[ 67 ] Realizations

39.8K 664 91
                                    

Chapter 67: Realizations

"Kamusta si Geneere?" tanong ni ZAC kay Kurt nang magising ito.

Nasa isang kuwarto sila ni Steffi at nakita niya kaagad ito na walang malay. Ang nandoon lang ay si Kurt kaya ito na ang tinanong niya.

All he can think of right now is Steffi... kung maayos ba ito o kung ano na ang lagay nito knowing her condition. Natatakot siya na baka isang araw mawala na lang ito sa kanya.

"H'wag kang mag-alala, okay lang siya. Hayaan na lang muna natin siya na magpahinga. Magigising rin siya sabi ng doktor," sagot ni Kurt.

Kahit na gano'n ay hindi niya pa rin maiwasan na mag-alala. Pinilit niyang tumayo pero hindi niya magawa dahil sa sakit ng buong katawan niya. In the end, humiga na lang siya doon at tiningnan na lang si Steffi mula sa puwesto niya dahil nasa kabilang kama lang ito at kasama niya sa iisang kwarto.

"Anong nangyari? Paano mo kami natunton?"

"Ako ang naghatid kay Steffi papunta doon. Sabi niya sa'kin, date ang punta niya. Doon pa lang, iba na ang hinala ko. Noong paalis na 'ko, napansin ko 'yung sasakyan mo kaya hindi ako umalis doon at naghintay ako ng tamang oras. Nang makita ko ang grupo nina Jico na umalis doon, doon lang ako pumasok sa loob at naabutan ko kayong dalawa na walang malay," pagkekwento nito. "Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit ka pumayag na mag-isang pumunta do'n? Sinabihan mo dapat kami para nakapaghanda kami. Hindi ka sana bugbog sarado ngayon,"

"Buhay pa 'ko, 'di ba? Wala na kayong kailangan intindihin. Alam ko na rin naman na may binabalak silang dalawa laban sa'kin. Siguro nagawa lang 'yon ni Steffi dahil bigla ko siyang iniwan kaya gusto niyang bumawi dahil sa nagawa ko. Alam ko rin na ginagamit lang siya ni Jico laban sa'kin. Kung hindi ko ginawa 'yon, hindi ko mababawi si Steffi. Kailangan ko lang palabasin ang totoong ugali ni Jico para malaman ni Steffi kung ano ang pinasok niya,"

"Ngayong nabawi mo na siya, siguraduhin mo na hindi mo na siya papakawalan pa. Dahil ito ang sinasabi ko sa'yo, kahit kaibigan pa kita, sisiguraduhin ko na sa'kin siya mapupunta kapag sinaktan mo siya ulit. Hindi ako nagbibiro, ZAC. Kahit na alam ko na ipinagbabawal mo 'yun, gagawin ko pa rin. Sige, maiwan ko na kayo dito. Parating na din dito ang nurse."

Iniwan din siya kaagad nito. Now that he heard Kurt's side, na-realize niya na maybe may gusto nga si Kurt dito pero hindi lang ito gumagawa ng move dahil alam nito na masisira ang pagkakaibigan nila. Since Kurt is watching her all this time for her, hindi niya rin ito masisisi kung nagkagusto nga ito sa babaeng mahal niya. Gusto niya pa ngang ipagpasalamat ang pag-amin nito dahil ngayon, may mas maraming dahilan na siya para alagaan si Steffi at hindi na muling pakawalan.

~~~

Nang magising si Steffi ay agad niyang hinanap si ZAC and she felt relieved nang makita niya ito sa tabi niya. Nakasuot rin ito ng hospital gown pero nakakapaglakad na ito. The last memory of him na kasama niya ito ay hirap na hirap pa ito kaya naman nagtaka siya na makita na okay na ito. Gaano na nga ba siya katagal na walang malay at ganoon?

"Zyril," tawag niya dito at nang marinig nito iyon ay tinabihan siya nito at hinawakan ang mga kamay niya. "Masaya ako na ligtas ka," nakangiti niyang sabi dito.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon, Steffi. Napahamak ka pa tuloy,"

"Kung hindi ko ginawa 'yon, hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa'yo ngayon. Kung alam ko lang na magkakagano'n, hindi ko na ginawa 'yon."

Ngayon, sobrang guilt na ang nararamdaman niya and she knows na sa mga oras na 'yon, that is the least she can do. And from what she just said, she is referring sa paghihiganti niya. Sa mga oras na nandoon sila at nakita niya kung gaano siya kamahal ni ZAC, she has made a big decision. Ititigil niya na ang paghihiganti niya sa pamilya ni ZAC o kung kanino man. Tama na ang experience na 'yon. Ayaw niya na may mas masama pang mangyari dahil lang sa pagiging selfish niya. All these time, sarili niya lang ang iniisip niya. And now, everything makes sense. Wala naman talaga siyang mapapala sa paghihiganti niya and it can't even bring back her Dad.

"May kailangan ka ba? May gusto ka? Tatawagin ko na 'yung doktor at bibilhin ko na 'yung gusto mo," tanong nito sa kanya.

Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito. She doesn't want to let him go. She doesn't want him to go.

"Dito ka lang, h'wag mo 'kong iiwan," hiling niya dito which made him smile.

"Hindi na kita iiwan ulit, Geneere. I just need to call the doctor para matingnan ka. I'll be back."

He kissed her in the forehead saka ito umalis. Siya naman, inaabangan na kaagad na bumalik ito. She is now certain about one thing... she loves him. In denial pa siya noon pero ngayon, kaya niya ng aminin sa sarili niya na mahal niya talaga ito and this time, she will just live her life with him. That's what she wants. Susulitin niya ang every moment na kasama niya ito. And now, napapaisip na siya if she would undergo the operation or not because she wants to live a longer life with ZAC.

~~~

Tatawagin pa lang sana ni ZAC ang doktor na tumitingin kay Steffi nang makasalubong niya na mismo ito.

"ZAC, I mean Mr. Choi!" bati nito sa kanya. Kaibigan niya na mas matanda lang sa kanya ang doktor na naka-assign ngayon kay Steffi kaya naman ganoon ang naging bati nito pero hindi niya gusto na kinakausap siya nito ng ganon.

"Gising na si Steffi, p'wede mo na siya puntahan do'n," sabi niya dito at aalis na sana pero pinigilan siya nito.

"Ipapadala ko na lang do'n ang nurse. We have to talk about Steffi."

Nang marinig niya 'yon ay agad siyang natigilan. The fact na kailangan pa siya nitong harangin, ibig sabihin, may mahalaga itong sasabihin sa kanya.

Tumango lang siya at sumunod dito papunta sa office nito.

"Tungkol ba 'yan sa results ng examination niyo sa kanya? Alam ko na may sakit siya sa puso at kailangan niya maoperahan kaagad. Bukod do'n, may bago ba?"

"I have to warn you. Mukha naman na aware ka na sa condition niya so I'm only going to point out some things about her. Alam mo na siguro ang tungkol sa paninikip ng dibdib niya, 'di ba? That is something na wala kaming magagawa and we can only give her medications to lessen the pain pero habang tumatagal, mas mapapadalas 'yon so be ready. Mas masakit pa din ang mararamdaman niya habang tumatagal,"

"Resetahan mo na lang siya ng gamot. Ano pa?"

"She also can't afford to be upset or surprised and take note of this, ZAC. Even love can kill her. If she gets too happy or excited, her heart could stop. Kaibigan mo ako so I'm telling you this. I think it's best if you'll stop. You don't want to see her dying, don't you?"

Iniyukom niya ang kamao nang marinig iyon. Hindi niya gusto na sinasabihan siya nito ng ganoon lalo na't hindi sila ganoon ka-close para sabihan siya nito ng ganoon. They used to be pero hindi na ngayon.

"Tinatakot mo ba ako, pare? Alam mo na mahal ko siya at hindi ko siya iiwan. Sinubukan ko na gawin noon iyang advice mo pero hindi ko kaya na wala siya... that's why I'm here,"

"Don't be selfish, ZAC. Bakit ba hindi mo na lang siya iwan? It is for the best,"

"Masaya man siya o malungkot, mamamatay pa din siya. Ni hindi niya nga gustong magpa-opera kaya wala akong magawa kung hindi samahan na lang siya. Kahit anong gawin ko, ganun pa din ang mangyayari kayaa hindi ko siya iiwan," pagmamatigas niya.

"Why don't you listen? You are the risk to her. Your happiness is killing her. Hindi mo 'to pwede gawin para lang sa kasiyahan mo."

Below the belt ang statement na iyon para sa kanya. Gusto niya ng suntukin ang doktor na kaibigan pero hindi niya gagawin iyon.

"Sa tingin mo ba, magiging masaya ako sa babaeng alam ko na mamamatay lang din?! Kahit na layuan ko pa siya, mamamatay pa din siya. Paano kung mamatay siya habang wala ako?! Mas gugustuhin ko na samahan na lang siya hanggang sa huli,"

"Sorry, dude. H'wag kang magalit sa'kin. Advice ko lang naman 'yan bilang doktor at bilang kaibigan mo na rin. Alam ko na mahirap ang sitwasyon mo pero may choice ka. I'm just warning you and laying out to you your options and the possibilities because you're my friend. The operation is the only way to make her live longer. Kung gusto mo pa siya makasama ng matagal, convince her."

After hearing that, umalis na lang siya doon. Parang lahat na nagsi-sink in sa kanya. Kahit na anong gawin niya, mawawala talaga sa kanya si Steffi. Pero kung may choice siya, syempre mas pipiliin niya na mas humaba pa ang buhay nito pero si Steffi naman ang umaayaw. If only there is a way to convince her... but maybe there really is a way.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon