[ 45 ] Over Protective

47.1K 676 91
                                    

Chapter 45: Over Protective

Bumalik sa pagkakahiga si Steffi matapos ng pag-uusap nila ni Jico. Nakatagilid siyang nakahiga at pumikit muna. Gusto niyang matulog pero madami ang bumabagabag sa isipan niya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at nagpanggap na lang siyang tulog. Itutuloy tuloy niya pa sana iyon pero naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya kaya napapitlag siya.

"Ano ba'ng ginagawa mo?! Umayos ka nga!" naiinis na sinabi ni Steffi.

"Maayos naman ako, ah?"

"Maayos? Ewan ko sa 'yo."

"Parang 'yon lang. Pasalamat ka nga at 'yan lang ang ginagawa ko sa 'yo."

"'Yan lang? So may binabalak ka pa na gawin na kakaiba?"

Parang wala lang narinig si ZAC at binalewala ang tanong ni Steffi.

"Geneere, matulog ka na muna para mamaya para makagala na tayo at hindi ka na pagod."

"'Wag na, nawala na ang antok ko."

Bumangon doon si Steffi at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya sa kamay at itinali ang buhok saka naglakad patungo sa pinto.

"Saan ka pupunta?"

"Maghahanap ng gwapo!"

Natigilan siya sa paglalakad nang may yumakap sa kanya mula sa likuran niya.

"Kajima," bulong ng isang lalaki na walang iba kung hindi si ZAC.

Napaisip doon si Steffi. 'Kajima' na ang ibig sabihin ay, 'Don't go' sa salitang Koreano na ngayon lang narinig ni Steffi. Hindi siya agad nag-react dahil hindi niya iyon naintindihan. Ni hindi niya malaman anong lengwahe pa iyon.

"Alien ka ba, ZAC? Bakit--?"

"Bobo ka ba? Sabi ko, 'wag kang umalis dito. 'Wag mo akong iiwan," sa una, ang tono ng pananalita nito ay may pagka-inis pero lumambot din iyon na parang nagmamakaawa ito.

"Ano'ng sabi mo?! Bobo ako?! Aba letse ka pala, eh! Dyan ka na nga!"

Nagpumiglas si Steffi sa pagkakahawak sa kanya ni ZAC at aalis na sana doon pero pwersahan siya nitong hinila at itinulak papunta sa pader at iniharang nito ang dalawa niyang braso at katawan niya para hindi siya makaalis. Napatingin si Steffi sa mukha ni ZAC at nakikita niya ang galit sa mga mata nito pero pinipigil lang iyon ni ZAC. Ayaw niya makagawa ng bagay na pwedeng maging dahilan para kamuhian siya ni Steffi.

"'Wag mo akong pilitin na gawin 'yong mga bagay na hindi mo magugustuhan, Steffi. Sumunod ka na lang habang mabait pa ako," ang sabi nito ng nanggagalaiti.

Tinulak siya ni Steffi pero hindi ito nagpatinag. Iba talaga ang lakas nito.

"Tinatakot mo ba ako?! Hindi ako natatakot sa 'yo!"

"Hindi kita tinatakot, pinagsasabihan lang kita. Hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako."

"Paalisin mo na ako. Wala ako sa mood makipag-away pa sa 'yo."

Nang marinig iyon ni ZAC ay pinagbigyan nalang niya ito. Ayaw niya nga rin naman kasi na mag-away pa sila nito.

Umalis doon si Steffi at naglakad-lakad. Gumaan ang pakiramdam niya sa ganda ng tanawin sa may dagat. Nakakahinga siya ng maluwag na parang wala siyang iniintindi na mga problema.

This is exactly what I needed. Relaxation and peace. Sana maging masaya at memorable ang stay ko sa isla na ito.

Naghanap ng mapupwestuhan si Steffi na puno. Umupo siya sa buhangin at sumandal dito. Maganda ang panahon ng araw na iyon. Hindi masyadong maaraw at medyo makulimlim pero hindi rin naman nagbabadya ang ulan. Unti-unti na rin na dumidilim sa paligid dahil papalubog na ang haring araw.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon