[ 22 ] Explain

60.8K 719 70
                                    

Chapter 22: Explain

Masama ang tingin nito sa kanilang dalawa at nakapamewang na ito.

"Tita Kate, kanina pa po ba kayo nandyan?" tanong ni Steffi.

"Yes. I have seen enough. May ginagawa pala kayong dalawa ni ZAC na kakaiba habang wala ang anak ko? Mabuti na lang ako ang nakakita dahil kung si Kurt ang nakakita sa inyo, baka ano pa ang nagawa niya ngayon. For now, I'll pretend na wala akong nakita pero mag-uusap tayong tatlo mamaya. Bumalik na kayo sa party. Hinahanap na nila kayo," masungit na sinabi nito.

Madaling lumabas doon si Kate dahil sa inis sa mga bata. Ipinagkatiwala niya pa naman anag anak kay Steffi pero nagawa nitong lokohin siya. Wala nga naman kasi siyang alam sa tunay na nangyayari sa kanila. Hindi alam ni Steffi ang gagawin ngayon. Hiyang hiya siya sa Mommy ni Kurt at hindi niya alam kung paano ito haharapin.

"Ikaw kasi ZAC, eh! Ano'ng gagawin natin ngayon?"

"Ikaw na ang bahala kumausap kay Kurt tungkol dito. Umiwas muna tayo sa isa't isa. Mamaya na tayo mag-usap kapag tulog na ang lahat."

"Sige. Mauna na ako sa party."

"Sige. Geneere!" sigaw nito.

Napalingon si Steffi dahil doon. Ngayon lang siya nito tinawag na 'Geneere'.

"Bakit?"

"I love you."

Nginitian niya lang si ZAC bilang sagot at saka siya lumabas sa kwarto at madaling hinanap si Kurt. Nakita niya ito na kumakain kaya umupo siya sa tabi nito.

"Let's eat? Kuhanan na kita ng pagkain," pagpepreseinta ni Kurt.

"Ha? Sige. Thanks."

Iniwan muna siya doon ni Kurt. Nakita niya din si ZAC na tumingin sa kanya. Umupo ito sa tabi ng mga kasamahan nito sa 11SG. Nakita niya din na kasama ng mga ito si Zavier.

Nang makabalik si Kurt ay napansin niya na tulala si Steffi at nakatingin ito kina ZAC. Inilapag nito ang pagkain nila at saka siya umupo sa tabi ni Steffi.

"Malalim ang iniisip mo, ah?"

"H-ha? Wala, ah. Teka, bakit ang dami naman ng pagkain ko?! Hindi ko 'to mauubos."

"Malakas ka naman kumain, ah? Ubusin mo 'yan."

Nagtaka siya dahil naglagay ng pagkain si Kurt sa kutsara at isinusubo sa kanya.

"Say ah!"

"Ayaw."

"Sige na, babe. 'Wag ka ng maarte. Gusto mo ba na iba pa ang magsubo sa 'yo ng pagkain? Tinatanggihan mo si Kurt Villamarin?"

"Hindi 'yon, best friend! Nakakailang kasi ang daming nakatingin sa 'tin."

"Alangan naman na iisa lang. Ang dami kayang tao."

"Pilosopo. Ewan ko sa 'yo. Kumain ka na nga lang. Kakain na din ako."

"Bahala ka nga. Ubusin mo 'yan, ah?"

"Titignan ko kung mauubos ko."

Kumain silang dalawa doon pero tahimik lang at walang nagsasalita sa kanila. Gutom man si Steffi, wala naman siyang gana kumain dahil iniisip niya pa din ang nangyari kanina.

"Kurt, kailangan nating mag-usap."

"Mamaya na tayo mag-usap, kumain ka na muna."

"Importante 'tong sasabihin ko."

"Kumain ka muna, pwede?"

Namomorblema si Steffi. Ayaw niya na sa Mommy pa nito mismo malaman ang nangyari kanina kaya gusto niya na masabi na dito para hindi ito mabigla. Nagpapanggap man sila, mas mabuti pa din na alam ni Kurt ang mga nangyayari. Madaling kinain ni Steffi ang pagkain niya hanggang sa maubos niya na ito para makausap niya kaagad si Kurt.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon