[ 3 ] Shirt

74K 965 84
                                    

Chapter 3: Shirt

Napatayo si Steffi sa kinauupuan niya dahil sa ginawa ng mga babaeng 'yon sa kanya. Mabilis na nagpintig ang tainga niya.

"You deserve that! Ang landi landi mo! Hindi ka lang sa 11SG nagpapapansin, pati si Zavier mukhang gusto mo din!" sabi ng isa sa kanila.

"Ano? Hindi ka makasagot ngayon?! Ang lakas ng loob mo, girl! Matuto ka naman na mahiya! Kabago bago mo pa lang dito, ganyan ka na," sabi ng isa pa.

"Umalis ka na sa school na 'to!" sigaw ng isa.

Tinulak ni Steffi ang isa sa kanila saka ito pinaibabawan at sinuntok sa mukha. Pinipigilan siya ng mga kasama nito sa pamamagitan ng paghila sa buhok niya pero hindi siya nagpapaawat. Inis na inis na siya sa mga ito dahil palagi nila itong iniinis sa classroom nila at hindi niya palalagpasin ang ginawa nito sa kanya. Susuntukin niya pa sana ito pero may lalaki na humila sa kanya patayo at hinila siya papalayo doon. Hindi lumilingon ang lalaki hanggang sa makarating sila sa locker room ng mga lalaki. Doon niya lang nalaman na si Kurt pala iyon. Pinaalis ni Kurt ang mga tao doon at saka niya nilock ang pinto.

"Ano ba?! Bakit ka ba nangingialam?!" sigaw ni Steffi.

Hindi siya pinansin nito. Binitawan ni Kurt ang kamay niya at kumuha ito ng jogging pants, t-shirt at towel saka hinagis iyon kay Steffi na nasalo niya din naman.

"Nasa dulo ng kwarto ang shower room. Magshower ka at magpalit ng damit. 'Wag kang mag-alala dahil walang ibang makakapasok dito at hindi kita bobosohan," sabi nito.

Nakatingin ng masama si Steffi kay Kurt pero wala na siyang nagawa kung hindi sumunod dito dahil alam niya ang itsura niya ngayon. Ang dumi dumi niya dahil sa arina na itinapon sa kanya. Pumunta siya kaagad sa shower room, madaling naligo at nagbihis at saka nilapitan ulit si Kurt na naghihintay sa pinto.

"Kurt, salamat," nahihiyang sinabi niya.

Siya si Kurt Villamarin, isa sa mga miyembro ng 11SG. Kung si ZAC ang lider nila, siya naman ang kanang kamay nito. Kilala siyang bilang isang misteryosong lalaki dahil sa pagiging tahimik niya na nagiging dahilan para magustuhan siya ng maraming babae. Ang alam lang ng lahat, pabago bago ang ugali niya pero hindi pa iyon napapatunayan dahil hindi nga nila ito nakakausap at palagi lang itong tahimik.

"Kilala mo ako?"

"Nalaman ko lang ang pangalan mo dahil kay Mitch."

"Tara na."

"Sa-saan?"

Hindi na ito sumagot pa at hinila na lang siya palabas doon. Madaming estudyante ang nag-aabang sa paglabas nila doon. Binigyan nila ng daan sina Steffi at Kurt habang pinagtitinginan at pinag-uusapan sila ng mga ito. Habang naglalakad sila ay nakakarinig ng mga bulungan si Steffi.

"Bakit kaya sila magkasama sa loob?"

"Silang dalawa lang ang nasa loob, hindi ba?"

"Bakit suot niya ang SG shirt ni Kurt?"

"Sila na ba?"

"Sa girlfriend lang nila pinapasuot 'yong shirt nila na 'yon, 'di ba?"

"She's very lucky!"

"No, she's just a flirt!"

"Nilandi niya lang si Kurt, I'm sure of it."

Kung anu-ano ang naririnig niyang bulungan. Naalala ni Steffi ang itsura ng damit na suot niya. Tiningnan niya ito bago pa man niya ito suotin. May nakalagay na 11SG sa harap at may pangalan naman ni Kurt sa likod. Nagtataka siya sa mga pinagsasabi ng mga estudyante dahil sinuot niya lang ang damit na 'yon dahil kailangan niya pero iba ang iniisip nila. Biglang tumigil sa paglalakad si Kurt kaya bumangga si Steffi sa likod niya.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon