[9] His Name

293K 9K 419
                                    

"You've gone really mad now." sagot niya habang pinapakita sa akin ang ekspresyon na hindi manlang nagbago matapos ko siyang murahin.

Inirapan ko siya at tinalikuran bago pa ko mabaliw sa pakikipag-usap sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero natigilan ako nang hablutin niya ang braso ko.

Gulat ko siyang tiningnan nang iharap niya ko sa direksyon niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nanatiling nakahawak sa braso ko.

"Hindi ka ba nandidiri? Alisin mo ang kamay mo." malamig na utos ko pero nanatili lang siyang nakahawak sa akin habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.

"O baka gusto mong ako pa ang mag-alis ng kamay mo at maglabas ng alcohol diyan sa bulsa mo?" inis na tanong ko.

Nagulat ako nang matawa siya ng mahina at saka tumingala.

"I'm really going crazy." saad niya at saka ibinalik ang tingin sa akin. "How come you're still attractive even when you're mad?" seryosong tanong niya.

"What?!"

Mas hinigpitan niya ang kapit sa braso ko. "Let's go before you get cold." saad niya at saka ako hinila.

"What?! Wait! Where are you taking me, huh?" pigil ko pero no use dahil patuloy siya sa paghila sa akin.

Nagulat ako nang biglang may mabilis na itim na sasakyan ang huminto sa harapan namin. Agad niya akong sapilitang isinakay sa loob.

"Saan mo ko dadalhin?" tanong ko pagkasakay rin niya ng sasakyan. Tatlong tao lang kaming nasa loob. Ang isa ay ang lalaking naka-itim na suit na kasalukuyang nagdridrive ng sasakyan.

Hindi niya ako inimik at nanatiling nakatingin lang sa daan. Kinakabahan akong napalunok. Ang tawag ba sa nangyayare sa akin ngayon ay kidnapping?!

"Saan mo ko dadalhin ha? Ipapambayad mo ba ko kapalit ng drugs ha?!"

Gulat siyang napatingin sa akin.

"What?!" natatawang tanong niya. "It never crossed my mind but thanks to you, I now have an idea of what I'm going to do."

Nanlaki ang mga mata ko.

"You're not going to do that, don't you?"

"Why not?" natatawang sagot niya.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. I never thought na myembro din siya ng mga sindikato dito sa Pilipinas. Hindi ako makapaniwala sa napasok kong gulo.

"I still want to live! Oh, God."

Masama ko siyang tinignan nang matawa siya ng malakas.

"I never thought you'll be even more attractive when you're being hysterical."

Kumunot ang noo ko. And he still had the guts to compliment me?! Is he really crazy?!

"Am I really that bad to you, huh?" tumatawang tanong niya.

"You only do bad things. Ano sa tingin mo ang dapat makita ko sa katauhan mo? Isang anghel?" pabalang na sagot ko.

Ngumuso siya at pinitik ang noo ko. Agad akong napahawak sa noo ko.

"I really am going to sell you. You hurt my feelings." banta niya at saka tumawa.

"Ipapakulong kita pagnakatakas ako. Kidnapping and illegal trafficking!"

"Oh! That's really scary." natatawang sagot niya.

Nang pagtingin ko sa lugar kung nasaan na kami ay wala na kong ibang nakita kundi mga sasakyang nakaparada. Tila isang parking lot. Nang tumingin ako sa tabi ko kung saan siya nakaupo kanina ay hindi ko na siya nakita. Nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto sa tabi ko at hinila niya ko palabas.

"Are you really serious? Are you really going to do this to me?" kinakabahang tanong ko habang hila-hila niya ko.

Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang 13th floor.

"Where are you taking me?" kinakabahang tanong ko.

Tumingin siya sa akin at halatang pinipigilan niya ang matawa. Huh! Sobrang saya niya! I can't believe this! Hindi manlang ako nakapagpaalam ng maayos sa Mama at Papa ko bago mawala sa mundo.

Nang makarating kami sa 13th floor ay agad niya akong kinaladkad papalabas ng elevator.

"Ano pa bang gusto mo? Lilipat naman na ako ng school! Why are you doing this to me?!" maiyak-iyak na tanong ko.

Napatingin ako sa dinaraanan namin. Ano bang lugar ito? Hotel? Condo? Huminto kami sa tapat ng isang pintuan. Binuksan niya iyon at hihilain na sana ako papasok pero agad akong kumapit sa kung saan man pwedeng kumapit.

"Please don't do this. Hindi ka ba nakokonsensya? Masusunog ang kaluluwa mo sa impyerno! Pakawalan mo ako!" naiiyak na paki-usap ko.

"Shit. You're really hurting my feelings now." tila batang saad niya habang nakapatong ang kamay niya sa dibdib niya. "I'm not going to sell you, okay?"

"Then why are we here? Saan mo ko dinala?"

Hindi niya ako sinagot at malakas na hinatak papasok. Agad akong napaupo sa sahig dahil sa lakas ng pagkakahila niya. Tiningala ko siya ng tumayo siya sa harapan ko.

"You ruined my mood. Change first then leave. I don't want to see you." saad niya at saka may kung anong inilaglag sa harapan ko.

Tinignan ko ito at saka gulat na ibinalik ang tingin sa kanya.

"I don't know if that fits you but at least you won't go home with wet uniform. Go change before you get colds." utos niya at saka umalis sa harapan ko. "Oh, and you can change in that room." dagdag niya habang nakaturo sa kwarto sa may kanan ko.

Pakiramdam ko'y lahat ng galit na naramdaman ko kanina ay bigla na lang nawala. Anong ibigsabihin nito? Pinapabully niya ko para lumipat na ng school pero bakit nandito siya ngayon at tila tinutulungan ako?

***

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at saka iniwas ang tingin.

"Should I just let you go home with wet uniforms instead?" tanong niya nang hindi makatingin sa akin.

Tinignan ko ang sarili ko at mas gugustuhin ko pa nga ata talagang umuwi na basa ang uniform ko. Sino nga naman bang matinong babae ang uuwi na ganito ka-iksi ang suot?

Kanino bang mga damit ito at ganito karevealing? Hindi kaya damit ito ng isa sa mga babaeng dinadala niya rito? Teka? Is this his place? Kung ganoon, mga ganitong tipo pala ng babae ang mga dinedate niya. Disgusting gangster. Ugh.

Bigla siyang tumayo at may kinuhang susi sa lamesa na nasa harapan niya.

"I really have no plan of driving you home. But I can't let you go with that look so let's go." saad niya at saka naunang lumakad. Agad naman akong sumunod sa kanya.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa at mukhang wala talagang balak mag-usap. Mula sa pinagmulan namin ay limang minuto lang ang inabot nang makarating kami sa lugar kung saan ako banda nakatira.

Inihinto niya ang sasakyan niya ilang kanto na lang bago ang bahay namin. Ini-unlock niya ang pinto at nanatiling nakatingin sa harapan namin at walang imik. Pasimple akong tumingin sa kanya bago bumaba.

"Salamat, gangster." saad ko at bababa na sana nang i-lock niya ang pintuan ng sasakyan.

"Why do you still address me that way? You know my name already." saad niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Dapat ko bang sagutin 'yan?"

Hindi niya ako inimik at nanatiling nakatingin sa harapan namin at hindi tumitingin sa akin. Napabuntong hininga ako.

"Fine." saad ko. "Dahil pakiramdam ko.... ang pagbanggit sa pangalan mo ay isang kasalanan."

Agad siyang napaharap sa akin. "W-What?!"

"Pakiramdam ko kasi.... kapag binanggit ko ang pangalan mo, nagsalita na rin ako ng isang censored word.. Na nagmura ako." sagot ko.

Inis siyang natawa. "You're really being mean to me. How could you hurt the feeling of someone who helped you, huh?" tila batang nang-aaway na saad niya.

Ngumiti ako ng pilit. "But then... I also feel like your name is a magic word.. A password.. A code.. Na kapag sinabi ko ang pangalan mo, it's either pwede akong maligtas or pwede kong makuha ang gusto ko. Katulad na lang sa bar noong nakaraan. Your name saved me."

Tumingin ako sa kanya at seryosong tinignan ang mga mata niya.

"Pwede na ba akong bumaba?"

Matagal niya akong tinitigan bago tuluyang ini-unlock ang kotse niya. Agad akong bumaba at mabilis na lumakad pauwi. Hindi na ako nag-abala pang lumingon dahil alam kong.... Nakatingin siya sa akin.

q$O

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon