[30] Three Years Ago

239K 7.4K 1K
                                    

“Snow white? Seriously? So hindi lang pala ang gangster na iyon ang may weirdong pangalan kundi pati ang kapatid niya? Woah. Ibang klase pala magpangalan ang mga magulang nila.” Kumento ko at natawa.

Napabuntong hininga si Storm at saka seryosong tumingin sa mga mata ko.

“Jack doesn’t have parents.” Seryosong saad niya. Unti-unti ay napatigil ako sa pagtawa. Tinitigan ko ang mga mata niya at mukhang nagsasabi siya ng totoo. “Ang tanging meron lang siya ay ang kapatid niya, Summer.” Dagdag niya.

Tila may kung anong sumaksak sa dibdib ko at bigla na lang itong nakaramdam ng kirot.

“W-Wala siyang mga magulang?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya bilang tugon.

Hindi ako makapaniwalang napanganga sa natuklasan.

“Pero bakit wala siyang mga magulang? Nasaan sila?”

Nagkibit balikat siya bago sumagot. “Hindi ko alam. Walang nakakaalam. Simula nang makilala ko si Jack noong grade schoolers pa lang kami ay ni minsan hindi ko nakilala ang mga magulang niya. And he never mentioned them, too.” Sagot niya.

Will that explain why he behaves this way? Dahil wala siyang mga magulang? That gangster. Hindi mo manlang mahahalata sa kanya na may tinatago pala siyang ganitong klaseng sikreto. I can’t imagine his misery growing up without parents…without anyone to support him.

“Eh ang kapatid niya? Nasaan?” tanong kong muli.

Napakunot ang noo ko nang dahan-dahan siyang umiling.

“Wala na siya.” Sagot niya.

“What do you mean wala na siya?” gulat na tanong ko.

“She’s already dead, Summer. Tatlong taon na siyang patay.”

***

Three years ago

Nagmamadaling pumasok si Jack Frost kasama ang mga kaibigan niya na sina Storm, Israel, Samuel, Andrew, Justine at Drake sa Emergency Room ng hospital kung saan dinala ang kapatid niya.

“I-Isabella Frost.” Nanginginig na saad niya sa nurse na nasa reception.

Kaagad na tiningnan ng nurse ang records ng hospital upang hanapin ang pangalan na sinabi ng binata. Nang makita niya ang pangalan ng babaeng hinahanap nito ay muli niyang hinarap ang binata upang sagutin.

“Kasalukuyan po siyang dinadala sa operating room ngayon sa second fl—”

Hindi na siya pinatapos pa ng binata at kaagad na itong tumakbo papunta sa may elevator. Mabilis din namang sumunod sa kanya ang mga kaibigan niya. Nang makarating sila sa second floor ay saktong naabutan nilang nasa stretcher pa ang dalagang hinahanap at kasalukuyang itinatakbo papasok ng operating room.

Tila nabuhusan ng napakalamig na tubig si Jack nang makita ang kapatid niyang pikit matang nakahiga sa stretcher at duguan. Ang matagal nang maputlang balat ng kapatid ay mas lalo pang namutla sanhi nang patuloy na pagdugo ng tama na natamo niya matapos siyang barilin sa kanang bahagi ng tiyan.

Nanginginig siyang lumapit sa kapatid at kinuha ang malamig nitong kamay. Sunod-sunod na tumulo ang maiinit niyang luha sa magkabila niyang pisngi. Walang salita ang makakapaglarawan sa kasalukuyang nararamdaman ng binata habang pinagmamasdan ang pinakamamahal niyang babae.

“Isabella…Oh, God.” Umiiyak na tawag niya sa pangalan ng kapatid. Hinalikan niya ang likod ng palad nito at saka hinaplos ang pisngi. “Kuya’s here. Please wake up.” Nanginginig na saad niya habang patuloy sa pag-agos ang luha niya.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon