[13] The Lost Gangster

316K 9.7K 2K
                                    

Nagtally ako kung sinu-sino ang gustong umalis si Summer at eto ang result:

Yes - 3

No - 9

Pero masusunod kaya ang nasa tally? Read to find out! :) Enjoy! :*

***

I felt like I was dreaming while I was staring back at him. I couldn't manage to react. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan niya habang siya naman ay nakaupo at nakataas ang mga paa sa lamesa. Hawak-hawak niya ang isang envelope na may nakasulat na pangalan ko.

"So... what can I do for you?" tanong niya.

Hindi ko magawang isara ang bibig ko na napanganga nang makita ko siya. What is he doing here in the faculty room? At heto pa siya't nakaupo sa pwesto ng adviser ko. Seryoso ba 'to? Nasaan ang adviser ko?

"Your birthday is on December. I wonder why your name is Summer."

Humugot ako ng malalim na buntong hininga. "Gangsters are not supposed to be here." saad ko.

"Then tell me, where should I be? Because to tell you honestly, I think I'm lost. I'm f*ckin' lost," sagot niya.

Napakunot ang noo ko. "Ano bang problema mo?"

Napatingin na sa amin ang mga tao sa faculty pero nakakapagtaka dahil parang wala man lang silang balak umawat o magsalita man lang. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinablot niya ang braso ko at kinaladkad palabas.

"A-Ano ba?!" sigaw ko.

Huminto siya at hinarap ako sa kanya. "You dare to run away?" inis na tanong niya. Halatang naiinsulto siya dahil hindi niya ako mapasunod.

"Ano bang problema mo? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang lumipat ako ng school dahil sukang-suka ka na sa pagmumukha ko?"

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Since when did you learn to comply with what I tell you, Summer? You're stubborn. You never obey me!"

Pilit akong natawa. "Bakit? Sino ka ba para sundin ko, ha?" inis na tanong ko sa kanya.

"Then do what you used to do! Don't obey me! Don't transfer! Don't run away! Don't leave me here!"

Natulala ako sa mukha niya.

Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak niya sa braso ko. "I'm lost," saad niya habang nakatitig sa mga mata ko. "And stay while I'm still tryin' to figure out where I'm supposed to go."

"Well, sorry pero hindi ko na kaya pang sikmurain ang paaralang ito." sagot ko.

Binitiwan niya ako at may kinuha siyang papel sa bulsa niya at iniabot sa akin.

"You might wanna change your mind," saad niya habang iniaabot sa akin ang papel. Kinakabahan ko iyong kinuha at binasa kung ano ang nakasulat doon.

"I paid one hundred thousand pesos because of your stupidity for bringing me to the hospital two weeks ago. If you're going to leave, I will ask my lawyer to sue you and your family for all my hospital expenses. I bet you don't want that to happen, do you?"

Napanganga ako sa aking narinig. "Wow. You're really great at scaring people." pagpuri ko. And what the hell? Bakit napakalaki ng hospital bill niya?! Sa pagkakaalam ko, nahiga lang siya sa hospital na 'yon!

"If you still don't know who I am and what I'm capable of, let me tell you this. I always get what I want. So deal with that, Summer."

Yes, he's still the arrogant Jack Frost. Akala ko'y nawawala na siya kanina at ibang tao na ang kaharap ko but I was wrong. Damn!

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon