[49] Like a Knife

277K 7.8K 2.6K
                                    

[Please play the music video while reading! :) Thank you and enjoy!]

"Sabihin mo nga sa akin, normal ba sa nabugbog ang naninikip ang dibdib ngayon?" seryosong tanong ni Summer.

Napatitig si Storm sa mukha ni Summer at unti-unti rin niyang naramdaman ang paninikip ng dibdib niya habang pinagmamasdan ang dalaga na nasasaktan...nasasaktan dahil kay Jack.

Pinilit niya ang sarili niyang ngumiti at saka niya biglang pinitik sa noo si Summer.

"Aw!" mabilis na angal ng dalaga dahil sa ginawa niya.

Natawa siya sandali bago ginulo ang buhok nito. "Sundan mo siya," saad niya at saka unti-unting naging seryoso ang mukha niya. "Sundan mo na siya at kausapin. Baka nagtatampo iyon sa iyo."

Saglit na napatitig sa kanya si Summer nang marinig ang sinabi niya. "Sa tingin mo ba ay kaya hindi niya ako pinansin ay dahil nagalit na naman siya sa akin?" nag-aalalang tanong ng dalaga.

"Ikaw kasi eh. Ang tigas-tigas ng ulo mo. Lagi mo pinapahamak ang sarili mo kaya siguro galit sa'yo 'yun ngayon." Sagot niya. Pilit niyang itinatago ang panginginig ng boses niya kay Summer. Ayaw niyang mahalata ni Summer na nasasaktan siya.

Mukhang nabuhayan naman ng loob si Summer sa sinabi niya. "Oh, sige. Hahabulin ko muna siya. Babalikan na lang kita pagkatapos namin mag-usap." Masayang paalam nito.

Ngumiti siya at saka dahan-dahang tumango. "Sige na. Baka hindi mo na maabutan 'yun. Shooo!" pagtataboy niya rito.

Natawa naman si Summer sa pambubugaw na ginawa niya bago ito nagmamadaling tumakbo paalis para sundan si Jack.

Unti-unting nawala ang pekeng ngiting suot-suot ni Storm habang pinagmamasdan ang likuran ni Summer na palayo ng palayo sa kanya. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang kamay at pilit na inaabot si Summer kahit na napakalayo na nito sa kanya.

Nang tuluyan nang mawala sa paningin niya si Summer ay wala siyang ibang nagawa kundi ang pagmasdan lang ang kaawa-awa niyang kamay na pilit inaabot ang bagay na alam naman nitong hindi ginawa para sa kanya.

Sa ginawa niya ay tila tuluyan na niyang isinuko ang nararamdaman niya para kay Summer kahit na alam niya sa sarili niyang hindi naman niya talaga ito ipinaglaban. Paano nga naman ba niya ipaglalaban ang isang bagay na hindi pa man siya gumagawa ng hakbang ay talo na siya?

Naniniwala siya na sa tingin niya ay turn naman niya ngayon gawin ang ginawa ni Jack Frost para sa kanya noon...ang magparaya...ang magpaubaya.

Bumuntong hininga na lang siya bago tuluyang pumasok sa silid ni Jasmine. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong nakatingin lang sa pintuan at mukhang inaabangan ang pagpasok niya.

"Hey," bati niya sa dalaga.

"Akala ko'y wala ka nang balak pumasok eh. Nasaan si Summer?" sagot nito sa kanya.

Lumapit siya rito at naupo sa upuan na nasa tabi ng higaan ng dalaga. Sa tingin niya ay doon nakaupo si Jack kanina bago sila dumating ni Summer.

"Gusto kasi kitang masolo kaya pinaalis ko muna si Summer." Biro niya.

Kaagad namang kinuha ni Jasmine ang unan sa tabi niya at ibinato ito kay Storm. "You perv!"

Mabilis namang nasalo ni Storm ang unan at saka natatawang niyakap ito. Hindi naman na napigilan ni Jasmine ang mapangiti rin sa kanya. Nakangiti silang dalawa habang magkatitig sa isa'-isa.

Akala ni Storm ay ma-a-awkwardan si Jasmine sa kanya nang hindi niya inaalis ang titig niya rito pero nagkamali siya nang batuhin ulit siya ng unan ng dalaga. "Stop staring, pervert!" saad ni Jasmine.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTWhere stories live. Discover now