[ 19.2 ] Trip

64K 762 73
                                    

Chapter 19.2: Trip

Nakatingin lang si Kate sa anak at kay Steffi. Hindi kasi nakalock ang pintuan kaya nakapasok siya doon at nakita niya ang kulitan ng dalawa. Madali niyang nilapitan si Kurt at pinalo ito saka pinalayo kay Steffi.

"Magbihis ka nga, Kurt! Kayo talagang dalawa! Gusto niyo talaga akong bigyan ng apo kaagad at hindi na kayo makapaghintay. Mamaya niyo na 'yan ituloy dahil masyado pang maaga para gumawa ng milagro."

"Tita Kate, mali po kayo ng pagkakaintindi," pagpapaliwanag ni Steffi.

"Bakit ka ba nandito, Ma?"

"Nagpapakasweet lang ba si Kurt? Yayayain ko na kayo na kumain kaya sumunod na lang kayo doon, okay? Sige, maiwan ko na kayo."

Iniwan na sila doon ni Kate kaya nilock na ni Kurt ang pinto dahil baka kung sino pa ang pumasok ulit doon. Doon lang napagtanto ni Steffi ang sobrang kakulitan ng Mommy nito. Mukhang papahirapan sila nito dahil sa pangungulit nito.

"Ituloy natin mamaya?" pabirong tanong ni Kurt.

"Tigilan mo nga ako! Ang weird mo. Trip na trip mo talaga ako ngayon, ah?"

"Hindi naman kita trip, eh. Seryoso ako sa 'yo."

"Ewan ko sa 'yo! Bahala ka nga dyan! Magbihis ka na."

"Binasa mo kasi ako."

"Ikaw din naman ang may kasalanan nun eh. Gumaganti lang ako. Bilisan mo na nga!"

"Excited?"

"Hindi. Nagugutom na ako."

Madaling nagbihis si Kurt. Habang nagbibihis ito at nag-aayos ng buhok ay nakatingin lang si Steffi dito.

Ano ba ang topak ng best friend ko na 'to? Kanina pa ako ponagtitripan. Nakakatakot 'yong paraan niya ng pangtitrip lalo na at kaming dalawa lang ang nandito ngayon.

Nakatayo lang si Kurt at tinitingnan si Steffi nang mapansin niya na tulala ito.

"Hoy! Tama na ang pagdedaydream! Tara na!" sigaw nito.

"Maka-madali ka naman! Ikaw nga 'tong hinihintay ko, eh."

"'Wag ka kayang sumigaw? Mamaya may makarinig pa sa 'yo. Habang nandito si mama, girlfriend kita at boyfriend mo ako."

"Edi sige, girlfriend mo ako pero kung maka-hoy ka, akala mo alalay mo lang ako."

"Sorry na, babe."

"Babe mo mukha mo! Hindi ako baboy. Pang-baboy lang 'yon, eh. Tara na nga."

Sabay silang lumabas ng kwarto at dumeretso sa restaurant sa loob ng resort. May isang lamesa doon na may nakahandang mga pagkain kaya doon sila umupo. Napansin din nila ang paglabas ng Mommy ni Kurt galing sa kusina.

"Nandito na pala kayo. Madami akong ipapatikim sa inyo na pagkain. Lahat ng nasa menu ipinaluto ko kaya sabihan niyo ako kapag may hindi masarap, ah?"

"Sige po, Tita. Sigurado naman ako na masarap 'yan lahat," nakangiting sinabi ni Steffi.

"Binola pa," pabulong na sinabi ni Kurt pero narinig ni Steffi.

"Ano'ng sabi mo, Kurt?"

"Wala. Kumain na nga tayo."

Kumain sila ng kumain doon. Minsan ay binibigyan pa siya ni Kurt ng ibang pagkain at binubusog siya. Ang dami dami rin nilang nakain kaya nabusog sila ng sobra.

"So, what can you say about the food?" tanong ni Kate.

"Masarap po," sagot ni Steffi.

"Okay lang," walang gana na sagot ni Kurt.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon