[ 34 ] Love and Revenge

51.1K 717 97
                                    

Chapter 34: Love and Revenge

Dahil sa sigaw ni Steffi ay napatingin sa kanya si ZAC pero umiwas lang din ito kaagad ng tingin. Doon niya lang napagtanto kung ano talaga ang trabaho nito. Kung anu-ano pa naman ang iniisip niya na trabaho nito pero marangal naman pala ang ginagawa nito. Akala niya kasi ay may ginagawa ito na masama kaya ayaw nitong sabihin ang trabaho niya.

Pinanood lang siya ni Steffi na tumugtog ng piano at kumanta. Akala niya, pakikipag-bugbugan, pangbubully at pagsusungit lang ang kaya nitong gawin pero may iba pa pala. Talented pala ito at doon niya lang iyon nalaman. Patuloy lang na nakatitig sa kanya si Steffi at nakita niya na mabait itong tingnan sa stage. 'Yong tipong mala-demonyo na ZAC, nawala ang sungay at naging anghel ito. Ibang iba sa imahe ng nakilala niya na ZAC. Matapos nitong kumanta doon ay nagsitilian ang mga babae at nilapitan siya para magpakuha ng picture. Saglit lang itong nanatili doon at lumapit siya kina Steffi na ngayon ay kumakain na. 'Yong mala-anghel na ZAC, naging demonyo na naman.

"Dude! Ayos, ah! Talented! Hahaha!" pang-aasar sa kanya ni Sean.

"Ang galing mo, ZAC!" papuri ni Jia.

"Geneere, umuwi na tayo," sabi ni ZAC sa kanya.

"Ayoko pa. Kumakain pa nga ako, eh."

Nilapitan ng isang babae si ZAC at kinalabit kaya napatingin siya dito.

"Excuse me. You're ZAC, right? Pwedeng magpapicture kami na kasama ka?" tanong ng babae.

Biglang hinila ni ZAC si Steffi patayo saka siya inakbayan.

"Sorry, girls. Next time na lang ang picture, magagalit ang girlfriend ko, eh," nakangiting sagot ni ZAC sa mga ito.

"Sayang naman, may girlfriend ka na pala. Sabi mo 'yan, ah? Sige, next time magpapicture tayo. Babalik kami ulit dito para kumain," sagot ng babae.

"Oo naman. Balik lang kayo."

"Okay. Bye!"

"Let's go, babe," pagyayaya ni ZAC.

Napataas na lang ang kilay ni Steffi sa sinabi ni ZAC. Nakaakbay pa din ito sa kanya at pinipilit siya na maglakad kasama nito.

"Sumunod ka sa gusto ko kung ayaw mo na halikan kita sa harap nilang lahat," banta nito.

Hindi nagustuhan ni Steffi ang sinabi ni ZAC. Sa tuwing hindi nito makuha ang gusto niya, palagi nitong sinasabi sa kanya na hahalikan siya nito kapag hindi siya sumunod. Tinanggal niya ang braso nito na nakapatong sa balikat niya at sinipa ito saka siya tumakbo palabas.

"Fvck! Lagot ka sa 'kin, Geneere!" sigaw nito.

Nakita ni Steffi ang reaksyon ng mga babae na nakatingin sa kanila. Para siyang kakainin ng buhay ng mga iyon kaya natakot din siya. Lagot rin naman siya kay ZAC kapag nahuli siya nito. Tumakbo lang siya palayo doon. Hinubad niya pa ang suot niyang sapatos at tinapon dahil natanggal na sa paa niya ang kaparehas nito habang tumatakbo siya. Tumakbo na lang din siya ng naka-paa dahil mas mabilis siya. Nagulat na lang siya nang biglang may humila sa kanya at tinakpan ang bibig niya. Tinignan niya ang mukha ng taong humila sa kanya at napag-alaman niya na lalaki ito at hindi niya ito kilala. Nakakatakot din ang itsura nito. Nakita niya na papalapit sa kanila ang dalawa pang lalaki kaya sinipa niya ang lalaki na nagtatakip sa bibig niya at saka siya tumakbo pero nahuli siya ng mga ito.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon