[14] The Popular Jasmine

314K 9.6K 3.1K
                                    

Hi! Sorry that this update is late. I know I promised to post this chapter kapag 100+ na ang comment niyo. I guess I would not do that again. I underestimated your capabilities haha!

It was shocking na kaya niyo palang magcomment ng ganun karami. Kailangan nga lang na ipilit. Haha! Anyways, here's the update! Enjoy :*

Namalayan ko na lang ang sarili ko na naglalakad patungo sa may itaas na bahagi ng soccer field kung saan ko hindi sinasadyang naabutan noon ang cursing machine na iyon. Halos sumakit na ang ulo ko sa kaiisip kung anong magandang excuse ang pwede kong sabihin sa kanya kapag tama ang hula ko na naroon nga siya. I even considered lying about unexpectedly bumping into him again but I remembered that he loathes lying. And what the? Since when did I learn to lie? Ugh!

Sa kabila nang dami ng 'excuse' na naisipan ko ay I still end up trying to make up the right words to apologize to him. Hindi ko alam kung bakit naisip ko na dapat akong magsorry sa kanya. It just feels like he deserves an apology.

Nang makarating ako sa lugar ay hindi ko inaasahan na ang maabutan ko ay ang mga kaibigan ng gangster na iyon may iba't-ibang kulay ng buhok. The gang of idiots who go to school and ditch classes. Phew. What's the sense of coming to school then? Nag-aaksaya lang sila ng pera.

Napailing na lang ako at aalis na sana dahil hindi naman nila kasama ang lalaking hinahanap ko pero saglit akong natigilan nang marinig ko ang pangalan ko mula sa isa sa kanila.

"What's up with that girl named Summer?"

"Sinong Summer?"

"The one who resembles Jasmine, remember her?"

Wala akong balak na makinig sa kanila at gustong-gusto ko na sanang umalis pero nacucurious ako.

"What? You mean the pathetic egg girl? No way. Jasmine is way better than her. That girl is pathetic and foolish. Ugly, even."

Pakiramdam ko ay bigla na lang kumulo ang dugo ko sa aking narinig. Wow. Did I just got insulted?! Well whoever that Jasmine is, she's probably a perfect living thing para maging ganun ang reaksyon nila.

"It's funny how Jack and Storm got interested with the same girl, again."

"Unending saga, huh?"

"Well it sucks to watch this group fall apart because of another girl."

"But wait... Are you sure they both like her? Storm seemed to like her, but Jack? I think that's impossible."

"I agree. There's no way Jack will fall for someone else. We know him. He will never get over with Jasmine. Never."

Love? That gangster once fell in love? Naalala ko nung dinala niya ako sa bar noon. Ang Jasmine ba na pinag-uusapan nila ang dahilan kaya may trust issues ang gangster na iyon?

Gusto ko pa sanang makinig sa usapan nila pero sa tingin ko ay tapos na sila sa topic na kasama ako kaya tuluyan na akong umalis. Napagdesisyunan kong bumalik na lang sa locker room upang makapagpalit na ng uniform at umuwi na lang ng tuluyan. I think hindi ko na kailangan pang hanapin ang cursing machine na iyon dahil maaring umuwi na iyon dahil din sa badtrip niya sa akin.

Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na may makakasalubong pala akong babaeng may dala-dalang napakaraming kahon at halos hindi na niya makita ang dinaraanan niya. Pababa siya ng hagdan habang ako naman ay papaakyat.

Sinubukan kong tumabi sa daraanan niya pero too late, nabangga na namin ang isa't-isa. Ang masama pa, parehas kaming na-out of balance. Nakita kong mahuhulog siya sa hagdan kaya kahit na wala rin ako sa tamang balanse ay sinubukan kong abutin ang kamay niya pero crap! Parehas kaming nalaglag and the next thing I know... nasa clinic na kami.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon