[ 63 ] The Wedding

41.6K 595 60
                                    

Chapter 63: The Wedding

Matapos ng halos anim na oras na biyahe, sa wakas ay nakarating na rin siya sa hotel kung saan gaganapin ang kasal. Pagkapasok na pagkapasok niya sa hotel, alam niya na na sosyalin iyon dahil sa serbisyo na binibigay ng hotel staff mula sa check-in, sa pagtotour sa hotel kung saan ang wedding ceremony at reception hanggang sa makarating siya sa hotel room na tutuluyan niya. May ilang oras ba siyang nalalabi bago ang kasal at may oras pa siya para makapag-ikot ikot mag-isa.

Nagbihis siya kaagad at nagsuot ng komportableng damit bago siya lumabas sa kuwarto para mag-ikot at mahanap si Jico. Hindi niya naman magawa kontakin ito dahil walang signal ang phone niya lalo na't nasa ibang bansa siya. May mga bagay siyang dapat ipaliwanag dito para sa plano niya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may biglang humila sa kanya papasok sa isang kwarto habang naglalakad siya kaya hindi niya maiwasan na mapatili pero nang makita niya ang mukha ni Jico ay nakahinga agad siya ng maluwag.

"I knew you'll come. Sakto lang ang dating mo base sa binigay ko sa'yo na flight. Mabuti na lang at nakita kita kaagad," nakangiting sinabi nito. Halatang natuwa ito na makita siyang nandoon para sa kasal.

"Buti na lang din nakita mo 'ko at hindi na kita kailangan pang hanapin. I need your help."

"You're here so tuloy ang plano, tama ba?"

"Yes, tuloy ang plano and I want you to do me a favor."

"Tell me your plans."

Umupo sila sa sofa para mas makapag-usap ng maayos. Isinaad niya dito lahat ng kanyang ipinaplano... kung anong gagawin at kung ano ang dapat na maging resulta. Hindi niya naman talaga ninanais na pigilan ang kasal kundi pagsisihin si ZAC sa lahat ng naging desisyon nito. Sa ganoong paraan, baka magbago pa ang isip nito at itigil nga nito ang kasal. Matuloy man o hindi ang kasal, handa na siya. Pero para sa kanya, mas makabubuti kung hindi.

"Okay, I will help you. For now, mag-ayos ka na. Kailangan mong maging maganda do'n."

"Okay, babalik na lang ako dito mamaya."

Umalis na siya doon at madaling nag-ayos. Ginawa niya lahat ng kanyang makakaya para maipakita na maganda siya. 'Yong makikita pa rin niya ang sarili niya pero may pagka-daring ang dating. Naglagay siya ng light eye make-up na binawi niya sa paglalagay ng red na lipstick. Kinulot niya lang din ang dulo ng buhok niya. Sinuot niya rin ang baby pink one-shoulder gown na binili para sa kanya ni Jico at sinuot ang 4-inch na sapatos na bumagay sa damit.

Ilang minuto rin siyang nakatingin sa sarili sa harap ng salamin. Kinukumbinse niya ang sarili na makakaya niya at magagampanan niya ang dapat niyang gawin. Hindi na siya pwede pang umurong at kung ano man ang kalabasan ng gagawin niya ay kailangan niya na lang tanggapin.

Matapos ihanda ang sarili ay pumunta na siya sa kuwarto ni Jico. Kumatok siya doon pero walang sumasagot at nang pihitin niya ang pinto ng kuwarto ay bukas naman iyon kaya pumasok na siya. Naabutan niya si Jico na nagpapagwapo sa harap ng full body mirror habang nakasuot lang ng slacks at topless pa. Umupo na lang siya doon at habang nandoon ay hindi niya maiwasan na tingnan ang bawat kilos nito.

"Enjoying the view?" pang-aasar nito sa kanya.

"Wow, ha? Ang yabang! Magbihis ka na nga dyan. Mamaya ma-late pa tayo, eh."

Nagsuot na rin ito ng white longsleeves at black coat. Nagsuot pa ito ng bow na talagang bumagay dito. Matapos nitong mag-ayos ay nilapitan siya nito at hinila patayo. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.

"May kulang pa din ba?"

"I think alam ko kung ano ang kukumpleto sa look mo."

Mas nilapitan siya nito at inihawi nito ang buhok niya sa isang banda lang kung saan mas makikita ang balikat niya.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon