[7] Jasmine

284K 8.8K 263
                                    

Habang nag-iikot-ikot sa Tan Siu ay namalayan ko na lang na naglalakad ako patungo sa isang puno sa itaas na bahagi ng soccer field. Just a perfect place to escape this hellish school. Pagdating ko sa tuktok ay sumilong ako sa ilalim ng puno at just my luck, may isang bench pala roon. It is a nice place to stay but why does it seems walang taong nagpupunta rito? Hindi naman ito klase ng lugar na mahirap hanapin and besides, ang ganda ng tanawin dito. Matatanaw mo ang buong school at mapapanuod mo pa ang laro ng soccer sa baba. Tahimik at mapayapa.

"Cheaters are not allowed here."

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko ang gangster na iniiwasan ko. "Funny how we keep on bumping into each other," saad ko at inirapan siya.

Mabagal siyang lumapit sa akin at naunang naupo sa bench. Nanatili akong nakatayo sa gilid niya habang siya naman ay seryosong pinagmamasdan ang magandang tanawin.

"You look clean today," saad niya breaking the silence.

"Yup. Thanks to that someone named Storm," sarkastik na sagot ko.

Masama niya 'kong tiningnan. "You think he can save you?"

"I don't," diretsong sagot ko.

Binigyan niya ako ng nakakainsultong ngiti at saka napailing. "You can really play games quiet well," saad niya.

"Pwede ba, gangster. Huwag mo akong isama sa kung ano mang kabitteran mo sa buhay. If you have been fooled once, 'wag mo akong idamay. I never planned to be a part of your life. So please, leave me alone. Tell your bully team to leave me alone," inis na saad ko.

Masama niya kong tiningnan.

"You think I won't figure out na ikaw ang may pakana ng pambubully nila sakin? Are you having fun? Natutuwa ka ba sa pinaggagagawa nila sa akin?"

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay nag-iwas siya ng tingin. Napabuntong hininga na lang ako at naupo rin sa tabi niya.

"Why are you not fighting back?" biglang tanong niya.

"Because I don't want to be like them. Kung lalaban ako at papatulan ko sila, parang katulad na rin nila ako," sagot ko habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.

Nag-iwas siya ng tingin at saka natawa ng pilit.

"Your acting skill is quite impressive too."

Napailing na lang ako. "I better go," paalam ko at saka tumayo.

Aalis na sana ako pero natigilan ako dahil may limang lalaking sumalubong sa akin.

"Look who's here," saad ng lalaking may pulang buhok.

"Well.. Well.. Well.." ika naman ng lalaking may pink na buhok at tumingin sa gangster na nasa likuran ko. Uso ba ang may kulay ang buhok sa school na ito? Dahil maging ang gangster na cursing machine na may weird na pangalan ay kulay gray ang buhok.

"So, siya pala ang wanted na nagdala kay Frosty sa hospital?" saad ng lalaking kulay ginto ang buhok. Pagkasabi niya noon ay malakas silang naghalakhakan. May inilabas namang papel 'yung lalaking kulay brown ang buhok . Papel kung saan nakadrawing ang mukha ko at may nakalagay na wanted. I rolled my eyes nang ikinumpara nila ang mukha ko roon sa nasa papel.

"Nice, Frosty. You drew her really well. Kamukhang-kamukha niya ang sketch mo," saad naman ng lalaking itim ang buhok.

Anong sabi niya? Si cursing machine mismo ang nag-sketch noon? Nilingon ko ang cursing machine at hindi ko man lang nakitaan ng reaksyon ang kanyang mukha. Magaling palang magdrawing ang gangster na ito at talaga namang nakakamangha ang pagkakadrawing niya sa mukha ko.

Nagulat ako nang bigla akong akbayan nung lalaking may buhok na kulay pula. "Hello, I'm Israel. Nice to meet you," pakilala niya. "Bakit mo naman dinala sa hospital ang master namin? Hindi mo ba alam na pwede mo siyang dahil sa kahit saan, 'wag lang sa mga hospital?"

Biglang naghalakhakan ang ibang kasama niya.

"Easy, Israel. I've seen how she suffered and she never shed a tear. I like her," saad naman ng lalaking may pink na buhok.

"Really? Nakakataba naman ng puso," sarkastik na sagot ko.

Naghalakhakan na naman sila. Disgusting gangsters.

Nagulat na lang ako nang biglang dumausdos ang kamay ng lalaking may pulang buhok sa beywang ko. Aalisin ko sana 'yun pero biglang may humila sa akin palayo sa kanya.

"Relax, I'm not going to rape her," saad niya sa gangster na humila sa akin.

"You guys, f*ck off," mariing sabi ni gangster.

Kaagad naman silang muling naghalakhakan.

"Seriously, Frosty. Are you jealous? So Storm was right," saad ng lalaking may gintong buhok.

I rolled my eyes at them. Sabi na, kaibigan siya ni Storm at magkakaibigan silang pito. Inalis ko ang kamay ng cursing machine na nakahawak sa akin. Seryoso siyang napatingin sa akin dahil sa ginawa kong iyon.

"Leave me alone. 'Yun lang ang hinihiling ko. We both don't want to see each other, right? So if ever na magkasalubong tayo, act as if we're strangers. Or better yet, act as if I don't exist na lang. I don't want to be a part of your gangstering world. So if you don't mind... I'm leaving," sabi ko at dire-siretso ko silang nilagpasan.

I know na habang naglalakad ako paalis ay nakatingin silang lahat sa akin.

"What do you even like about her? She's just like any other girls," narinig kong tanong ng isa sa kanila. At bago pa man ako tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang sagot ng isa sa kanila.

"No, Drake. She reminds me of Jasmine. Am I right, Frosty?"

And who the heaven is Jasmine? Parang ilang beses ko nang narinig ang pangalan na iyon.

❄ ❄ ❄

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon