[ 50 ] Gift

44.5K 676 57
                                    

Chapter 50: Gift

"Hi, Zavier!" bati ni Steffi dito nang makita niya ito.

Nasa labas siya ng bahay at hinihintay talaga ang pagdating dito. Inimbita niya ito. Nagbabakasakali siya na may makuha siya na kahit na anong impormasyon dito. Wala rin naman siyang ginagawa ng araw na iyon at naiinip na rin naman siya.

"Hi, Stef! I missed you," nakangiting sinabi nito. "I'm sorry I wasn't able to spend more time with you. I've been busy with work kaya naman babawi ako sa 'yo ngayon."

"It's okay, Zavier. Alam ko naman na 'yon. I understand."

"So, do you have any places you want to go?"

"Wala naman. Kahit sa'n, okay lang ako."

"That's good! Let's go!"

Dahil bihis na siya ay hinila na lang siya nito papunta sa sasakyan nito at pinagbuksan siya ng pinto. Ang gusto niya kay Zavier? Gentleman ito. Talagang boyfriend material pero hindi kagaya ni Zavier ang tipo niya na lalaki. He's just too good to be true. Talagang gusto niya lang ang ugali nito bilang isang tao.

Nagtaka na lang siya nang dalhin siya nito sa isang pamilyar na lugar: ang mala-mansyon na bahay nila. Alam niya naman na wala rin doon si ZAC dahil doon na ito tumutuloy ulit sa condominium unit nito kaya kahit na lumabas siya kasama si Zavier ay hindi siya nito mahuhuli. Nag-usap na rin naman sila na hindi magkikita hanggang sa pagdating ng bisperas ng bagong taon kung saan may lakad sila na hindi niya rin alam kung saan.

"B-bakit mo ako dinala dito sa inyo? Baka malaman ng Daddy—"

"Don't worry about him. He's not here so he wouldn't know. Ako na ang bahala sa 'yo," paninigurado nito.

Dumeretso sila sa kusina at pinaupo lang siya nito sa isang upuan doon.

"I'll cook for you, Steffi. Dito ka na mag-hapunan. Just wait here and watch me."

Agad itong nagsuot ng apron at itinupi ang longsleeves ng polo nito saka inihanda ang mga kakailanganin nito sa pagluluto at saka ito nagluto doon. Nagluto ito ng seafood pasta na sa itsura at amoy pa lang ay halatang masarap na. Hindi na rin naman iyon kataka-taka dahil talagang responsable si Zavier at kahit iwan mo siguro ito ng walang pera ay makakayanan nito dahil bukod sa marami itong alam, marami din itong kayang gawin.

Matapos nitong magluto ay pumunta sila sa kwarto nito dala-dala ang pagkain at doon sila tahimik na kumain. Mas komportable doon kumpara sa hapag-kainan nila dahil malaki ang lamesa doon. Sa kwarto nito, mas simple lang kaya naman hindi ka maiilang at magagawa mong ma-feel at home.

"Zavier, naniniwala ka ba na kapatid ako ni Monique?" biglang tanong ni Steffi. Wala naman sana siyang intensyon na tanungin ito pero bigla itong lumabas sa isip niya.

"Hm... yes. There is a big possibility dahil magkamukhang magkamukha kayo but we wouldn't know the truth unless you undergo the DNA test. Ang alam ko kasi, sa mundo na 'to, there is one person na parang carbon copy mo but you are not blood-related. Why don't you take the test to make sure?"

"No need. Wala rin naman akong mapapala kahit na malaman ko pa," pagsasara niya sa usapan na siya rin mismo ang nagbukas.

Dahil tapos na siyang kumain, tumayo siya dahil naisipan niya na magtingin tingin sa kwarto nito kagaya ng ginawa niya noon sa kwarto ni ZAC. Baka mayroon siyang makitang anumang bagay na maaari niyang gamitin laban sakanila. Magbabakasakali na lang siya kahit wala namang kasiguraduhan tutal wala namang mawawala sa kanya at isa pa, hindi naman siya pinaghihinalaan ni Zavier.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon