[ 66 ] Regret

41.1K 687 90
                                    

Chapter 66: Regret

Nasa mall na si Steffi at hinihintay ang kasama. It is now Wednesday at sa araw rin na iyon niya malalaman kung ano man ang binabalak ni Jico. Sa ngayon, hinayaan muna siya nito na maglibang dahil matagal din siyang natengga sa bahay. Binigyan siya nito ng pocket money para makapaggala which is tinanggap niya rin naman.

Nagulat na lang siya nang may biglang umakbay sa kanya and she was relieved nang malaman na si Kurt iyon. She just cannot think of other people na p'wede niyang isama doon kaya ito na lang ang niyaya niya.

"I guess this is a date. Matagal ka ba naghintay? Traffic eh," sabi nito pagdating.

"Fine. Since pinagbigyan mo ako na samahan, let's call it a date,"

"Wow! Parang napilitan ka pa sa lagay na iyan, ah? So you'll be my girlfriend for today," sabi nito at nang aalma pa sana siya, pinigilan kaagad ni Kurt ang bibig niya. "Just for today. H'wag ng magreklamo,"

"As long as hindi ka gagawa ng kalokohan sa'kin, we're good."

Sandali siyang tinitigan nito and he eyed her from head to toe at halatang napaisip.

"Hindi ka bagay maging girlfriend ko. Masyado kang simple. You need a little make over. This is my treat dahil malakas ka na ulit kaya wag ka na umangal. Tara!"

Hindi na siya nakasagot pa dahil hinila na lang siya nito. Pumasok sila sa isang boutique at pinaupo lang siya nito habang nagtitingin ito ng damit para sa kanya.

"Kailangan ba talaga niyan?" reklamo niya.

"Oo. Para din naman sa'yo 'to, Steffi. Para naman hindi ka magmukhang tomboy,"

"Wow ha! Ang hard mo, pare."

Inabutan siya nito ng madaming damit.

"Isukat mo lahat ng 'yan at tingnan natin kung ano ang babagay sa'yo."

And so she did. Sinubukan niya ang lahat ng damit na ibinigay nito.

Sa lahat ng sinukat niya, it's either ayaw niya ang damit o kaya naman ayaw ni Kurt noon kaya naman out of around 10 dresses na sinukat niya ay wala din silang napili. Napagod lang siya kakalabas-pasok sa fitting room.

"Teka nga! P'wede ba na ako na lang pumili ng isusuot ko?" suggestion niya.

"Okay, you choose. Gusto ko na magsuot ka ng dress... hindi masyadong maikli at hindi rin masyadong mahaba."

Naghanap siya ng damit na maisusuot at napili niya ang isang simple na dress na bulaklakin ang design na hanggang tuhod niya ang haba. Nang isukat niya iyon ay agad niya iyon na nagustuhan. It fits her perfectly. Hindi masyadong revealing ang damit at hindi rin naman masyadong conservative tingnan. Sakto lang iyon para sa kanya.

Lumabas siya ng fitting room at ipinakita ang damit na suot kay Kurt.

"What do you think?" tanong niya dito habang nagpapaikot ikot para makita nito ng maayos ang damit.

"Bagay sa'yo. Miss, we will take that dress."

Agad na nagbayad si Kurt at hindi niya na rin naman hinubad pa ang damit at iyon na ang isinuot. Bumagay rin naman sa suot niya na doll shoes ang dress kaya hindi na siya nagkaproblema sa sapatos. Nag-ayos rin siya ng kaunti para naman maayos din siyang tingnan.

Matapos mamili ay dumeretso sila sa isang restaurant para kumain. Habang kumakain ay napansin niya ang pagtitig sa kanya ni Kurt.

"May dumi ba sa mukha ko?" tanong niya dito.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon