[2] First Day of Class, Day of My First..

387K 11.8K 2.5K
                                    

Hindi makapaniwalang nilibot ko ng tingin ang buong klase. May mga babaeng busy sa paglalagay ng makeup sa mukha nila habang may iba naman na nagbabatuhan ng kung anu-ano. May iba ring nagpapalipad ng eroplanong gawa sa papel at mayroon ding mga nagwre-wrestling sa likod habang nagsisigawan ang ibang lalaki sa pagche-cheer. 

"Class, may I have your attention please?!" sigaw ng aming guro.

Saglit na natahimik ang mga kaklase ko nang magsalita siya. Aba, marunong pa pala silang makinig sa teacher.

"She will be your new classmate. Be nice to her, okay?" ika ni Ma'am.

Pagkatapos sabihin iyon ng aming guro ay ipinagpatuloy muli ng mga kaklase ko ang mga ginagawa nila. Naging maingay ulit sila at magulo.

"Magpakilala ka na, hija," tila nahihiyang utos ni Ma'am sa akin.

Naiilang akong ngumiti sa kanya at saka humarap sa mga kaklase kong hindi naman ako binibigyan ng kahit na anong atensyon.

"Good morning everyone. I am Summer Pascua." pakilala ko.

Pagkatapos na pagkatapos kong magsalita ay laking gulat ko nang saktong may tumama sa mukha ko na lumilipad na lukot na papel. Dahil doon ay kaagad silang naghalakhakan.

"Sige, hija. Maupo ka na." nahihiyang utos ni Ma'am.

Tumingin ako sa paligid at wala nang bakanteng upuan maliban sa likod. Sa likod? Ugh. Uupo ako sa likuran, sa tabi ng bintana at ano? Ang makakatabi ko ay isang annoying na lalaki na magiging Prince Charming ko? How cliché.

Nagsimula na akong humakbang papunta sa upuan ko pero may paang biglang humarang sa daraanan ko. Tiningnan ko kung kaninong paa iyon at sumalubong sa akin ang mukha ng babaeng nagmukha nang clown dahil sa kapal ng makeup niya. Balak niya ba akong patirin?

"Mukhang pamilyar ka ah. Teka..." saad niya at humarap sa katabi niya. "Huy girl, hindi ba sya 'yun? Iyong wanted?"

Ano raw? Wanted?

Tumingin sa akin ang katabi niya. "Oo nga! Hawig nga niya! Tang*na mas pangit pala siya sa personal!"

Hindi ako makapaniwalang napanganga nang marinig ang sinabi niya. Ano raw?! T-tang*na?! Oh my God. Paano ako nakapasok sa paaralan na ito? Bakit kahapon, nung nag-entrance exam ako ay mukhang disente ang lahat? Bakit ngayon ay tila nasira ang first impression ko sa Tan Siu International Academy?

"Miss Pascua, maupo ka na." utos ni Ma'am.

"Ah, opo." sagot ko at dali-daling nilaktawan ang paa ng babae.

Naupo ako sa may tabi ng bintana. Nakakapagtaka lang dahil nung umupo na ako ay biglang tumahimik ang buong klase. Lahat sila'y tumigil sa kanilang ginagawa at nabaling sa akin ang kanilang mga atensyon.

"Uhm, Miss Pascua, may I request you to please choose another seat? That seat is already taken." saad ni Ma'am.

"Ah, sige po Ma'am." sagot ko at dali-daling naupo sa katabing upuan.

Nanatiling nakatutok pa rin sa akin ang atensyon ng buong klase at nakakabingi na ang katahimikan nila.

"Even that seat is taken, Miss Pascua." saad ni Ma'am na may suot na awkward na ngiti.

Tumayo akong muli at pumunta sa pinakadulong upuan, sa may last row kung saan dingding na lang ang makakatabi ko.

"Eh dito po?" tanong ko.

Ngumiti si Ma'am bilang sagot kung kaya't naupo na ako roon. Magsisimula na sana siyang magturo nang bigla-bigla na lang marahas na bumukas ang pinto ng classroom.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon