[ 2 ] 11SG

80K 1K 47
                                    

Chapter 2: 11SG

Nakaka isang linggo na si Steffi sa Choi University. Pinipilit niya na lang na iwasan at 'wag pakialaman ang gawain ng 11SG doon para makaiwas siya sa gulo. Nasa cafeteria siya ngayon kasama ang kaibigan na si Mitch. Simula noong unang araw ng klase ay palagi niya na itong kasama at nagkalapit na ang loob nila sa isa't isa.

"Ang gwapo talaga ni ZAC, ano?" out of nowhere na sinabi ni Mitch.

"Nasaan ang gwapo dyan? Mukha siyang babae dahil hanggang balikat ang buhok niya."

"Gwapo siya, Steffi. Hindi mo kasi siya nakita noon. Maiksi 'yong buhok niya at ang linis niya tingnan pero simula nang mamatay ang girlfriend niya, 'yan na ang nangyari sa buhok niya. Nagpahaba na siya at hindi niya na pinaiksian ulit."

"Nagkakaroon din pala ng girlfriend ang mga kagaya niya? Buti may nagtiyaga sa ugali niya."

"Hello?! Si ZAC, hindi magkaka-girlfriend?! Ang dami kayang nagkakandarapa sa kanya. Alam mo ba, simple lang 'yong girlfriend niyan. Palaban nga din kagaya mo. Naaksidente kasi silang dalawa sa motor noon at namatay ang girlfriend niya. Hanggang ngayon, sinisisi niya pa din ang ang sarili niya sa nangyari."

"Kasalanan niya naman pala, eh."

"First love niya 'yong babae kaya siya nagkakaganyan. Simula noong mawala 'yong babae, napasama na siya lalo. Masama na ang ugali niya noon pero lumala lalo dahil sa nangyari."

"Paano mo nalaman lahat ng 'yan?"

"The whole school knows that story. Sinubaybayan 'yon ng lahat. Madami ang nagkakagusto sa kanya at halos buong buhay niya, alam na nila."

Nakita ni Steffi ang pagpasok ng 11SG sa loob ng cafeteria ng school nila. Ang lakas ng dating ng mga ito at gwapo din sila kaya hindi na siya nagtataka kung marami nga ang nagkakagusto sa kanila. Isinumpa niya na din na kahit kailan ay hindi niya magugustuhan ang mga ito dahil puro paninigarilyo at away lang ang inaatupag nila sa school na 'yon at ayaw na ayaw ni Steffi sa ganoon.

Papunta na si Steffi sa coffee shop kung saan siya nagtatrabaho nang mapansin niya ang mga estudyante na nagkukumpulan.

"Tama na! Hindi ko na po uulitin. Aalis na ako sa school na 'to," makaawa ng isang babae.

Pinilit ni Steffi na makisiksik sa mga tao para makita ang mga nangyayari pero dahil walang nagbibigay ng daan sa kanya ay hindi niya 'yon makita at tanging boses lang ang naririnig niya galing sa kinatatayuan niya.

"Ano'ng nangyayari?" tanong niya sa isa sa mga nandoon.

"Dinumihan kasi ng babae 'yong sasakyan ni ZAC kaya nagalit siya. As usual, kinakawawa na naman ni ZAC 'yong babae," sagot nito.

"Bakit pinapabayaan lang ng 11SG si ZAC sa ginagawa niya?"

"Hindi na kailangan makialam ng iba. Kaya na ni ZAC 'yon. Pagtitripan niya lang naman 'yon, eh."

"Ano ba ang ginagawa ni ZAC sa babae?"

"Bago ka lang ba dito? Bakit parang wala kang alam? ZAC is a kissing monster kaya sigurado ako na hinahalikan niya 'yon ngayon. Sana nga ako na lang 'yong nandoon."

Tiningnan ng masama ni Steffi ang babae. Hindi niya gusto ang kanyang nalaman. Hindi niya din gusto ang hiling ng babae na pumalit doon.

'Baliw na baliw naman 'to kay ZAC. Hindi ko maintindihan ano ang gusto nila sa gangster na 'yon. Panget na nga, masama pa ang ugali,' sambit nito sa sarili.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon