[ 12 ] Classmate

72.9K 936 129
                                    

Chapter 12: Classmate

Maganda ang gising ni Steffi ng araw na 'yon. Siguro ay dahil mas maayos na rin ang pakiramdam niya kumpara kahapon dahil hindi na ganoon kasakit ang katawan niya. Hinihiling niya na lang na kung gaano kaganda ang gising niya, magtuloy tuloy na 'yon at hindi na sirain pa ng amo niya.

Nakakausap at nakakatext niya na ngayon si Zavier at napag-usapan nila na susunduin siya nito doon pagdating ng 6:30 ng umaga kaya maaga siyang gumising para na din magawa ang lahat ng kailangan niyang gawin. Isasabay kasi siya nito sa pagpasok at pumayag na din siya. Mabait kasi si Zavier sa kanya at kahit papano ay alam niya na mapagkakatiwalaan niya ito kumpara sa kapatid nito na si ZAC. Makakalibre na din siya ng pamasahe sa pagpasok sa eskwelahan kaya hindi na siya umarte pa.

Madaling tinapos ni Steffi ang lahat ng kailangan niyang gawin at pagtingin niya sa orasan, 6:30 na ng umaga. Alam niya na kailangan niya nang gisingin ang amo para hindi ito mahuli sa klase. Dahil iniisip niya na tulog pa ito, dere-deretso siyang pumasok sa kwarto nito at hindi niya inaasahan na maabutan niya ito na gising na.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" tanong nito sa kanya.

"Pasensya na. Akala ko kasi tulog ka pa. 6:30 na pala, baka ma-late ka. Nakahanda na din 'yong pagkain mo sa lamesa. Aalis na ako."

"Hindi ka pa pwedeng umalis. Kailangan mo akong hintayin na matapos na kumain dahil huhugasan mo ang pinagkainan ko. Boss mo ako kaya susundin mo ang gusto ko sa--"

"Ayaw at sa gusto ko. Kabisado ko na 'yang linya mo kaya hindi mo na kailangan pang ulit ulitin sa 'kin. Hihintayin na kita kaya bilisan mong kumain! Puntahan mo na lang ako sa kwarto ko pagtapos mo."

Madaling lumabas si Steffi sa kwarto ni ZAC at pumunta siya sa kwarto. Hindi na rin naman siya maghihintay ng matagal dahil nakabihis na si ZAC. Kinuha niya ang phone niya para i-text si Zavier at pagtingin niya, may text na siyang natanggap galing dito.

From: Zavier

I'm here. I'll wait for you.

Naaasar siya dahil sa inaasta ni ZAC. Imbis na nakaalis na siya doon, kailangan niya pang hintayin ito at paghintayin si Zavier sa kanya at nahihiya siya kay Zavier dahil doon.

To: Zavier

Wait lang, ah? Nakakaasar kasi 'tong amo ko, eh. Ayaw pa akong paalisin. Ang daming arte!

From: Zavier

It's okay, Steffi. Ganyan talaga siya. Mahilig siyang mang-inis ng iba. I can wait. Nandito lang ako sa parking lot.

Napatingin si Steffi sa pinto nang marinig niya na tumunog ang door knob.

"Hoy! Gawin mo na 'yong trabaho mo! Bilisan mo!" utos nito.

"Excited?! Ito na nga, oh, Tatayo na!" naiinis na sagot niya.

Padabog na binitawan ni Steffi ang phone niya at ginawa ang iniuutos ni ZAC. Habang nandoon pa si ZAC sa kwarto ay nakita niya na umilaw ang phone nito kaya tiningnan niya. Doon niya na din nalaman na nandoon pala si Zavier para sunduin si Steffi.

Ano na naman ba 'tong pinagkakaabalahan ng kambal ko?

Naisipan ni ZAC na kunin ang phone ni Steffi at reply-an si Zavier.

To: Zavier

Hindi siya sasabay sa 'yo papasok kaya umalis ka na. Nagsasayang ka lang ng oras mo.

Si ZAC na ang kumuha ng mga gamit ni Steffi at naglabas noon. Ibinigay niya 'yon kay Steffi at sabay silang umalis doon. Habang nasa elevator ay tahimik lang sila at awkward dahil silang dalawa lang ang nandoon.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon