[ 18 ] Vacation

63.2K 692 50
                                    

Chapter 18: Vacation

Ilang buwan na din ang nakalipas at ngayon ay sembreak na nila. Madami na ang nagbago pero kagaya ng plano, patago pa rin na nagkikita sina ZAC at Steffi. Nakikitira pa din siya kay Kurt at si Kim, nag-aaral na din sa Choi University. Nang dahil kay Kim ay mas lalong nahirapan si Steffi sa school. Walang wala na siyang kasama doon. Maging si Mitch ay tuluyan ng sumama sa grupo nina Miranda na ngayon ay sunud-sunuran na kay Kim. Nagbago na rin ng tuluyan ang ugali ni Mitch. Madami man ang nangyayari sa kanya, nananatili pa din siya na matatag.

Bakasyon man nila ngayon, may mga naiwan pa din na gawain sa kanila na kailangan nilang ipasa pagbalik ng klase. Hindi lang ang project ni Steffi ang inaasikaso niya at pati na din ang kay Kurt. Ang nagpahirap pa kay Steffi, walang laptop si Kurt sa tinitirhan nito dahil hindi ito gumagamit noon.

Maagang gumising si Steffi at dahil mahimbing ang tulog nito ay maingat siyang kumilos para hindi makagawa ng ingay. Nagluto siya ng pagkain nila at nauna na siyang kumain dito. Ang pagkain naman na para kay Kurt ay inilagay niya sa lamesa. Matapos noon ay pumunta siya sa sala at nanood ng TV. Nakarinig na lang siya ng katok galing sa labas at parang may bumubukas sa pinto kaya tumayo siya pero bago niya pa man pagbuksan ang pinto ay nabuksan na iyon. Parang hindi lang siya nito nakita at dire-deretso itong pumasok sa loob ng bahay.

"Sino po kayo?" tanong ni Steffi.

"I should be the one asking you that question. Who are you? Why are you here? And where is my baby? Where is Kurt?"

Hindi pa man nakakasagot si Steffi, pumunta na ito sa kwarto ni Kurt kaya sinundan niya ito. Kakaiba ang mga ikinikilos nito.

"Oh my gosh! Don't tell me na naglilive-in kayo ni Kurt?!" sigaw niya.

Nang dahil sa sinabi ng babae, nag-assume kaagad si Steffi na posibleng may relasyon sila ni Kurt. 'Baby' ang tawag nito sa kanya. Kung titignan ang babae ay mukhang nasa 30 years old na ito pero bata pa ito tingnan at mukhang nasa 20 lang. Nakita niya din ang pagkagulat ni Kurt nang makita ito.

"Ma, ano'ng ginagawa mo dito? Hindi ka man lang nagpasabi," naiinis na sinabi ni Kurt.

Nanlaki ang mata ni Steffi doon. Mommy pala ito ni Kurt. Hindi kasi aakalain na Nanay ito ng isang college student dahil sa bata pa ang mukha nito.

"Girlfriend mo ba siya? Siya ba 'yong dahilan kung bakit hindi mo ako tinetext at ayaw mo akong papuntahin dito? Okay lang naman sa 'kin basta magsabi ka," tanong nito.

"Ah-eh hindi niya po ako--"

"Girlfriend ko nga siya at kailangan namin ng privacy," sagot ni Kurt.

"Okay, fine! Sige na, mag-ayos ka na at kumain. Mukhang ipinaghanda ka na niya ng breakfast. We will wait for you outside."

Hinila ng Mommy ni Kurt si Steffi papalabas sa kwarto at pinaupo ito sa sofa. Tiningnan muna siya nito ng matagal na parang kinikilatis siya nito.

"Call me Tita Kate. What's your name pala, iha?"

"Steffi po."

"So, Steffi, do you know that you are my son's first girlfriend? Oh how I wish na magtuloy tuloy na kayo. You seem different from the girls I see hanging out with him. Simple ka at walang arte. Inaalagaan mo rin siya at marunong kang magluto. I like that!"

"Kumain na po ba kayo, Tita? Gusto niyo po ba na ipagluto ko kayo?"

"Ang maalaga mo naman, iha. No, thanks. I'm still full. Actually, I was about to surprise my dear son but it turned out to be the other way around. Sa isang kama lang pala kayo natutulog? Don't worry, walang gagawing masama sa 'yo 'yang si Kurt. Pa-gangster gangster man 'yan, hindi 'yan nagtetake advantage sa mga babae. Pasensya na kung madaldal ako, ha? I'm just happy."

"Okay lang po."

"'Wag ka na mahiya sa 'kin. Ituring mo lang ako na parang ka-edad mo. Bata pa naman ako at batang bata din ako tingnan, 'di ba?"

"Ma," sita ni Kurt.

"Kurt, baby, hindi mo man lang ba ako namiss?" tanong nito sa anak.

"'Wag mo nga akong i-baby, matanda na ako. Ano ba'ng pinunta mo dito?" tanong ni Kurt.

"Yayayain ko lang sana kayo doon sa opening ng bago kong resort. Invited din ang buong 11SG. Grand opening 'yon kaya magready kayo para sa beach party. Gusto ko na pumunta kayo ni Steff,i ha? Hindi kayo pwedeng mawala doon."

"Sige. Pupunta kami. Kailan ba?"

"Tomorrow night. Can you please stay there for a few nights? Hm, how about three nights? I'll just text you the address later. I gotta go. Ayoko naman na makaistorbo sa inyong dalawa ni Steffi. Bye, Kurt! Bye, Steffi!"

"Bye, Tita. Ingat po kayo."

Madaling umalis doon ang Mommy ni Kurt. Masaya itong umalis dahil sa mga nalaman niya sa araw na iyon. Nagustuhan niya kaagad si Steffi dahil ito ang unang babae na ipinakilala nito sa kanya. Ayaw rin kasi ni Kurt na maging pangit ang image ni Steffi sa Nanay niya kaya sinabi niya na lang na girlfriend niya ito. Kung hindi lang siya ang unang babae na ipinakilala ni Kurt sa kanya, malamang ay hindi niya ito magugustuhan.

"Pagpasensyahan mo na 'yon. Ganun talaga siya," naiinis na sinabi ni Kurt.

Noon pa man ay hindi talaga gusto ni Kurt ang pagiging isip-bata ng Mommy niya. Masyado itong makulit at mahilig manghimasok sa mga bagay bagay. Pabigla bigla din ito sa mga ginagawa nito.

"'Wag ka namang ganon kay tita. Ang swerte mo nga dahil may nanay ka. Ako, hindi ko pa naexperience 'yon. Ang cool niya nga, eh. Hindi ka maiilang sa kanya dahil para lang siya ka-age natin kung kumilos at magsalita."

"Wala kang alam tungkol sa nanay ko at hindi mo siya kilala kaya 'wag kang magconclude kaagad. Magayos ka na ng gamit mo. Pupunta tayo doon mamayang gabi."

Madaling pumunta si Steffi sa kwarto at nag-ayos ng mga gamit niya na dadalhin. Excited na siya na makapagbakasyon kahit sandali lang. Palagi na lang kasi na bahay at school lang ang napupuntahan niya. Ano nga kaya ang mga mangyayari sa bakasyon na 'yon?

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon