[25] Words That Were Not Left Unsaid

276K 9K 1.7K
                                    

*** Please read my author's note***

Kasalukuyan kaming salo-salo ng pamilya ko na kumakain ng hapunan nang makarinig kami ng marahang katok mula sa pintuan. Nagkatinginan sina Mama at Papa at halata sa reaksyon nila na wala silang inaasahan na bisita. Kaagad akong nakaramdam ng kaba nang biglang pumasok sa isip ko si Thunder at kung paano siya nakapasok sa kwarto ko.

Sabay-sabay silang napatingin sa akin nang bigla akong tumayo. Napakunot ang nuo ni Papa at saka tumayo rin.

"P-Pa, ako na lang po ang pupunta. Mukhang 'yan na po ang kaibigan ko. Hiniram niya po kasi ang notebook ko at mukhang siya na 'yan para ibalik." Pagsisinungaling ko.

Nagtatakang tumango si Papa at mukhang nagdadalawang isip pang bumalik mula sa pagkakaupo.

"Oh sige. Bumalik ka kaagad dahil hindi ka pa tapos kumain." Utos niya.

Tumango ako at kaagad na lumabas ng kusina. Nang makarating na ako sa sala ay kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko habang tinitignan ang nakasarado naming pintuan. Muntik na kong mapatalon sa gulat nang may kumatok muli rito. Dahan-dahan akong lumakad papalapit at saka mabagal na pinihit ang doorknob.

Huminga ako ng napakalalim bago dahan-dahang binuksan ang pintuan. Tila napakatahimik ng paligid at wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay kung si Thunder nga ang tao sa likod ng pintuang ito ay para na rin akong humarap sa kamatayan.

"Hey."

Kaagad akong napabuntong hininga nang makita ang mukha ni Storm matapos kong tuluyan mabuksan ang pintuan.

"Storm." Tila nabunutan ng tinik na tawag sa kanya.

"Bakit namumutla ka? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya at kaagad na lumapit sa akin.

Tinitigan kong maigi ang mukha niya at nagbabakasakaling hindi ako nagkamali lang nang nakikita. Napabuntong hininga ulit ako nang makumpirmang siya nga si Storm.

"Ayos lang ako, Storm. Natakot lang ako. Akala ko ay si Thunder ka na." Saad ko.

Lumapit siya lalo sa akin at hinayaan na mailawan ng ilaw mula sa sala ang mukha niya.

"Ako ito. Wala ka nang dapat ikatakot." Saad niya.

Napangiti ako at saka tumango.

"Teka, kumain ka naba?" Tanong ko nang mapansin na suot-suot pa rin niya ang uniporme namin at mukhang hindi pa rin siya nakakauwi.

Umiling siya sa akin bilang sagot.

"Gusto mo bang pumasok muna? Sakto kumakain pa lang kami." Saad ko.

"Hindi na, Summer. Gusto ko lang siguraduhin na ayos kana kaya napagdesisyunan kong puntahan ka."

Saglit akong napatitig sa mukha niya matapos marinig ang dahilan niya. Dahan-dahan akong tumango at nagpakawala ng pilit na ngiti.

"Salamat." Saad ko.

Kaagad siyang napa-iling. "Wag kang magpasalamat. Responsibilidad ko iyon." Sagot niya.

"But still. Thank you." Pagpupumilit ko.

Natawa siya ng mahina at napa-iling. "How can I stop myself from seeing you? Ngayon pa nga lang na magpapaalam ako ay namimiss na kita." Nakangiting saad niya.

"M-Magpapaalam?" Gulat na tanong ko.

Napakamot siya sa ulo niya at saka dahan-dahang tumango. "Ang totoo ay bukod sa gusto kong masiguro na okay ka ay pumunta rin ako rito para magpaalam pansamantala." Diretsong sagot niya.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon