maraming salamat po, Doc." Pagpapasalamat naman ni Israel.

Ngumiti na lang sa amin ang doctor bilang pagsagot at aalis na sana pero natigilan siya nang hawakan siya ni Thunder sa may braso at pinigilan.

"How about my sister? How is she?" puno ng pag-aalalang tanong ni Thunder.

Teka, sister? Ang ibigsabihin ay kapatid niya si Jasmine? Tiningnan ko sina Andrew at hindi ko sila kinakitaan ng pagkabigla sa tanong ni Thunder. Ibigsabihin ay alam na nilang magkapatid ang dalawa? So ang ibigsabihin ay kami lang ni Storm ang hindi nakakaalam?

"Ah, iyong babaeng nabaril? Nasa operating room pa siya at inooperahan ng ibang doctor. Hintayin niyo na lang matapos ang operasyon at tanungin ang doctor niya dahil wala akong idea how the operation is going. I'm sorry." Sagot ng doctor kay Thunder.

Napayuko si Thunder at saka dahan-dahang binitiwan ang doctor para tuluyan na itong makaalis. Nawala na ang nakakatakot na tingin ko sa kanya. Ngayon ay wala akong ibang makita sa kanya kundi nakakaawa ang itsura niya.

"Mabuti na lang at ayos na si Storm. Kung hindi ay mapapatay talaga kita." Galit at seryosong saad ni Samuel kay Thunder.

Dahan-dahang iniangat ni Thunder ang ulo niya at tiningnan si Samuel. Akala ko ay makikitaan ko siya ng galit na reaksyon dahil sa sinabi ni Samuel pero nagulat ako nang sa pag-angat niya ng ulo niya ay bumungad sa amin ang luhaan niyang mukha.

"If something bad happens to Jasmine, please gladly do so. Break every bones in my body, burn me alive, rip my heart out...kill me gladly...please." Umiiyak na saad niya at saka dahan-dahang lumuhod sa harapan namin. "Please kill me..." pagmamakaawa niya.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon