[ 68 ] First Love

40.4K 679 76
                                    

Chapter 68: First Love

Since ZAC and Steffi went out of that hospital, everything has been going well for the two of them. For the mean time, nakatira sila under one roof. Sinuggest iyon ni ZAC para ma-secure na walang gagawin na hindi maganda si Jico sa kanya. Ang kaso, she still has some business left with Jico. Tinawagan niya na ito noong nakaraang araw at sinabihan ito na pupunta siya sa condo unit na iniregalo nito sa kanya para kunin ang mga naiwan niyang gamit doon.

"Kailangan ko palang puntahan mamaya si Jico. Kailangan ko kunin ang mga gamit ko sa kanya," she honestly said. Hindi niya na kailangan pang magsinungaling at magtago dito ng mga kailangan niyang gawin dahil this time, she wants to be truthful to him.

"Sasamahan kita. Wala naman akong kailangang gawin ngayong araw,"

"Okay, no problem."

Inayos ni Steffi ang mga gamit na kakailanganin sa pagkikita nila ni Jico. Kaunti lang naman ang mga gamit niya doon kaya hindi rin siya magtatagal. She doesn't really mind na may maiwan siya doon dahil kailangan niya lang kunin ang mga importanteng gamit niya.

Sinamahan siya ni ZAC papunta doon pero nang bababa na siya ng sasakyan ay napansin niya na bababa rin ito.

"Teka, I think it's better kung maiiwan ka na lang dito. Baka kung ano pa ang mangyari kapag sumama ka pa sa'kin sa taas," sabi niya dito.

"Baka kung ano pa ang magawa sa'yo ni Jico kapag hindi kita sinamahan,"

"No," she insists. "Alam ko na wala siyang gagawin sa'kin. Nasaktan lang ako no'n dahil sa ginawa ko pero sigurado ako na hindi niya na uulitin 'yon,"

"Pero..."

"Let's put it this way. Give me fifteen minutes. I'm sure I can get everything done sa oras na 'yon. Kapag hindi ako nakabalik agad, sumunod ka doon. Okay ba 'yon?"

"Okay. H'wag ka magdalawang-isip na lumaban kung kailangan. Tawagan mo ako kapag nagkaproblema."

Tumango lang siya at lumabas na ng sasakyan. Hindi na siya nagdoorbell pa at dere-deretso na lang na pumasok doon. Agad niyang nakita si Jico pero hindi niya ito pinansin. Pumunta lang siya sa kuwarto at madaling kinuha ang mga gamit niya at inilagay sa maleta niya.

"Woah! Nagmamadali ka yata? Ni hindi mo man lang ako binati," sabi nito nang humarang ito sa pinto nang palabas na sana siya.

Tiningnan niya ito ng masama at hindi niya na sana papansinin pero ayaw siya nito padaanin kaya naman sinuntok niya ito na halata naman ikina-surpresa nito. Napahawak lang ito sa pisngi niya habang nakatingin sa kanya... hindi makapaniwala sa nagawa niya.

"Nagulat ka pa na ginawa ko 'yon? That's what you deserve dahil tinraydor mo ako. Akala ko, dalawa tayo dito pero in the end, ikaw lang pala talaga ang nasa plano at ginamit mo lang ako! The deal is over!"

"Ako nga ba ang traydor sa'ting dalawa? Why don't you ask yourself kung sino ang nauna? 'Yang puso mo... 'yan ang traydor. Kung hindi mo minahal ang gagong 'yon, hindi ka sana nasaktan dahil sa pagtatanggol mo sa kanya. Kinalaban mo ako, Steffi. At isa na sa gawain ko ang tanggalin sa landas ko lahat ng sagabal sa plano ko. Masuwerte ka nga na 'yon lang ang napala mo,"

"Demonyo ka talaga, Jico! Kung alam ko lang, hindi na sana ako nakipagtulungan sa'yo!"

"Teka lang, kung loyal ka lang sana sa'kin, 'di naman 'to mangyayari. Bakit 'di pa tayo magka-aminan dito? Hindi ba pera lang naman nina ZAC ang talagang kailangan mo? Minahal mo lang naman yata 'yon dahil sa pera niya eh. Kung gano'n, ba't 'di na lang ako?"

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon