[10] Eggs

318K 9K 488
                                    

Nakauniporme akong lumabas ng bahay at nagpaalam kay Mama. "Ingat ka, anak. Sigurado ka bang mababait ang mga schoolmates mo ngayon?" tanong niya.

Tumango ako. "Opo, Mama," pagsisinungaling ko.

Lumungkot ang mukha niya. "Hindi ako naniniwala, Summer. Iyan ang parati mong sinasabi pero lagi kang umuuwing mukhang walang dangal. Ano bang totoo, anak? Binubully ka ba ulit nila?"

Humigpit ang kapit ko sa strap ng bagpack ko. "Alis na po ako, Ma," iwas ko at saka tumakbo palabas ng bahay namin.

Guilt ang nararamdaman ko habang naglalakad ako papunta sa plaza na malapit sa school namin. Hindi ko maaring sabihin sa mga magulang ko na suspended ako ng tatlong araw dahil napagbintangan akong nagnakaw ng gamit ng kamag-aral ko. Masyado na akong madaming problema na naibigay sa kanila.

Pinalipas ko ang buong araw ko sa plaza. Pakiramdam ko ay nag-cutting classes ako. Tatayo na sana ako mula sa swing pero natigilan ako nang makita ko ang isang pares ng panlalaking sapatos na huminto sa harapan ko. Tumingala ako at agad na kumunot ang noo ko.

"What?" iritableng tanong ko. Imbis na sagutin niya ako ay pwersahan niya akong hinila sa may wrist ko patayo. "Ano ba?!" angal ko. Nanatili siyang walang imik at kinaladkad ako. Where is he taking me again this time?

Sapilitan niya akong isinakay sa sasakyan niya. Ano bang problema ng gangster na 'to?! Lalabas sana ako pero agad niyang inilock ang pinto pagkasakay niya. Tiningnan ko siya ng masama. Hindi pa rin niya pinapapandar ang sasakyan pero nakatingin lang siya sa unahan and he looks somehow pissed.

"What's wrong with you?" tanong ko.

Inis siyang humarap sa akin. "Shouldn't I ask you the same question?"

Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit ba parang I've done something wrong to him pa?!

"Didn't you know how bored I was because you were absent today?"

Nanlaki ang mga mata ko in disbelief. "Gosh! Hindi mo ba alam kung gaano ako ka-thankful na suspended ako dahil makakapagpahinga ako ng tatlong araw mula sa pambubully niyo sa akin?"

Kunot noo niyang inilapit ang katawan niya sa akin at itinulak ako pasandal sa upuan at saka inilagay ang seatbelt ko.

"And now, saan mo ako dadalhin?" tanong ko. Hindi siya sumagot at sa halip ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan at saka nagsimulang mag-drive. Napailing na lang ako. Why does he keep on pestering me? What does he want from me? Gulat na lang akong napatingin sa kanya nang marealize ko na ang daan na tinatahak namin ay patungong Tan Siu.

"Are you crazy? Why are you taking me here?" gulat na tanong ko pero nanatili lang siyang tikom ang bibig hanggang sa makapasok na kami sa loob.

Bawat estudyante na nasa paaralan ay napapatingin sa sasakyan niya. Napahawak ako sa seatbelt ko nang bigla na lang niyang inihinto ang sasakyan, dahilan para muntikan na 'kong mapasubsob sa dashboard. Gulat akong tumingin sa kanya pero hindi ko man lang siya kinakitaan ng kahit anong ekspresyon. Is he crazy?!

Tahimik siyang bumaba ng sasakyan at umikot upang pagbuksan ako. Napapikit ako ng mariin. Is he tryin' to make a scene? Kapag nakita nila akong bumaba mula sa sasakyan niya ay alam kong madadagdagan na naman ang mga maglilista ng pangalan ko sa death note. Ghaaad! This gangster really annoys the hell out of me!

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon