[5] Storm

316K 9.7K 383
                                    

It is really absurd that the girl who didn't exist to anybody before ay pinagtitinginan na ngayon ng lahat ng estudyante sa hallway habang naglalakad siya papunta sa classroom. I don't even know how I managed to walk in front of them.

Unang-una sa lahat ay ayoko nang tinitingnan ako lalo na kapag naglalakad. Hindi ko alam kung normal pa ba ang lakad ko kanina dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko na halos maisip kung ano ang sunod na paang ihahakbang ko. Takot ako sa atensyon. I admit, I'm a weird human being. That's why I feel like i-bu-bully nila ako just like what happened sa dati kong school. Bullying ang isa sa mga dahilan kung bakit ako palipat-lipat ng school. This school year, nakatatlong lipat na ako. At itong Tan Sui International Academy ang latest.

Kinakabahan kong tiningnan ang babaeng huminto sa harapan ko. Katulad ng karamihang babae sa school na ito ay tinalo niya pa ang clown sa kapal ng makeup niya.

"Hindi ka ba tatabi? Dadaan ako," saad niya.

Natataranta akong tumabi sa harapan niya.

"Next time, pag nakita mo na 'kong daraan, matuto kang tumabi!" sigaw niya.

"A-ah o-oo," kinakabahang sagot ko. Tiningnan kong maigi ang mukha niya para matandaan ko. Next time, I'll make sure na hindi na magtatagpo ang landas namin.

"Ang lakas naman ng loob mong tingnan ako. Hindi mo ba alam na isang kasalanan ang tumingin sa'kin, ha?!"

"W-what? I'm sorry. Hindi ko ala—"

Natigilan ako nang isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Agad akong napahawak sa aking pisngi at gulat na napatingin sa kanya.

"Sasagot ka pa?! Pwe!" Napaatras ako nang tumama sa mukha ko ang bubblegum na galing sa bibig niya. It's happening again. Same scenario every year.

Yumuko na lang ako. "Pasensya na talaga."

Hindi na siya sumagot pa at umalis na sa harapan ko. Sumunod naman sa kanya ang kanyang mga kasama. Nakayuko akong ipinagpatuloy ang paglalakad and I was shocked nang may sunod-sunod na tumama sa aking mga lukot na papel. Tiningnan ko silang lahat at mukhang tuwang-tuwa sila sa pinaggagawa nila sa akin.

Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang paglalakad papuntang classroom. Kung tutuusin, malapit lang naman iyon, pero pakiramdam ko, ang layo. Ang hirap kasing humakbang. Hindi ko na kaya ang atensyon na ipinupukol nila sa akin.

Pag-apak na pag-apak ko sa sahig ng classroom namin, isang lumilipad na eraser ng blackboard ang tumama sa mukha ko. Naubo ako nang mapuno ng chalk dust ang mukha ko.

"Oopppsss," gulat na reaksyon ng taong nagbato ng pambura at pagkatapos noon ay agad silang naghalakhakan. Hindi ko na lang iyon pinansin at sa halip ay tinungo ko na lang ang upuan ko. Napatingin ako sa upuan sa may tabi ng bintana. Ang sabi nila, may nakaupo raw doon pero isang linggo na ako dito pero wala pa rin akong nakikitang nauupo doon.

Nang mag-lunch break na ay minabuti kong huwag na lang lumabas at tiisin ang gutom. Panigurado kasing ibubully na naman nila ako sa labas. I don't know kung bakit bigla na lang akong naging center of attention ngayon. Hindi na siguro talaga ako makakaligtas sa pambubully.

Lumipas ang isang oras na lunch break at dumating na ang teacher namin para sa sunod na subject. "Okay, you got ten minutes to change into your P.E. uniforms. I'll see you at the soccer field," bungad sa amin ni Sir at saka lumabas.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon