[ 27 ] Keeping The Secret

59.4K 629 82
                                    

Chapter 27: Keeping The Secret

Nasa mansyon ng mga Perez ngayon si Kim. Doon siya nakatira at nagbubuhay prinsesa dahil siya lang ang amo doon. 'Yon ang tinitirhan nina Monique noon pero mula nang mamatay ito, sa ibang bansa na tumira ang mga magulang nito. Nakikitira lang kasi siya dito dahil sa ibang bansa naman talaga nakatira ang mga magulang niya at dahil wala na sila doon, solong solo niya ang bahay na 'yon.

Nakahiga lang siya ngayon at hawak ang phone niya. Wala namang nagtetext o tumatawag sa kanya, kung meron man, ang gusto niya ay si ZAC lang. Bored na bored na din siya doon pero okay na din sa kanya dahil kinabukasan ay simula na naman ng bagong semester at makikita niya na naman palagi si ZAC. Sa huli ay naisipan niya na tawagan si ZAC para ayain na pumunta doon para may kasama siya.

"Bakit ka tumawag?"

"Hello, ZAC! Are you busy? Pwede kang pumunta dito ngayon?"

"Tinatamad ako."

"Then let's go out together. You need to buy me a new phone, right? Sinira mo phone ko."

"Sige, susunduin kita dyan mamayang 2."

Napasuntok sa hangin si Kim nang marinig iyon.

"Okay. By the way, where are you?"

"Condo."

"Okay. I'm hanging up. Ciao! See you later!"

"Bye."

Hindi matanggal ang ngiti sa labi ni Kim matapos ang pag-uusap na 'yon. Bihira lang na sumagot ng tawag si ZAC mula sa kanya kaya natutuwa siya pero naiinis din siya dahil wala itong kwentang kausap at mukhang ayaw nito na kausap siya. Agad siyang bumangon at naghanap ng damit na susuotin para sa lakad nila ni ZAC. Wala siyang plano na magpasundo dito. Pupuntahan niya ito sa tinitirhan niya. Naisipan niya na tawagan si Finn para magpahatid sa condo ni ZAC. Kapag wala kasi siyang sasakyan ay mapipilitan ito na ihatid siya pauwi.

"Oh, babes? Bakit?"

"Are you busy? Pwede ka bang pumunta dito?"

"Nasaan ka?"

"Bahay."

"Sayang. Akala ko nasa condo ka. Tatambay sana ako."

"This is my last day here. Starting tomorrow, I'll stay at my condo unit so you can go there every day if you want, okay?"

"Ayos! Bakit mo pala ako pinapapunta dyan?"

"Magpapahatid ako sa condo ni ZAC."

"Sakit naman non, babes. Akala ko gusto mo akong makita. Sige, punta na ako dyan."

"Thank you!"

"Ikaw pa! Malakas ka sa 'kin, eh."

Naghintay sa labas si Kim at sandali pa lang siyang naghihintay doon, dumating na kaagad ito. Isa si Finn sa mga talagang malapit sa kanya sa 11SG at dahil malapit ang bahay nito, siya ang nilapitan niya.

"Woah! Sexy, ah? Tara, sakay na!"

Sumakay kaagad si Kim sa sasakyan nito.

"Nakaporma ka yata? Ang bango natin, ah? Hindi ka naman naligo sa pabango niyan? May date ka siguro ngayon."

"Kailan ba ko naging mabaho? Syempre kailangang pumorma. Lalabas tayo, eh. Ikaw lang naman pinapagwapuhan ko. Kumain muna tayo bago kita ihatid sa pupuntahan mo. Libre ko na lahat. Pumorma pa talaga ko para sa 'yo, oh. Pagbigyan mo na ako."

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon