[47] All About Revenge

176K 6.3K 3K
                                    

Mabilis na natahimik ang buong lugar nang makita nila si Jack Frost na nakatayo sa pintuan ng silid. Nakasuot lamang siya ng t-shirt na kulay puti at naka-maong na pantalon. Nakuha pa talaga niyang magputi kahit na alam niyang ang pupuntahan niya ay isang malaking gulo. Ibang klase. Siya nga talaga si Jack Frost.

Dahan-dahan siyang humakbang papasok sa loob habang hindi inaalis ang kanyang masamang tingin kay Thunder. Napakunot ang noo ko nang mapansing mag-isa lang siya. Huwag mong sabihing nagpunta lang siya mag-isa rito? Nasaan sina Justine?

"Napaaga ata masyado ang pagdating mo. Nagsisimula pa lang ako," pagbasag ni Thunder sa katahimikan.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang bumaba ang tingin ni Jack sa akin at nagtama ang tingin naming dalawa. Halos makalimutan ko nang huminga habang nakikipagtitigan sa mga mata niyang seryoso lang na nakatitig sa akin.

Unti-unting bumaba ang tingin niya mga labi ko at kaagad na napakunot ang noo niya nang makitang nagdurugo ito. Inis niyang inilipat ang tingin niya kay Thunder.

"You're gonna f*cking bleed to death, Thunder." Banta ni Jack.

Kaagad namang natawa si Thunder sa sinabi niya. "Engk, wrong. You are, Jack Frost." Sagot niya at saka ngumiti ng nakakaloko.

Nagulat ako nang may mga bagong dating na gangster ang biglang nagsipasok sa silid. Lahat sila ay may kanya-kanyang hawak na baseball bat at hindi biro ang dami nila. Isa-isa nilang pinalibutan si Jack at kitang kita sa mga itsura nila na hindi na sila makapaghintay pang gamitin ang baseball bat na hawak-hawak nila sa kanya. Mabilis na nabalot ang pagkatao ko ng takot.

Walang salita-salitang sabay-sabay silang sumugod sa kanya. Mabilis na umayos si Jack at nakipagsabayan sa kanila. Pinanuod ko siya kung paano naunang pinatumba sa sahig ang ilan sa mga kalaban niya. Kayang kaya niya silang mag-isa kung tutuusin kung wala lang sana silang armas na gamit laban sa kanya.

"Jack!" puno ng pag-aalalang sigaw ko nang mahataw siya ng baseball bat sa likod ng ulo niya. Dahil doon ay saglit siyang napahinto sa paglaban sa kanila. Sinamantala naman ng mga kalaban niya ang pagkakataon at sunod-sunod nila siyang pinaghahampas.

"Itigil niyo 'yan! Please!" pagmamakaawa ko.

Ang hirap pagmasdan na si Jack na kilalang pinakamalakas at walang kahinaan ay ngayo'y sobrang nahihirapan at natatalo sa laban. Napaka-unfair nila. Ganyan ba sila katakot kalabanin ang katulad niya? Bakit hindi na lang sila ni Thunder ang maglaban upang magkaalamanan kung sino talaga ang mas malakas sa kanila? Bakit kailangang ganito? Bakit kailangan pang mapahamak siya ng husto? He may be a cold hearted, arrogant, and loathsome gangster but he's still a human like all of us. He has feelings and weaknesses, too.

Inilipat ko ang tingin ko kay Jasmine na kasalukuyang nakatayo sa tabi ni Thunder. Napakunot ang noo ko nang mapansing tila nasasaktan din siyang panuorin si Jack na nahihirapan. Oo, malinaw na sa akin na isa siyang kalaban. Pero ang nararamdaman niya para kay Jack ang hindi pa malinaw para sa akin. Minahal niya ba talaga si Jack o ginamit lang talaga siya ni Thunder para makapaghiganti?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at susugod sana kay Thunder na tuwang tuwang nanunuod lang sa isang tabi pero natigilan ako nang biglang may humablot sa braso ko. Paglingon ko ay nagulat ako nang ang duguang mukha ni Storm ang sumalubong sa akin.

Dahan-dahan siyang umiling sa akin na tila sinasabing isang malaking pagkakamali ang naiisip ko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumugod sa mga lalaking pinagkakaisahan si Jack. Naiwan akong nakatulala at walang magawa habang pinapanuod si Storm na nakikipagsabayan din sa suntukan at pilit tinutulungan si Jack.

Dahil sa ginawa ni Storm ay nahati ang tulong-tulong na bumubugbog kay Jack dahilan para makabwelo si Jack at muling nakipagsabayan sa kanila. Malaking tulong ang nagawa ni Storm dahil ngayon ay magkatulong sila ni Jack sa pagpapabagsak ng mga kalaban.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon