[31] Betrayal

240K 7.8K 1.2K
                                    

“A-Anong kinamatay ng kapatid niya?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Storm.

Bumuntong hininga muna siya at uminom ng kapeng binili niya bago ako muling hinarap at tiningnan ng seryoso sa mga mata. Pinagmasdan niya muna ako ng matagal bago unti-unting nagpakawala ng malalim na paghinga.

“I killed her.” Mahinang bulong niya.

Saglit akong natigilan at natulala sa kanya matapos marinig ang sagot niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa mga mata niya at pilit na hinahanap sa itsura niya ang ekspresyon na nagbibiro lang siya. Ngumiti siya ng pilit sa akin bago niya iniwas ang mukha niya at humarap sa harapan naming dalawa.

Nanatili akong nakatulala sa mukha niya kahit na nakatagilid na siya ngayon sa akin. Hindi ko malaman kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Pakiramdam ko ay maging ang paghinga ay nalimutan ko na dahil sa pagkagulat.

Impossible. Hindi totoo ‘yun. Nagsisinungaling lang siya, hindi ba? Kung siya talaga ang pumatay sa kapatid ni Jack, bakit magkaibigan pa rin sila? Tama. Isa lang itong malaking joke. Impossibleng si Storm, na siyang palaging nandyan para sa akin, ay magiging dahilan ng pagkamatay ng isang babaeng napaka-importante sa buhay ni Jack.

Ibinalik ni Storm ang tingin niya sa akin at binigyan niya ako ng pekeng ngiti.

“Hindi ka naniniwala?” nakangiting tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango. “Hindi.” Sagot ko.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at saka ibinalik ang tingin sa harapan namin habang nanatili pa rin akong nakatitig sa mukha niya kahit na nakatagilid ulit siya sa akin.

“Ganyan pala kaganda ang emahe ko sa’yo.” Saad niya at saka ngumiti ng pilit.

“Why not? Eh napakabuti mo namang tao sa akin. Wala akong makitang dahilan para umiba ang tingin ko sa’yo.” Mabilis na sagot ko.

Dahan-dahan siyang napayuko at itinuon ang tingin sa kapeng hawak-hawak niya.

“Eh ngayon? Hindi pa ba dahilan ang sinabi ko para umiba ang tingin mo sa akin?”

Napabuntong hininga ako at saka inilipat ang tingin sa harapan namin. “I think you left a very good impression to me that even you admitted that you killed Jack’s sister, I still couldn’t believe it.”

Nakita ko sa sulok ng mata ko na tumingin siya sa akin. “Do you trust your intuition that much?” tanong niya.

Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko sa kanya at seryoso ko siyang tiningnan sa mga mata niya. “It’s not my intuition that I trust, Storm. It is you.” Seryosong sagot ko.

Hindi niya nagawang makasagot sa sinabi ko at nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko na tila sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko. Napakunot ang noo ko nang bigla siyang matawa ng pilit. Muli niyang ibinalik ang tingin sa harapan namin at saka uminom ng kape niya. Matagal na namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya muling nagsalita.

“Alam mo ba kung bakit madalas tayong nasasaktan?” biglang tanong niya.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya at pinanuod ko siyang seryoso lang na nakatitig sa kapeng hawak-hawak niya.

“Bakit nga ba?” tanong ko.

“Because we trust too much.” Mabilis na sagot niya. Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin sa akin at seryoso akong tiningnan sa mga mata. “So please don’t trust me, Summer.” Malungkot na bulong niya.

Saglit akong natigilan sa narinig dahil hindi ko inaasahan iyon mula sa kanya. Mabilis kong iniwas ang mukha ko at nanginginig na binuksan ang kape ko at nilagok iyon. Nagmistulang tubig ang kape at binaliwala ko ang pait na lasa nito at inubos ko iyon nang isang inuman lang.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon