[20] Thunder

294K 10K 2.8K
                                    

"Hanggang ngayon pala ay makasarili ka pa rin, Snowman."

Napalingon ako sa likuran ko at napakunot ang noo ko nang makita ang lalaking kumausap sa akin kanina sa may puno na naglalakad papalapit sa amin habang nakapamulsa. Ang panuorin lang siyang maglakad papalapit ay agad na nagbigay ng takot sa akin. There is something in him that terrifies you kahit na wala naman siyang ginagawang kahit ano.

Napatingin ako sa mga lalaking nakasunod sa kanya at agad kong napansin ang lalaking may dala-dalang baseball bat. Ang iba naman ay katulad lang din niyang nakapamulsa at nakakatakot na naglalakad papalapit sa amin. Kinakabahan kong ibinalik ang tingin kay cursing machine at wala akong nakitang pagbabago sa ekspresyon niya. Tila balewala lang sa kanya ang presensya ng mga paparating samantalang halos mahimatay na ako sa takot.

Nagulat na lang ako nang biglang may umakbay sa akin. Balak ko sanang tignan kung sino ito pero nagulat ako nang siya na mismo ang naglapit ng mukha niya sa mukha ko. Napalunok ako nang halos dumikit na ang labi niya sa pisngi ko. Tila nanghina ang mga tuhod ko nang mapatingin ako sa mga mata niya. Katulad kanina ay para nitong hinihigop ang lakas ko dahilan para manghina ako at manginig sa isang titig lang niya.

"Take. Your. Goddamn. Hands. Off. Her. Thunder." Mabagal na utos ni Jack Frost.

Akala ko ay susundin siya ng lalaking naka-akbay sa akin na tinawag niyang Thunder pero mas lalo akong nakaramdam ng takot nang ilapit pa nito lalo ang mukha niya sa akin na tila balak niya akong halikan. Iiiwas ko na sana ang mukha ko sa kanya pero laking gulat ko nang may isang bagay ang tumama sa mukha niya dahilan upang mapatigil siya sa paglapit ng mukha niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla at napatingin sa sahig kung saan nalaglag ang bagay na tumama sa kanya. Nakita ko roon ang isang kulay puting iPhone 5s na ngayon ay basag-basag na dahil sa pagbagsak nito sa sahig.

Marahan niyang inalis ang pagkakaakbay niya sa akin at seryosong tinignan ang cursing machine.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo?" mahinahong tanong niya kay Jack.

"Obviously, I've just wasted my phone worth forty thousand pesos to someone who's a trash," sagot niya habang nakangiti ng nakaka-insulto.

Napanganga ako in disbelief. This gangster! Ugh! Nababaliw na ba siya? Hindi niya ba nakikitang napapalibutan na siya ng mga kasama ng lalaking ito at sa ginagawa niyang pang-iinsulto ay mas lalo lang niyang papahirapan ang sarili niya?!

"Ang lakas naman ng loob mong kalabanin ako sa loob pa mismo ng Avellino." Ika nito.

"Will there be any huge difference if I beat you in here or outside?"

Sinuklian siya ng lalaki ng nakaka-insultong ngiti sa naging sagot niya. "Wala ka pa rin pala talagang pagbabago."

"So are you." Seryosong sagot naman sa kanya ni Jack.

Bigla na lang akong nakaramdam ng takot habang pinapanuod silang magkatitigan. Laking gulat ko na lang nang bigla na lang may lalaking nagtangkang hatawin si Jack ng baseball bat sa likuran. Mabuti na lang at malakas ang pakiramdam niya at naka-iwas kaagad siya. Sinipa at sinuntok niya sa mukha ang lalaki at agad naman itong nakatulog.

Inayos niya ang uniporme niyang bahagyang nagusot at saka malamig na tumingin sa mga lalaking nakapalibot sa kanya.

"Kailan pa kayo natutong lumaban ng talikuran?" Tanong niya at saka ngumiti ng pilit habang ipinapakita ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Natutunan namin 'yan sa mga katulad mong traydor." Sagot ng lalaking nakatayo sa gilid niya.

Traydor? What do they mean?

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon