[45] Jasmine Herrera: Who Are You? (Part 2)

176K 5.7K 1.1K
                                    

"What the f*ck? Are you serious?!" hindi makapaniwalang tanong ni Israel matapos marinig ang eksplenasyon ni Jasmine.

Kasalukuyan silang nasa hideout matapos nilang mapagkasunduang ito ang tamang lugar upang isuwalat ni Jasmine ang katauhan niya sa kanilang dalawa.

Nanatiling tahimik si Jack at hindi magawang iproseso sa utak niya ang lihim na ibinunyag sa kanila ng dalaga.

"Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang hirap paniwalaan." Inis na saad ni Israel.

"I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa inyo. But believe me, wala akong masamang pakay." Saad ni Jasmine.

"Pero bakit ganun? Kung kapatid ka nga ni Thunder, bakit sa Tan Siu mo pinili pumasok? Bakit hindi sa Avellino?" pagbubusisi pa lalo ni Israel.

Nagpakawala muna ng malalim na paghinga ang dalaga bago siya nito sinagot. "Hindi pa ba sapat na dahilan na because Thunder studies there? And besides, ang dami ko ring naririnig na masamang balita about Avellino. Sinong gugustuhing pumasok sa paaralan na sobrang gulo." Paliwanag ni Jasmine.

"Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala." Ulit ni Israel habang umiiling. Napahawak pa siya sa noo niya at hinilot ito. "Ayaw talagang pumasok sa utak ko ang mga sinabi mo, Jasmine."

Bumuntong hininga na lang ulit si Jasmine at saka inilipat ang tingin kay Jack na kanina pa walang imik.

"How about you, Jack? Naniniwala ka ba sa kanya?" tanong ni Israel.

Tumingin si Jack sa mga mata ni Jasmine at tinitigan niya ito ng matagal. Ilang sandaling namagitan ang katahimikan at tensyon sa pagitan nilang tatlo bago tuluyang sumagot si Jack.

"Of course. She's the girl that I love," sagot niya habang patuloy na nakatitig sa mga mata ng dalaga. "And we must always trust the people that we love." Dagdag pa ng binata.

"Nagsasabi ako ng totoo. Kung ano man ang gulong meron sa inyo ni Thunder ay labas ako roon. Kung may kasalanan man ako rito, tanging ang hindi ko lang pagsasabi kaagad na related kami. Natatakot lang ako na baka magkaron ng epekto ang pagiging magkapatid namin ni Thunder sa relasyon natin, Jack."

Tumayo si Jack at saka inabot ang kamay ni Jasmine. "You don't have to explain yourself. I will always believe in you."

Tila nabunutan naman ng tinik ang dalaga sa kanyang narinig. Kaagad siyang tumayo at niyakap si Jack habang si Israel naman ay hindi na lang makapaniwalang napailing.

Hindi niya matanggap na ganoon lang kabilis na pinaniwalaan ni Jack ang mga sinabi ni Jasmine. Para sa kanya ay hindi sapat ang mga paliwanag ni Jasmine pero anong magagawa niya kung ang taong tanging may karapatan lang na magduda at maghinala ay pinatawad na at tinanggap na kaagad ang paliwanag ng inaakusahang nagkasala. Sabagay, mayroon nga namang kasabihan na "Never explain yourself to anyone. People who doubt you won't believe you anyway and people who believe in you don't need it."

Lumipas ang ilang buwan na parang walang nangyareng komprontasyon sa pagitan nina Jack, Jasmine at Israel. Minabuti na lang din ni Israel na huwag nang magsalita tungkol rito at kalimutan na lang ang nangyare. Hindi na rin nila sinabi pa ang bagay na natuklasan nila sa mga kaibigan nila dahil ayaw na nilang palakihin pa ang issue.

"Hanggang kailan mo ako patuloy na susundan, Israel?"

Natigilan sa paglalakad si Israel nang marinig niya ang boses ni Jasmine. Tumingin siya sa madilim na parte ng maliit na eskenita na kinaroroonan niya at dahan-dahan doong lumabas si Jasmine.

Pilit na lang siyang natawa sa sarili niya at napakamot sa ulo. "Patay, nahuli ako." Pabirong saad niya.

Nagcross-arms si Jasmine at saka mas lalong lumapit sa kanya. Nawala na ang mala-anghel na imahe nito kapag magkakasama sila nina Jack.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTWhere stories live. Discover now