[26] Promise

285K 9.5K 2.8K
                                    

“Summer, ayos ka lang ba?” Tanong ni Mama nang mapansin na tila wala na akong ganang kumain pagkatapos kong lumabas at makipag-usap sa kaklase kong sinabi kong hiniraman lang ako ng notebook.

Tinignan ko si Mama at binigyan ng pekeng ngiti. “Masama lang po siguro ang pakiramdam ko. Mauna na po muna ako sa kwarto ko.” Paalam ko at saka tumayo.

Ramdam ko na lahat sila ay nakatingin sa akin habang naglalakad ako papalabas ng kusina at bitbit-bitbit ang isang basong tubig. Inis akong napakagat sa labi ko nang hindi ko magawang itago sa kanila ang pagkatamlay ko matapos makipag-usap kay Storm. Pakiramdam ko tuloy ay binigyan ko na naman sila ng panibagong aalalahanin.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay kaagad kong nabitiwan ang basong dala-dala ko nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa may tapat ng bintana ng kwarto ko. Kaagad akong nakaramdam ng takot sa dibdib at maging ang katawan ko ay kaagad na nanginig.

Dahil hindi ko pa nagagawang buksan ang ilaw ay hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa dilim at hindi ko makilala kung sino siya. Tatangkain ko sanang tumakbo papalabas ng kwarto pero laking gulat ko nang makarating kaagad siya sa harapan ko at itinulak ako pasandal sa pintuan.

“Summer?! Ano iyong kalabog na narinig ko?!” Sigaw ni Mama na sa tantya ko ay nasa may hagdanan lang.

Sisigaw sana ako para humingi ng tulong pero kaagad tinakpan ng lalaki ang bibig ko. Nagulat na lang ako nang ang isang kamay niya ay ipinulupot niya sa bewang ko at ang noo naman niya ay isinandal niya sa noo ko.

“It’s me.” Bulong niya.

Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko dahilan para halos magdikit na ang dulo ng ilong naming dalawa.

“Jack?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

Dahan-dahan siyang tumango bilang sagot. Hindi ko magawang magreact dahil sa posisyon naming dalawa. Nagulat na lang ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

“Summer?” Boses ni Mama. “Ayos ka lang ba? Ano ‘yung narinig ko na kalabog?” Tanong niya.

“A-Ayos lang po ako. Nabitiwan ko lang po ‘yung baso at nabasag.” Sagot ko.

“Ha? Teka at lilinisin ko.”

“Huwag na po, Ma. Naayos ko na po.” Pagsisinungaling ko.

“Ah ganoon ba.” Malungkot na sagot niya. “Oh, sige. Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo, okay?”

“Opo.” Mabilis na sagot ko para umalis na siya.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay ibinalik ko ang tingin sa gangster na nakayakap pa rin sa akin. Dahil sa dilim ay hindi ko magawang makita ang itsura niya. Sinubukan kong kapain ang switch ng ilaw sa tabi ko pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at pigilan sa balak gawin.

“Don’t.” Bulong niya at saka dahan-dahang umayos ng tayo at tuluyan nang inilayo ang katawan niya sa akin.

Napakunot ang noo ko nang marinig na parang may mali sa boses niya. Sinubukan kong tignan ang mukha niya pero wala talaga akong makita dahil sa dilim. Itinukod niya ang kamay niya sa pader na nasa likuran ko habang nanatiling nakatayo sa harapan ko. Sa palagay ko ay sobrang lapit lang ng mukha niya sa akin dahil nararamdaman ko ang bawat hininga niya.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang haplusin ang mukha ko. Sa tingin ko ay nakikita niya ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa nakabukas na bintana sa may likuran niya kung saan ay sa tingin ko siya ay nanggaling.

“A-Anong ginagawa mo rito?” Kinakabahang tanong ko.

“I’m just making sure na wala nang magtatangkang umakyat pa rito.” Tila nahihirapang sagot niya.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon