[ 54 ] Trick

43.9K 573 63
                                    

Chapter 54: Trick

Isang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita sa kanya si ZAC matapos ang pagkikita nila na 'yon. Hindi niya ang dahilan kung bakit. Hindi talaga ito nagpaparamdam sa kanya. Hindi rin ito sumasagot sa mga text niya at isa lang ang ibig sabihin no'n, ayaw siya nitong makausap o makita man lang.

Magkasama sila sa loob ng sasakyan na ngayon ay naka-tigil sa tapat ng bahay na tinitirhan ni Steffi. Hindi pa rin sila naghihiwalay at tahimik lang sila sa loob.

"Geneere, pupunta tayo bukas sa doktor na tumingin sa 'yo kaya susunduin kita dito ng maaga pa. Papatingnan kita ulit at gusto ko siyang makausap," sabi nito sa kanya.

"Ayoko nga. Hindi mo naman kailangan na gawin pa 'yon, eh."

"Why don't you let me? Paano kita tutulungan kung hindi mo ako hahayan na gawin 'yon?"

"Hindi ako humihingi ng tulong sa 'yo, ZAC. Alam ko ang gagawin ko kaya sana hayaan mo na lang ako sa mga desisyon ko."

"Geneere, please?"

"You're not an exception to that, ZAC. Kahit ikaw, hindi makakapagpabago ng isip ko."

"'Yan ba talaga ang gusto mo? Sige, hindi na kita pipilitin."

Nakita niya ang pag-iwas ng tingin sa kanya ni ZAC. Halata na wala na ito sa mood kaya naman hindi na rin siya nagsalita pa at lumabas na lang sa sasakyan nito at pumasok sa tinitirhan.

"Daydreaming again?"

Nawala siya sa pag-iisip niya nang may magsalita at tumabi sa kanya.

"Naistorbo ba kita?" tanong nito.

"Hindi, ah. Teka, nasa'n pala 'yong kambal mo?" tanong niya kay Zavier. Ang tinutukoy niya ngayon ay si ZAC. Nagbabakasakali siya na alam nito ang sagot sa tanong niya.

"Hindi ko rin alam, Steffi. Hindi ba dapat alam mo 'yan? You know were really not in good terms, right?"

"Hayaan mo na nga lang," sagot niya dahil nawalan na siya ng gana na magtanong pa.

Nang tumunog ang phone ni Zavier at lumabas ito para sagutin ang tawag na 'yon ay may sumipa sa upuan niya mula sa kanyang likuran kaya nilingon niya iyon. Masama pa ang tingin niya at kagaya ng inaasahan, si Miranda ang gumawa noon.

"Hoy, Steffi! Hindi ka ba makontento sa mga lalaki mo? Pati si Zavier hindi mo talaga palalagpasin eh, 'no? Porke wala si ZAC, ang kambal niya ang tinutuhog mo? I really can't believe this!" asar na asar na sinabi nito.

"Ang landi mo talaga! Lahat na lang ba ng lalaki dito, ha? Konting hiya naman, please?!" dagdag ni Chloe.

"Eh hindi siya makontento, eh. You know, what? Be contented with what you have, Steffi. ZAC is yours! Baka kakalandi mo dyan, lahat mawala sa 'yo," pahabol ni Mitch.

"Wala ba talaga kayong ibang magawa? Kung wala kayong mapag-tripan, 'wag ako ang pagtripan niyo. Hindi niyo gugustuhin kapag nagalit na 'ko," naaasar na sinabi niya. Wala talaga siya sa mood ng araw na 'yon para patulan pa sila kaya naman 'pag napikon siya, baka hindi niya na mapigilan pa ang sarili.

"Oh, I'm so scared! Tingin mo ba matatakot mo kami sa ganya, ha?" paghahamon sa kanya ni Ashley.

"Oo nga. Dinadaan mo lang naman kami sa paggamit mo dyan sa boyfriend mo, eh. You know everyone in this school is scared of ZAC. Malakas lang ang loob mo dahil back up mo siya kung ano man ang mangyari," dagdag ni Britney.

"Hindi ko siya ginagamit," mariing depensa niya sa sarili.

"Kung hindi, edi ano? Para namang mauuto mo pa kami dyan," sagot ni Chloe.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon