EPILOGUE

230K 7.5K 6.7K
                                    

EPILOGUE

"Scalpel, please." Mahinang paki-usap ng doctor na nasa tabi ko.

Mabilis kong inabot sa kanya ang instrumentong hinihingi niya at saka niya ito ginamit sa maingat na paghiwa sa balat ng pasyenteng nakahiga sa harapan namin. Inihanda ko na rin ang forceps na alam kong sunod niyang hihingin.

I've been a surgical nurse for 4 years now at madami na akong napagdaanang iba't-ibang critical cases. Pero sa lahat ng cases na ina-assist ko, ang ganitong klaseng operasyon ang pinakahindi ko gusto. Heart transplant. Bukod kasi sa mahigit walong oras na nakatayo ka at nag-a-assist sa operating room, ang problema kasi sa heart transplantation ay nasa 50% lang ang percentage ng success kaya kung maari ay iniiwasan ko talagang mag-assist nito.

My heart breaks every time na hindi nagiging successful ang operation namin. Maybe because I got addicted in the idea of saving lives. Highschool ako noong una kong magtangkang sumagip ng buhay at masasabi kong napakalaking impact ng pangyayareng iyon sa buhay ko para mapili kong tahakin ang ganitong profession.

Well, hindi lang naman ang pangyayareng iyon ang nagtulak sa akin para piliin kong maging nurse. May isang tao rin ang dahilan sa likod ng desisyong pinili ko. Siya iyong klase ng tao na mas pipiliin na lang ang mamatay kaysa magpunta ng hospital. Pinili kong maging nurse dahil sa kanya...para sa kanya. Para ako na lang ang mag-aalaga sa kanya sa mga panahong kailangan siyang dalhin sa hospital at tututol siya.

Apat na taon ang ginugol ko para makapagtapos sa kolehiyo at makapasa sa board exam, at ngayon ay apat na taon ko na ring pinapractice ang profession na pinili ko. Walong taon na rin pala ang lumipas...at walong taon na rin pala akong patuloy pa rin na naghihintay sa kanya.

"Thank you for the hard work, Summer. Successful na naman ang operasyon dahil sa malaking tulong mo." Compliment ni Dr. Lopez habang tulong-tulong kaming inaayos ang instruments na nagamit namin sa katatapos lang na operasyon.

Ngumiti ako sa kanya at bago dahan-dahang umiling. "Hindi po ba dahil iyon sa magaling kayong doctor?" pagbabalik compliment ko sa kanya.

Kaagad naman siyang natawa at saka napa-iling rin. "Hay naku, kaya hindi ka mapakawalan ng hospital na ito eh. Bukod sa magaling mong skills ay ikaw na ata ang pinakamabuting tao na nakilala namin."

"Oo nga!" mabilis namang pagsang-ayon ng iba pang doctor at nurses na kasama rin namin sa operasyon kanina.

"Sus! Gusto nyo lang atang magpalibre sa akin mamaya, eh!" tanging naisagot ko na lang.

Sabay-sabay silang nagtawanan at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng instruments. Patapos na sana kami sa pag-aayos nang magsalita muli si Dr. Lopez. "Saan niyo nga pala balak lumipat ng hospital?" biglang tanong niya.

Kaagad napakunot ang noo ko sa tanong niya. "Lumipat? Bakit? Lilipat ba kayo?" tanong ko.

Lahat sila ay napatingin sa akin. "Bakit, Summer? Hindi mo pa ba alam?" tanong ni Leslie, ang nurse na pinakaclose ko sa kanila.

"Anong hindi ko pa alam?" naguguluhang tanong ko.

Sabay-sabay silang napabuntong hininga at napayuko. "Isasara na nila ang hospital na 'to, Summer." Malungkot na balita niya.

Hindi ako makapaniwalang napanganga sa narinig.

"Off mo nga pala kahapon kaya pala hindi mo alam. Kahapon lang nila inannounce. Nagpunta dito 'yung may-ari ng hospital para lang i-announce na gagawin na lang nilang isang condominium 'tong hospital." Dagdag pa ni Ashley, isa ring nurse.

Kaagad na unti-unting bumigat ang pakiramdam ko matapos marinig ang sinabi niya. Condominium? Kailan pa naging mas importante ang condominium sa hospital?!

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon