[ 44 ] Reminder

45.5K 618 47
                                    

Chapter 44: Reminder

Nang idilat ni Steffi ang mga mata niya, lalo iyong nanlaki dahil nakita niya kaagad ang mukha ni ZAC na sobrang lapit sa mukha niya. Kung titingnan ay wala pang isang ruler ang distansya ng mga mukha nila sa isa't isa. Napansin niya din ang pwesto nilang dalawa, nakayakap siya dito at ganoon rin ito sa kanya. Agad niyang inilayo ang mukha niya dito at dahan dahan na inalis ang braso nito na nakayakap sa kanya pero mas lalo lang siya nitong hinigit papalapit sa kanya. Dahil hindi epektibo ang ginawa niya, pinilit niya na lang na tanggalin ang braso nito kahit na magising pa ito at nagmadali siyang bumangon doon. Nakita niya si Kim na may hawak na bag na agad din na iniabot sa kanya.

"Ano 'to?" tanong ni Steffi.

"Bag. Duh?! Alam mo na kung ano 'yan pero nagtatanong ka pa. Nandyan na sa loob ang mga kakailanganin mo. Mag-ayos ka na dahil baka ma-late kayo sa flight niyo," sagot nito.

"Thanks."

"Whatever."

Binuksan niya ang bag na iyon at tiningnan ang mga laman. Inisa isa niya iyon at napansin na ang se-sexy ng mga damit na laman noon. Napatingin siya kay Kim na ngayon ay nakaupo at nanonood ng TV.

"Kim?"

"What is it?"

"Wala ka na bang ibang damit?"

"Don't be picky, Steffi. Magpasalamat ka na lang dahil dinalhan pa kita ng damit. Tutal sa beach naman ang punta niyo, magagamit mo 'yan."

"Beach?"

"Yes. You guys are going to Boracay. Don't worry, everything is settled. Mag-enjoy na lang kayo dun."

"Boracay?"

"Are you stupid?! Kailangan ko bang ulit-ulitin sa 'yo?!"

"Ang ingay!" reklamo ng isang lalaki.

Napalingon sila sa lalaking nagsalita at nakita nila na bumangon si ZAC. Madali namang tumayo si Kim at nilapitan si ZAC.

"Hey ZAC, breakfast is ready. Kumain ka na para makapag-ayos ka na. I'm sure you've been waiting for this vacation. I'm excited for you," sabi ni Kim.

***

Pagkarating nila sa airport ay hinintay na lang nila ang pagdating doon ni Kurt bago sila tuluyan na umalis. Ilang minuto pa naman ang natitira bago ang flight nila. Si Kurt rin kasi ang may dala ng mga gamit na kakailanganin ni ZAC.

"ZAC, gaano tayo katagal doon?" tanong ni Steffi.

"5 days."

"Ano?! Limang araw tayo don?! Okay ka lang?! Ang tagal naman!"

"Okay lang ako. 'Wag ka ng maarte, alam kong gusto mo din naman na pumunta dun."

Tama si ZAC, gusto rin naman na makarating ni Steffi sa lugar na iyon at makapaglibot-libot. Ang kaso, ayaw niya na kasama si ZAC at ang pinakadahilan pa ng pagpunta nila doon ay para takbuhan ang mga tao na pwedeng manakit sa kanila. Kung pupunta man siya doon, gusto niya sana ay 'yong payapa at talagang mag-eenjoy siya.

"Sige, sabihin na natin na gusto kong pumunta doon pero hindi ba sobrang tagal ng limang araw?"

"Bakit? Natatakot ka ba sa kaya kong gawin sa 'yo? Mag-eenjoy tayo don," nakakalokong sinabi nito at ngumiti na akala mo ay may gagawin na masama.

"Hindi ako takot sa 'yo."

Nang mga oras na iyon ay natanaw na nila si Kurt na papalapit sa kanila. Hindi na naghintay pa si ZAC na makalapit ito sa kanila at sinalubong niya na ito. Sandaling nag-usap ang dalawang magkaibigan at matapos noon ay nilapitan ni Kurt si Steffi. Patago nitong inabot ang isang bote sa kanya.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon