[ 7 ] Master

66.3K 931 40
                                    

Chapter 7: Master

Nagluto ng adobo si Steffi para sa hapunan nila. Agad niya din na inayos ang hapag kainan para makakain sila kaagad.

"Kain na," pagyayaya niya kay ZAC.

"Master ang itatawag mo sa 'kin mula ngayon."

"At bakit kita tatawagin na ganun? Master ba kita?"

"Oo. Simula bukas, alalay na kita. Kailangan mong sumama sa 'kin palagi."

"Ayoko nga! Ayokong magmukhang aso na bumubuntot buntot sa kagaya mo."

"Dadagdagan ko ang sweldo mo."

Napaisip doon si Steffi at sa huli ay pumayag na lang din siya dahil makikinabang siya doon. Bukod sa kailangan niya ng pera, mapapalapit din siya dito. Sa gayon, makikilala niya kung sino nga ba talaga si ZAC. Sabi nga nila, 'Keep your friends close but keep your enemies closer.'

"Hindi ka ba sasabay sa 'kin kumain?" tanong ni ZAC.

"Hindi."

"Kumain ka na din."

"Ayaw ko baka malason ako," biro ni Steffi pero nanatiling seryoso ang mukha niya.

"Oi--"

"Niloloko lang kita."

Umupo kaagad si Steffi sa harap ng lamesa dahil niyaya na din naman siya nitong kumain at nagugutom na din siya. Nagsimula na siyang kumain pero hindi pa din kumakain si ZAC.

"Ayaw mong kumain?" tanong niya dito.

"Mauna kang kumain. Mamaya may lason pala 'tong niluto mo."

Napangisi si Steffi sa naging reaction ni ZAC.

'Talagang naniniwala siya na lalasunin ko siya? Pathetic.'

Steffi rolled her eyes at him. Hanggang maaari ay ayaw niya na mapalapit dito at gusto niya na maging fair silang dalawa. Iinisin siya ni Steffi at iinisin siya ni ZAC.

Kumain na lang ng tahimik si Steffi at dahil walang kakaibang nakikita si ZAC kay Steffi ay kumain na din ito.

"Ang alat! Ano ba naman 'to?! Ang panget ng lasa!" reklamo ni ZAC.

"Hindi naman, ah?!"

"Ayusin mo nga ang trabaho mo!"

"Haluan mo kaya ng kanin? Hindi naman dapat pinapapak 'yong ulam! Malamang maalat talaga 'yan. Ang arte nito sa pagkain."

Ginawa ni ZAC ang sinabi ni Steffi at kumain siya ng tahimik. Aminado siya na masarap ang luto nito kahit na naaalatan siya sa inihandang pagkain nito. Bihira lang siya kung makakain ng lutong-bahay kaya naman napasarap ang kain niya at marami siyang nakain.

Matapos nilang kumain ay iniligpit kaagad ni Steffi ang pinagkainan nila at ginawa ang mga trabaho na kailangan niyang gawin saka siya dumeretso sa magiging kwarto niya para makapagpahinga.

Sa tutuusin ay hindi siya lugi sa pinasok niya na trabaho kay ZAC. Malaki ang sweldo na nakukuha niya at may maayos pa siya na matitirhan. Libre din naman ang pagkain niya doon, wala siyang binabayaran na upa, tubig at kuryente kaya malaking tulong iyon sa kanya para sa pag-aaral niya at sa mga gagastusin niya sana sa pang-araw araw niya. Kung iisipin mo, hindi naman ganoon kahirap ang ipinapagawa sa kanya ni ZAC dahil hindi siya all around na katulong. Mas maayos din ang terms ng trabaho niya ngayon kumpara sa noong nagtatrabaho siya sa coffee shop ni Zavier.

Dahil komportable sa pakiramdam ang kwarto na iyon, mabilis siyang nakatulog pero agad din na naistorbo ang tulog niya dahil sa pagpasok ni ZAC sa kwarto niya.

"Oi! Gising!" sigaw nito.

Ginigising gising siya ni ZAC at dahil na din sa sigaw nito ay nagising siya. Naalimpungatan siya kaya naman mainit ang ulo niya.

"Ano'ng problema mo?!" naiinis na tanong ni Steffi.

"Natapunan ng tubig 'yong kama ko. Umalis ka dyan. Dyan ako matutulog."

Umusod si Steffi para may mapwestuhan si ZAC sa tabi niya. Malaki ang kama at kakasya doon ang tatlong tao kaya naman ayaw niya umalis.

"Hindi ka aalis?!" naiinis na tanong ni ZAC.

"Kasya naman tayong dalawa dito, ah? Bakit kailangan ko pang umalis? Bakit ba naman kasi kailangan pang matapunan ng tubig 'yong kama mo. Harangan mo na lang ng unan sa gitna. Antok na antok ako at istorbo ka sa tulog ko. Patulugin mo na ako, pwede? Matulog ka na lang din kung gusto mo. Kung ayaw mo, edi umalis ka."

Nagtaklob ng kumot si Steffi para hindi na siya guluhin pa ni ZAC. Antok na antok ito dala na din ng pagod at puyat noong nakaraang gabi.

"Ayoko ng nakabukas 'yong ilaw. Patayin mo," reklamo ni ZAC.

Hindi na nagsalita pa si Steffi at padabog siyang tumayo para patayin ang ilaw saka bumalik sa kama. Binuksan din ni ZAC ang lamp sa tabi ng kama. Matutulog na ulit si Steffi nang mapansin niya na hinubad ni ZAC ang suot nitong t-shirt.

"Magbihis ka nga!" utos niya dito.

"Ganito talaga ako matulog. Walang pakialamanan. Bahay ko pa din 'to kaya masanay ka na kung paano ako mamuhay."

"Bahala ka nga sa buhay mo! Nakakainis ka kahit kailan! Ugh."

Hinayaan niya na lang si ZAC na gawin ang gusto niya. Naglagay na lang din siya ng unan sa pagitan nilang dalawa at saka siya pumikit. Pinilit niya na matulog ulit pero naiilang siya dahil sa katabi. Dahil sa panggugulo ni ZAC ay nawala ang antok niya. Masakit na ang mga mata niya at gusto na niyang matulog pero hindi siya makatulog. Nakatagilid siyang nakahiga at nakikita niya si ZAC dahil nagpapanggap siya na tulog.

Tinanggal ni ZAC ang harang na unan sa pagitan nilang dalawa at umusod ito para mas mapalapit kay Steffi. Tinititigan niya ito habang natutulog. Wala siyang ka-ide-ideya na gising pa pala ito. Nang napansin ni Steffi na lalong lumalapit si ZAC sa kanya, pumikit na lang siya ng tuluyan para hindi niya na makita ang ginagawa nito dahil nadidistract siya at lalong nawawala ang antok niya.

"I miss you, Monique," mahinang sinabi ni ZAC at saka tinanggal ang buhok na nakaharang sa mukha nito.

Hinawakan ni ZAC sa mukha si Steffi at hinalikan siya sa noo. Dahil sa ginawa ni ZAC ay hindi na napigilan ni Steffi na idilat ang mga mata niya dahil baka ano pa ang gawin nito sa kanya. Wala siyang tiwala dito at kahina hinala ang mga ikinikilos nito.

Dahil sa pagdilat ni Steffi ay bahagyang napaatras si ZAC sa kama.

"Gising ka?!" gulat na tanong nito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni Steffi pabalik sa kanya.

"Wala. Ge, matutulog na ako."

Ibinalik ni Steffi ang unan sa pagitan nilang dalawa at tinalikuran niya ito. Nakakunot ang noo niya habang nakapikit. Hindi rin naman nagtagal at tuluyan na din siyang nakatulog.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon