[ 53 ] Valentines Date

42.2K 652 98
                                    

Chapter 53: Valentines Date

Isang buwan na ang nakalipas mula nang malaman ni Kurt ang kanyang sikreto. Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam noon kung hindi sila pa lang at pinipilit pa rin niya itong tumigil. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin tuloy siya.

Nagulat siya sa biglang pagdating ni Jico sa tinitirhan niya. Matagal tagal na rin mula ng huli silang magkita at alam niya na may dahilan na naman ang pagpapakita nito sa kanya. Ang alam lang niya ay alam na nito ang tungkol sa nalalaman ni Kurt kaya nandito ito ngayon.

"Hi, sweety! Long time, no see, ah? Gulat na gulat ka yata na makita ako ngayon?" nakangiting pagbati nito.

"Ano ang ginagawa mo dito? Ano na naman ba ang kailangan mo sa 'kin?"

"Hindi mo man lang ba ako namiss? Parang gustong gusto mo 'kong itaboy, ah?"

"Madami ka pa kasing paligoy-ligoy, eh. Ano ba ang ipinunta mo dito?"

"Let's have a date tomorrow."

Biglang nagtaka si Steffi sa pagyayaya nito kaya hindi siya sumagot. Hinihintay niya ang sunod na sasabihin nito. Alam niya na mayroon itong binabalak. Bukas kasi ay mayroon silang date ni ZAC at halata naman na sinasabayan nito iyon at sigurado siya na alam na nito ang lakad nilang dalawa.

"You're right about what you're thinking. I'm asking you out dahil may date kayo ni ZAC. Instead of going out with him, sa 'kin ka makipagdate. Minsan lang ako magyaya, oh,"

"Hindi pwede ang gusto mo, Jico," agad na sagot ni Steffi.

"And why not? Is it because you value him more than me? Have you fallen for him?"

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Hindi mangyayari ang sinasabi mo."

"Talaga? Well, if that is the case then you should go out with me,"

"Gusto mo ba talaga na mahuli tayo? Nag-iingat na 'ko dito. Sana naman, ikaw rin," medyo naaasar na sagot niya.

"Fine. Get dressed. Aalis tayo ngayon."

Nagbihis siya kaagad. Nagsuot lamang siya ng v-neck shirt at pantalon. Hindi niya naman na kailangan pang magpaganda dahil si Jico lang naman ang kasama niya. Matapos mag-ayos ay umalis na sila doon at pumunta sa isang village na hindi kalayuan sa tinitirhan niya. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang glass house na may malaking gate sa labas.

"Bahay mo?"

"You got it right, baby."

Agad siyang nagtingin tingin sa paligid matapos niyang makababa sa sasakyan. Maliit lang tingnan ang bahay na iyon sa labas pero malawak 'yon sa loob pero kung ikukumpara sa bahay nina ZAC, mas maliit ang lugar na 'yon. Two-storey glass house na may maliit na fountain sa bandang kaliwa habang parking ang nasa kanan. Nang pumasok sila sa loob ng bahay, napansin niya na simple lang ang interior noon pero elegante pa ring tingnan. May ilang mga katulong at gwardya din doon na hindi lang nila pinansin dahil dire-deretso lang sila sa paglalakad papunta sa kwarto ni Jico.

"Nagtataka ka ba ba't kita dinala dito? We are safe here. Walang makakakita sa 'tin dito kaya makakapag-usap tayo ng maayos,"

"Mabuti naman kung gano'n," sagot niya.

Komportable siyang pumwesto sa isang upuan sa kwarto nito. Kahit papano ay kampante siya dahil walang makakakita o makakarinig sa kanila doon. Hindi siya dapat na mailang sa bawat kilos na gagawin niya.

"I'm sure you know exactly what I wanted to talk about, Steffi. Alam na ni Kurt ang sikreto mo. What should we do about that? Patay ka kapag nalaman niya. Unti-unti ng lumalabas kung sino ka talaga at ano ang mga balak mo," deretchahan nitong sinabi.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon