[ 19.1 ] Resort

63.7K 765 209
                                    

Chapter 19.1: Resort

Nasa sala na si Kurt at hinihintay si Steffi dahil nasa kwarto pa ito at nag-aayos. Bukas man ang party, naisipan nila na ngayon na lang umalis para hindi sila pagod bukas. Naka-sasakyan pa naman sila na pupunta doon at hindi mahilig magmaneho si Kurt gamit ang sasakyan kahit na malayuan pa 'yon. Palagi lang kasi itong naka-motor. Mabilis kasi siya magpatakbo kaya naman mabilis siya nakakarating sa pupuntahan.

"Hoy, Steffi! Bilisan mo nga!" sigaw niya.

"Saglit lang naman! Excited?!" sigaw nito galing sa kwarto.

Nababagot na sa kakahintay si Kurt kay Steffi dahil ang bagal nitong kumilos. Malayo pa naman ang pupuntahan nila at pagabi na.

"Steffi bilisan mo!" sigaw niya ulit.

"Oo na! Bakit ka ba kasi nagmamadali?" sabi nito habang lumalabas sa kwarto.

"Pupuntahan pa natin si Mama."

"Si Tita Kate?"

"Hindi, ako. Mama nga, 'di ba? Edi nanay ko 'yon. Kung gusto mo, nanay mo na lang din."

"Excited na ako na makakwentuhan si Tita! Tara na! Pabuhat nung bag ko."

"Hindi mo ako alalay. Buhatin mo ang sarili mong gamit."

"Hindi ka talaga gentleman."

"Ganito talaga ako. Kahit hindi ako gentleman, madaming nagkakagusto sa 'kin."

"Ang hangin, ah? Tara na nga."

Umalis sila kaagad doon at habang nasa sasakyan ay nagpatugtog ng kanta si Steffi. Sanay na siya na kasama si Kurt at hindi na siya naiilang na kasama ito.

"Pagpasensyahan mo na 'yong nanay ko. Nakakainis talaga 'yon," sabi ni Kurt kay Steffi.

"Hindi naman, ah? Ang cool kaya niya!"

"Nakakainis kaya."

"Pasalamat ka nga may nanay ka pa."

"Oo na. 'Yong project ko baka nakakalimutan mo. Ikaw ang gagawa nun."

"Opo. 'Wag kang mag-alala, magagawa ko 'yon."

"Oo nga pala, 'di ba girlfriend kita? Hahaha," pabirong tanong nito.

"Hindi. Kaya lang naman nagkaganun dahil sa Mommy mo, eh."

"Kinilig ka naman."

"Kurt, nakakainis ka na! Gusto mo bang masapak?"

"Subukan mo lang kung gusto mo na mamatay ng maaga."

"Ewan ko sa 'yo, Kurt! Ang feeler mo!"

"Ayaw mo ba sa 'kin? Siguro namimiss mo na naman si ZAC?"

"Ewan! Best friend ba talaga kita?"

"Ayaw mo pa kasing umamin sa 'kin, eh. Boyfriend mo nga ako. Hahaha!"

"Hindi kaya. Bahala ka nga diyan."

Tuwang tuwa si Kurt na inaasar si Steffi dahil palagi itong napipikon at umiinit ang ulo. Gustong gusto niya na binibwisit ito dahil natutuwa siya sa reaction nito.

Tumigil sila sa tapat ng isang restaurant. Naghihintay lang ito sa labas noon at may dala pa itong pizza. Nang makita sila nito ay agad itong pumasok sa loob ng sasakyan.

"Steffi, lumipat ka nga dito sa likod. Tabi tayo," hiling ng Mommy ni Kurt.

Madaling lumipat si Steffi sa likod kagaya ng hiniling nito. Hindi na rin naman nakontra pa iyon ni Kurt dahil baka magtalo lang sila ng nanay niya.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon