[22] This Must Be Something

293K 9.3K 1.6K
                                    

Naiilang akong tumingin sa limang lalaking nakaupo sa harapan ko habang tila bawat pagsubo ko ng pagkain ko ay pinapanuod nila.

"Will you stop it, men? Hindi na siya makakain sa ginagawa niyo." Saad ni Storm na nakaupo sa tabi ko.

Sabay-sabay nilang masamang tinignan si Storm pero ibinalik lang din nila ang tingin sa akin na para bang balewala lang sa kanila ang pagsaway nito.

Nagulat ako nang biglang ilapit ni Drake, lalaking may brown ang buhok, ang mukha niya sa akin.

"Where were you yesterday?" tanong niya.

Nakigaya rin sa kanya ang iba pa niyang mga kaibigan na may iba't-iba ring kulay ang buhok at sabay-sabay rin nilang inilapit ang mukha nila sa akin maliban kay Israel na sa palagay ko ay napakalaki talaga ng galit sa akin.

"Jack was missing too yesterday. Were you with him?" tanong naman ni Samuel, lalaking pink ang buhok.

Inilayo ko ang mukha ko sa kanila at naiilang na ininom ang orange juice ko.

"Knock it off, guys." Awat ni Storm sa kanila at isa-isang itinulak ang mga mukha nila palayo sa akin.

Tumingin ako kay Storm nang siya naman ang biglang naglapit ng mukha sa akin.

"Pero nasaan ka ba talaga kahapon?" tanong rin niya.I rolled my eyes. Seriously?

Sabay-sabay siyang binato ng tissue nina Justine, Drake, Andrew at Samuel.

"Booo!" pang-aasar ng mga ito sa kanya.

Napa-iling na lang ako sa kakulitan nila. Napakagulo nila maliban kay Israel na tahimik na nakaupo sa gilid namin at halatang hindi natutuwa na nasa iisang mesa lang ako kasama sila. Tinignan ko siya at masama niya akong tinignan. Napa-iling na lang ako at sumubo ng isa pang kutcharang may laman na kanin at manok na nilibre ni Storm para sa akin.

Habang ngumunguya ay inikot ko ang tingin sa buong cafeteria ng Tan Siu. Ngayon lang ata ako nakakain dito. Kumpara sa Avellino, mas malaki pala ang cafeteria ng paaralang ito. Nakakatawang isipin na kahapon lang ay nagsisimula na ako ng bagong buhay sa ibang paaralan pero babalik pa rin pala ako rito.

Tinignan ko ang mga estudyante sa cafeteria at nagbabakasakaling makikita ko ang gagster na iyon. Wala sana akong balak bumalik kaagad sa Tan Siu pero hindi ako mapatahimik ng konsensya ko at gusto ko siyang makita kaagad upang malaman kung maayos na ba ang kalagayan niya pero lunch break na ngayon at wala pa rin siya. And that really bothers me.

Napatingin ako sa harapan ko nang isang fries ang itinapat ni Drake sa mukha ko na para bang inaalok niya ako nito. Awkward akong ngumiti sa kanya at saka umiling.

"I don't eat fries," tanggi ko.

Bigla na lang silang natahimik sa pagsagot ko at sabay-sabay na nagkatinginan.

"Ibang klase. Bukod sa hindi ka kumakain ng fries, ano pa kayang mga pagkakaparehas niyo ni Jasmine?" tanong ni Drake at saka isinubo ang fries na kanina ay inaabot niya.

Namalayan ko na lang na humigpit bigla ang pagkakahawak ko sa kutsara at tinidor na hawak ko. I can't believe I'm capable of hating someone this much. Narinig ko lang ang pangalan ni Jasmine ay bigla na lang nag-init ang ulo ko.

"Will you stop comparing her to Jasmine? They're completely different." Singit ni Israel.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at padabog kong ibinaba ang kutsara at tinidor ko. Inis ko siyang tinignan at binigyan ko siya ng napakasarkastik na ngiti.

"Tama ka. Hinding hindi kami magkatulad." Asar na saad ko at saka padabog na umalis sa harapan nila.

Naramdaman kong sinundan nila ako ng tingin pero hindi na ako nag-abala pang lumingon. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang lumakad paalis ng cafeteria ng mag-isa. Parang kanina lang ay halos kailanganin pa kong buhatin ni Storm para lang makapasok rito. Pwe-pwede rin pala akong magkaroon ng lakas ng loob kapag nagagalit.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon