[18] True Color of a Flower

282K 8.6K 2.4K
                                    

Kasabay ng iba pang mga estudyante ay tinahak ko din ang daan palabas ng mala-empyerno naming paaralan. Mukhang totoo nga ang sinasabi ni Storm tungkol sa command na 'No one is allowed to touch Summer Pascua' dahil mula pa kaninang umaga hanggang ngayong uwian ay walang nambubully sa akin. Ni ang makipag eye to eye contact sa akin ay hindi nila magawa.

Nang makalabas na ko ng school ay nakahinga ako ng maluwag. Madalas kasi na lumalabas ako na tila nawalan ng dangal. Minsan nga ay kapag pumapasok ako sa paaralang iyon ay tinatanong ko ang sarili ko kung makakalabas pa ba ako ng buhay. Ngayon lang ata ako makakauwi ng mapayapa.

Tatawid na sana ako ng kalsada nang isang pulang kotse ang biglang humarang sa daraanan ko. Hindi ko alam kung harang ba ang tawag doon pero tila nais niya akong sagasaan at naka-iwas lang ako.

Bumaba ang tinted na bintana ng sasakyan at bumungad sa akin ang babaeng may mala-anghel na mukha. Hindi lang pala siya maganda. Mayaman rin pala siya.

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

"May I have few words with you?"

Tila isang musika sa tainga ang tinig na meron siya. Napakasarap pakinggan ng boses niya. Napakamalumanay at mapayapa. Nakakahiyang ikinumpara nila ako sa kanya. Masyado siyang perpekto para ikumpara sa basahang katulad ko.

Binuksan niya ang pintuan katabi ng driver's seat kung saan siya kasalukuyang nakaupo. Isinenyas niya ang ulo niya na pumasok ako kung kaya't sumakay ako na walang pagdadalawang isip pa. Pagkasakay ko ay mabagal niya itong pinaandar at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Pinipilit kong pigilan ang sarili kong tignan siya pero masyadong malakas ang dating niya na tila hinahatak niya ang buong atensyon ko na mapunta sa kanya. Seryoso lang siyang nagmamaneho at diretso ang tingin sa dinaraanan namin pero sobrang ganda niya sa paningin ko. Hindi na ako magtataka kung bakit pinag-aagawan siya ng gangster na iyon at ni Storm.

"Saan mo ko dadalhin?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Nagulat na lang ako nang mapansin na wala na kaming mga bahay na dinadaanan at mukhang liblib na ang lugar na pinagdadalhan niya sa akin. Napatingin na lang ako sa kanya nang ihinto niya ang sasakyan sa gitna ng kawalan. Bumaba siya ng sasakyan at umikot papunta sa pwesto ko at saka ako pinagbuksan ng pinto. Dito ba niya ko balak patayin dahil sa paniniwalang girlfriend ako ng gangster na iyon? Kanina walang pagdadalawang isip na sumama ako sa kanya pero ngayon ay nagdadalawang isip akong bumaba.

Hindi na niya ko hinintay pang kumilos sa sarili kong kagustuhan at hinawakan na lang niya ako sa may pulso ko at hinila palabas ng kotse niya. Iniharap niya ako sa kanya at huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Sino ka ba talaga?" malumanay na tanong niya.

Nagtataka ko lang siyang tinignan. "I'm Summer Pascua and I'm just a transferee," honestong sagot ko.

Ngumiti siya sa akin at pinakita niya kung gaano kaganda ang mukhang meron siya.

"Now I understand why Storm is nice to you."

Napakunot ang noo ko sa narinig. "Excuse me?"

Ngumiti siya at saka napabuntong hininga. "I've been watching you lately. Nakikita kong malapit ka kay Storm. I was wondering why he's nice to you at ngayong nakausap na kita ay alam ko na ang dahilan. I think that's because you reminds him of me."

"Nakakahiya namang iparehas mo ang katulad ko sa'yo. Wala akong makitang pagkakaparehas natin. You're too perfec--"

"You're right. We're not alike. At hindi ko rin gusto na marinig na sinasabi nilang magkaparehas ta'yo."

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon