[ 33 ] Work

50.1K 591 61
                                    

Chapter 33: Work

Pagdating ni ZAC sa classroom ay napansin niya na hindi pala sumunod si Steffi sa kanila. Hindi ito pumasok sa subject nila na 'yon. Hindi niya naman inaasahan na hahayaan lang siya nito na sumama na lang kay Kim.

Ang totoo nyan, umiiwas lang si ZAC na mag-away sila ni Steffi kaya hindi niya na lang ito sinasamahan. Sa tuwing magkasama kasi silang dalawa ay puro pagtatalo lang naman ang ginagawa nila kaya mas pinili niya na 'wag na lang ito samahan para hindi rin sila magtatalo.

Nang matapos ang klase nila, biglang nawala doon si Kim kaya nagsimula na din si ZAC na hanapin si Steffi.

"Pre, nakita niyo siya?" tanong ni ZAC sa mga kaibigan.

"Sino, dude?" tanong ni Nathan.

"'Yong chicks mo na naman? Hahaha!" pabirong tanong ni Blaine.

"Gago! Hindi niya babae 'yon. Mukhang in love na talaga si pinuno dun, eh," sabat ni Drew.

"Nakita ko siya. Kasama niya si Kurt kanina sa labas pero bago pa kami non pumunta dito. Hanapin mo na lang," sagot ni Sean.

Madaling lumabas ng school si ZAC para hanapin si Steffi. Iniisip niya kasi na posibleng napaaway na naman ito. Nakita niya na din si Kurt at sinabi nito na iniwan niya lang ito sa labas kaya naghanap lang ng naghanap si ZAC doon.

"ZAC, para sa 'yo 'tong cake. Sana magustuhan mo," sabi ng isang babae.

"Nakita mo si Steffi?" tanong ni ZAC sa kanya.

"H-hindi, eh."

Binalewala lang ni ZAC ang babae pero nung ipipilit pa nito na ibigay ang cake sa kanya ay kinuha niya 'yon at isinampal sa mukha nito.

Istorbo. Wala namang maitutulong.

Naglakad na siya ulit pero may humarang na naman sa kanya na babae.

"I heard that you're looking for Steffi. Nakita ko siya kanina sa hallway na inaaway ni Kim. Nasa loob lang siya ng building ngayon," pagkukwento nito sa kanya.

"Sigurado ka?"

"Yes, I'm really sure."

Tumakbo siya para hanapin si Steffi sa hallway pero hindi niya ito nakita kaya tinawagan niya si Kim para ito mismo ang tanungin.

"Hey. Why did you call? Do you need anything?"

"Nasaan ka?"

"On my way back to our room."

"Hintayin mo ako. Pupuntahan kita dyan."

"Okay."

Tinakbo niya papunta sa classroom nila at nakita niya si Kim na naghihintay sa labas.

"What's the fuss all about, ZAC?" tanong ni Kim.

"Nasaan si Steffi?"

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon