[29] Snow White

249K 7.9K 1.7K
                                    

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I told Jack that he doesn’t make me feel uncomfortable pero bakit na-a-awkwardan ako sa sitwasyon namin ngayon? Tiningnan ko ang kamay kong hawak-hawak niya at tila wala na ata siyang balak bitawan ito. Parang kailan lang, ayaw na ayaw niyang hinahawakan siya dahil baka mahawaan siya ng germs. At parang kailan lang din ay ayaw na ayaw kong hinahawakan niya ako dahil nakakairita ang pagiging maarte niya. Ugh. Since when did we two become good friends?

Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang nurse.

“Oh, gising ka na pala,” wika nito pagkalapit sa amin.

“Obviously.” Tila naiiritang sagot ni Jack.

Napakunot ang noo ko dahil sa inasal niya. Tiningnan ko ang reaksyon ng nurse at mukhang naoffend siya sa asal ng aroganteng gangster na ‘to.

“Uhm, gusto ko lang po sanang malaman kung nasabi niyo na sa pamilya niyo ang nangyare sa inyo. Mas makakabuti po kasi sana kung makakausap ng doctor ang parents o di kaya ang guardian niyo para masabi ang sitwasyon niyo at para na rin may mag-asikaso ng bills niyo.” Saad ng nurse.

Malamig na tumingin sa kanya si Jack at binigyan siya ng mapang-asar na ngiti. “Family? Parents? Guardian?” Tila nang-iinsultong tanong niya. Tumawa siya ng napakasarkastik bago naging seryoso ang mukha niya. “But I don’t have any of those.” Seryosong sagot niya.

Napalunok ako ng pilit dahil sa itsura niya. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong natakot dahil sa pagiging seryoso niya.

“A-Ah ganun po ba,” halatang natatakot na saad ng nurse. “S-Sige po. Babalik na lang po ulit ako mamaya.” Paalam nito at aalis na sana pero natigilan siya nang magsalita muli si Jack.

“However, I have someone who can settle my bills. I don’t have a phone but will you call him for me?”

Pinagmasdan kong maigi ang mukha ni Jack. Wala pa ring pagbabago sa ekspresyon niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa nurse at tila naiirita siya sa pakikipag-usap rito.

“A-Ah, sige po. Pakisulat na lang po ang number niya at tatawagan ko na lamang po siya.” Sagot ng nurse at saka siya inabutan ng papel at ballpen.

Tila nagdadalawang isip naman si Jack kung kukunin niya ang mga iyon. Hay, napaka-arte niya talaga.

“Uhm, nurse, pwede bang ikaw na lang ang magsulat? I-di-dictate na lang niya sa’yo ‘yung number.” Singit ko sa kanila.

Nang ilipat ni Jack ang tingin niya sa akin ay binigyan ko na lang siya ng pilit na ngiti. Ibinalik niya ang tingin sa nurse at saka niya idinictate rito ang number ng taong tinutukoy niya.

“Uhm sige po. Tatawagan ko na po siya. Salamat,” halatang naiilang na paalam ng nurse.

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa pintuan pero napatigil siya nang may pahabol pa si Jack.

“And oh, his name is Storm Williams.”

Saglit akong natigilan nang marinig ang pangalan ni Storm. Unti-unti ay bumalik sa ala-ala ko ang naging pag-uusap namin noong isang gabi.

“O-Okay po.” Sagot ng nurse at tuluyan nang lumabas.

Nang masarado na niya ang pintuan ay ibinalik ko ang tingin kay Jack. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at mukhang frustrated siya.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko.

Seryoso niya akong tiningnan bago siya biglang natawa ng pilit.

“If only you have any idea,” saad niya at napa-iling.

Napakunot ang noo ko nang mapansing tila nagbalik na siya sa natural na ugali niya. Hindi iyong tulad kanina na napakaseryoso.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon