[40] Wanted: Jack Frost

189K 6.6K 1.7K
                                    

Pasimple akong tumingin sa bakanteng upuan na katabi ng bintana sa dulong bahagi ng row namin. Napabuntong hininga ako habang inaalala si Jack na madalas na nakaupo roon at parati kong mahuhuling nakatingin sa akin.

Tatlong araw na ang lumipas simula nang gabing huli kaming nagkita at hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig na balita tungkol sa kanya.

Kaagad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saan galing ang kirot na iyon at kung bakit ko ito nararamdaman. Gusto ko ‘tong mawala pero sa tuwing naalala ko ang cursing machine na iyon ay paulit-ulit na nagbabalik ang sakit.

 “Wala ka pa rin bang balita kung nasaan siya?”

Inilipat ko ang tingin ko kay Storm na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko. Umiling ako sa kanya bilang sagot. Wala. Wala pa rin akong ideya kung nasaan siya at kung kumusta siya. I hate to admit it pero nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Marahil dahil sa fact na nakaya ni Jack na hindi ako makita ng tatlong araw. Nakakatawa dahil ipinagtatabuyan ko siya pero ngayong wala siya ay nasasaktan naman ako. How ironic.

Naagaw ang atesyon naming lahat sa klase nang may marahang kumatok sa may pintuan. Natigil ang aming guro sa pagtuturo at nagtatakang nilapitan ang mga lalaking nakatayo sa pintuan ng classroom namin. Ang mga lalaking ito ay nakasuot ng pang-pulis na uniporme kaya talaga namang bakas sa mukha naming lahat ang pagtataka.

“Nandito ho ba si Mr. Frost?” narinig kong tanong ng isa sa tatlong officer.

Kaagad kaming nagkatinginan nina Storm, Andrew, Samuel, Israel, Drake at Justine. Bakit nila hinahanap si Jack? Mabilis na nabalot ang katauhan ko nang takot at pag-aalala. Anong dahilan at hinahanap siya ng mga pulis? Possible bang dahil iyon sa nangyareng pagsaksak niya sa lasing na nagtakang gawan ako ng masama?

“Well, he’s been absent for three days,” sagot ng aming guro.

“Pwede ba naming makausap ang mga kaibigan niya na naririto?” tanong ng isa pa.

Mabilis na lumingon ang lahat kina Storm. Napatingin ang mga pulis sa kanila at lumapit.

“Kayo ba ang mga kaibigan ni Mr. Frost?”

Hindi nag-aksaya ng panahon si Storm at mabilis na sumagot.

“Oo, kami nga,” sagot niya.

Napatingin ako sa kamay ko nang mapansing nanginginig ito.

“Maari ba namin kayong makausap sa may Principal’s Office?” tanong ng  isang Pulis.

Walang imik na sabay-sabay silang tumayo. Nakikita ko ngayon kung gaano sila kafaithful na kaibigan kay Jack. Kahit na mukhang nasangkot sa gulo ang kaibigan nila ay wala silang balak na itanggi si Jack para lang huwag madamay.

Napatigil si Storm nang bigla kong hawakan ang kamay niya. Nagtataka niya akong nilingon dahil sa ginawa ko.

“Sasama ako,” bulong ko at agad na tumayo.

Napatingin ang lahat sa akin dahil sa ginawa kong iyon. Oo, sabihin na nating hindi ako maituturing na kaibigan ni Jack. As a matter of fact, maikukunsidera mo pa akong kaaway niya but I don’t care.

Nang makita kong ibuka ni Storm ang bibig niya ay mabilis akong lumakad papunta sa mga pulis. Nakakatawa dahil ako na nga ‘tong hindi kaibigan ni Jack ay ako pa ang nangunguna sa kanila.

Ayokong pigilan ako ni Storm. Kailangan kong malaman kung anong dahilan at hinahanap ng mga Pulis si Jack. At kung tama man ang hinala ko na dahil iyon sa nangyare nung nakaraan ay handa akong ipagtanggol siya. Handa kong pagtakpan siya. Kahit ito na lang ang maging sukli ko sa lahat ng sakriprisyo niya para sa akin. I’d protect him. Kahit na wala pa ito sa kalahati ng mga ginawa niya sa akin.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon