[37] The Rejection

254K 8.6K 2.3K
                                    

Tumatawang tumayo si Israel mula sa pagkakaupo matapos siyang suntukin ni Jack. Pagkatayo niya ay humakbang siya papalapit kay Jack habang suot-suot ang mapang-asar na ngiti. Kaagad namang humarang si Storm sa harapan niya bago pa man siya makalapit kay Jack.

“What? Pati ba ikaw ay susuntukin ako?” mapang-asar na tanong niya kay Storm.

Nanatili lang akong nakatayo sa harapan nila at hindi magawang igalaw ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay masyado akong nashock sa nangyare. Maging ang mga tao sa bar na kanina ay nagsasaya ay ngayo’y natahimik at nakatingin lang sa amin. Nagulat na lang ako nang biglang inis na hinatak ni Storm si Israel mula sa kwelyo.

“Why did you do that?” halatang nagtitimping tanong ni Storm.

“Can’t I?” nakangiting sagot naman ni Israel.

Nalipat naman ang tingin ko kay Drake nang lumapit na rin siya kay Israel.

“What the hell is wrong with you, man? Aren’t you aware that—”

“That Jack likes Summer?” putol ni Israel sa sasabihin ni Drake.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

“Shut your fucking mouth Israel before I cut that fucking tongue of you.” Saad naman ni Jack.

Napatingin ako sa kanya dahil sa pagpasok niya sa usapan at sa pagtingin ko sa kanya ay nasalubong kaagad ng mga mata ko ang tingin niya. Inis niyang inalis ang mga kamay na nakahawak sa kanya at galit na lumapit sa akin. Nagulat na lang ako nang sa pagkalapit niya sa akin ay mabilis niyang kinuha ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng lugar.

Hindi ako pumalag sa ginawa niyang paghila sa akin at payapa lang na sumama sa kanya. Pagkalabas namin sa bar ay binitawan rin niya ako kaagad at saka inis na hinarap.

“What the fuck are you doing, Summer?!” galit na tanong niya pagkaharap na pagkaharap sa akin.

Nanatili lang na tikom ang bibig ko habang seryoso lang ako na nakatingin sa kanya. Narinig ko naman kung anong sinabi niya pero bakit wala akong maisip na isasagot sa kanya? Bakit parang hindi ako makapag-isip ng tama? Para akong nakadrugs at ang high ko. Ganito ba talaga ang epekto ng alak?

Bigla na lang akong napatakip sa bibig ko nang maramdaman kong masusuka ako. Kaagad akong tumakbo papunta sa may sulok at doon naduwal. Naramdaman ko na lang na may kamay na humahagod sa likuran ko at tila tinutulungan ako sa pagsuka.

Nang sa tingin ko ay nailabas ko na lahat ng mailalabas ko ay pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko at hirap na hirap akong sumandal sa pader na nasa tabi ko dahil tila umiikot ang buong paligid ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na pinag-iisip ng tama ang utak ko dahil pakiramdam ko’y hindi ko na alam kung anong nangyayare sa paligid ko.

“Bakit ka ba kasi uminom?! Fuck it!” inis na tanong ni Jack na ngayon ay nakatayo sa harapan ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tiningnan ang mukha niya. Halata sa itsura niya ang sobrang pagkainis sa akin pero sa kabila noon ay makikita mo pa rin sa kanya na mukhang nag-aalala siya.

“Because you’re mad at me.” Sagot ko.

“What?” kunot noong tanong niya nang mukhang hindi niya naintindihan ang naging sagot ko.

“Because you’re mad at me…kaya ako uminom.” Paglilinaw ko.

Unti-unting nawala ang kunot sa noo niya dahil sa sinabi ko. Iniwas niya ang tingin niya at tumingin sa gilid ko.

“Huwag ka nang iinom ulit.” Saad niya na ngayon ay medyo kalmado na.

Tinitigan kong maigi ang mukha niyang may napakakinis at napakaputing balat. Naramdaman ko na lang na unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa mukha niya. Isa rin ba itong epekto ng alak?

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon