[39] Break You A Little

254K 8.5K 4.5K
                                    

Hindi alam ni Storm kung ano ang dapat maging reaksyon niya sa sinabi ni Jack. Iniwas niya ang tingin niya sa kaibigan at pinilit niya ang sarili na ngumiti.

“Propose? Hindi ba’t dapat ay ligawan mo muna siya?” tanong niya.

Halata sa boses niya na pilit niyang tinatago ang sakit na nararamdaman niya. Ramdam naman iyon ni Jack pero hindi niya ipinakita kay Storm na nahalata niya iyon.

Nanatili si Jack na nakatitig kay Storm na ngayon ay hindi makatingin sa kanya. Pilit niyang binabasa kung anong iniisip ni Storm.

Inalis niya ang pagkakahawak niya sa balikat nito at ibinulsa niya ang kanyang dalawang kamay.

“We already slept together.” Saad niya.

Gulat na ibinalik ni Storm ang tingin sa kanya nang marinig iyon.

“What?!” hindi makapaniwalang tanong nito.

Tiningnan maigi ni Jack si Storm at kitang kita niya sa reaksyon nito na hindi lang ito nagulat kundi nasasaktan rin ito.

“I am going to marry her, Storm.” Seryosong saad niya habang nakatitig sa mga mata ng kaibigan.

“Because you slept with her?”

“No,” mabilis na sagot niya. “Because I want to marry her.”

Saglit na natigilan si Storm sa naging sagot niya. Nanatili silang seryosong magkatitigan at matagal na namagitan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago nagpasyang magsalitang muli ang isa sa kanila.

“Are you telling me these to fuck off?” tanong ni Storm.

“No. What I’m telling you is how I feel for her, Storm. I love Summer. I love her.” Seryosong sagot ni Jack.

Pilit na natawa si Storm at napa-iling. “Wow. It reminds me of us two years ago.” Saad ni Storm habang nakangiti ng mapang-asar.

Unti-unti ay muling nagbalik sa ala-ala nilang dalawa ang naging usapan nila dalawang taon na ang nakakaraan.

“Dahil ba sa paghalik ko sa kanya kaya mo siya hiniwalayan, ha? Dahil ba dun, Jack?” galit na tanong ni Storm habang sinasabayan sa paglalakad si Jack.

Nanatiling walang imik si Jack at patuloy sa paglalakad at hindi siya pinapansin. Tuluyan nang napuno si Storm kung kaya’t humarang na siya sa dinaraanan nito.

“Get the fuck out of my way.” Puno ng awtoridad na utos ni Jack.

“Makinig ka muna. Walang kasalanan si Jasmine rito. Ako ang may kasalanan ng lahat. Yes, tama ka. Isa akong traydor. Pero walang kasalanan si Jasmine. You have to give her a chance!” galit na sigaw ni Storm.

Inis na hinila ni Jack ang kwelyo ng damit ni Storm matapos marinig ang sinabi nito.

“Do you fucking have any idea of what you’re doing right now?!” galit na tanong ni Jack sa kanya.

“Right now I’m telling you how I feel for her, Jack. I love Jasmine. I love her.” Diretsong sagot ni Storm sa kanya.

Unti-unting lumuwang ang higpit ng pagkakahawak ni Jack sa kwelyo ni Storm nang makita niya sa mga mata nito ang sensiridad sa sinabi niya…na mahal nito ang babaeng mahal rin niya.

“Then she’s all yours now.” Matipid na sagot ni Jack at kaagad na nilagpasan si Storm.

Binilisan niya ang lakad niya para makalayo kaagad kay Storm. Nang tuluyan na siyang makalayo rito ay nanghihina siyang napasandal sa isang pader. Tila hiningal siyang napahawak sa dibdib niya. Mariin siyang napapikit at kasabay nang pagpikit niya ay ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata niya.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTWhere stories live. Discover now