[23] Jasmine The Second

281K 8.4K 1.6K
                                    

"Ano ba talagang kailangan mo, Thunder?" tanong ni Storm.

Ngumiti ng malawak ang lalaking nasa harapan ko at saka seryosong inilipat ang tingin kay Storm.

"It's been three years. Hindi mo ba ako kukumustahin manlang muna?" nakangiting tanong niya.

Hindi ko magawang hindi matakot sa kanya. Ang presensya pa lamang niya ay nakakapagbigay na kaagad ng kakaibang takot sa akin. Paano pa ang titigan niya ako? Wala akong ibang magawa kundi ang manginig na lang sa harapan niya.

"Hindi na kita kailangang kumustahin. Alam ko namang whatever you are three years ago, ganun ka pa rin."

Ngumiti si Thunder na tila nainsulto siya sa naging sagot ni Storm.

"I hope hindi ka nandito para manggulo, Thunder." Dagdag pa ni Storm.

Inis siyang napakagat sa labi niya at saka natawa ng pilit. "Sinabi ko na, hindi ba? Binibisita ko lang ang binibining ito." Sagot niya at saka inilipat ang tingin sa akin.

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot sa kanya. Nagulat na lang ako nang tumabi sa akin ang cursing machine na kanina lang ay nakatayo sa likod ko.

"You don't seem fine, Jack." Nakangiting puna ni Thunder sa kanya.

Dahil sa narinig mula kay Thunder ay tiningala ko ang mukha ng gangster na nasa tabi ko at bigla na lang akong nakaramdam ng pag-aalala nang makitang kakaiba nga ang kulay niya. Mukhang namumutla siya.

"J-Jack." Nag-aalalang tawag ko sa kanya. Posible bang kaya siya namumutla ay dahil sa saksak na natamo niya kahapon?

Tinignan niya ako sandali at nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at mahigpit na hinawakan ito bago ibinalik ang tingin kay Thunder.

"Stop visiting her from now on. I don't like it." Seryosong saad niya.

"What?" natatawang tanong ni Thunder.

"I don't like it. The idea of you, visiting her...I don't like it. As her boyfriend, it's kind of disrespect to me."

Hindi ako makapaniwalang napanganga sa mga narinig ko. Anong sinabi niya?!

"That's cheesy." Wika ni Thunder at saka natawa ng malakas.

Napangiti ng sarkastik ang cursing machine sa naging reaksyon niya.

"Remember when you didn't take my words seriously?" tanong niya rito na unti-unting nagpatigil sa pagtawa niya.

Bigla na lang naging seryoso ang mukha niya at tila nainsulto sa tanong ng gangster na nakahawak pa rin sa kamay ko.

"So now you're opening it, huh?" Seryoso at tila nainsultong tanong niya.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at saka seryosong tinignan si Thunder.

"This will be the last time I'll be seeing you here, Thunder. If you ever dare consider using her again against me...I suppose you already knew that I, Jack Frost, will never ever have a second thought of wasting my valuable time in killing a rogue, useless and pathetic schoolboy like you."

Tila nalimutan ko na ang huminga dahil sa tension na namamagitan sa kanilang dalawa. Magkatitigan lang naman silang dalawa pero hindi ko maunawaan kung bakit maihahalintulad ko na ito sa mga eksenang makapigil hininga.

Kaagad akong nakaramdam muli ng takot nang ilipat ni Thunder ang tingin niya sa akin.

"I'm impressed. Yet, it's not convincing." Wika niya.

Nagulat na lamang ako nang dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa amin. Nang makalapit na siya ng tuluyan ay huminto siya sa harapan ko at binigyan ako ng malawak na ngiti. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot sa kanya.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon