[ 8 ] Brave

68K 930 79
                                    

Chapter 8: Brave

Pagkagising ni Steffi kinaumagahan ay agad niyang tiningnan ang oras at madali siyang napabangon nang makita na 10:30 na pala ng umaga. 7:30 ang klase nila at late na silang dalawa ni ZAC. Natutulog pa din si ZAC sa tabi niya na walang kamalay malay sa nangyayari.

Madali siyang naligo at nagluto ng pagkain bago niya ginising si ZAC.

"Gising!" sigaw niya.

"Fvck! Ang ingay! Ang aga aga, eh!" sigaw ni ZAC.

"Nakahanda na po ang pagkain mo. For your information, late na tayo."

Parang walang reaksyon si ZAC sa sinabi ni Steffi. Kumilos ng maayos si ZAC kagaya ng ginagawa niya palagi. Dumiretso muna siya sa CR para gawin ang mga kailangan niyang gawin doon saka pumunta sa harap ng hapag kainan. Sumunod doon si Steffi at umupo din para sabay silang makakain.

"Sino'ng may sabi sa 'yo na pwede kang sumabay sa 'kin kumain?" masungit na tanong ni ZAC.

Hindi na sumagot pa si Steffi dahil ayaw niya na makipagtalo pa dito dahil wala siya sa mood. Tumayo siya at iniligpit ang mga gamit niya. Hinintay niya na matapos kumain si ZAC at habang naliligo ito ay kumain na siya ng brunch. Dahil alam niya na maiinis lang siya dito, hindi na siya nagpaalam pa at nauna siyang umalis doon. Naglalakad siya papunta sa sakayan ng jeep nang may tumigil na sasakyan sa harap niya. Bumukas ang salamin ng sasakyan at nakita niya si ZAC.

"Pasasabayin mo ako?" tanong ni Steffi sa kanya.

"Tingin mo gagawin ko 'yon? Asa ka pa. Maglakad ka dyan! Hahaha! Ingat," pang-iinis ni ZAC.

Isinara na ulit ni ZAC ang salamin ng sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho. Inis na inis sa kanya si Steffi mula pa lang nang gumising ito. Inaasahan niya na iinisin siya nito pero iba pa din talaga kapag ginawa na 'yon mismo ni ZAC.

Pagkadating niya sa school ay dumeretso siya kaagad sa library para gawin ang assignment nila ni ZAC. Inutusan kasi siya nito na siya na din ang gumawa ng assignment niya dahil kasama daw ito sa trabaho niya kaya wala na din siyang nagawa. Nang matapos niya iyon ay pumunta na siya sa classroom nila at umupo sa tabi ni Mitch. Magkasunod lang sila na dumating ng 11SG pero nauna lang siya ng ilang minuto. Nilapitan din siya kaagad ni ZAC nang makita niya ito.

"Oi! Nasaan na assignment ko?" tanong ni ZAC.

Kinuha ni Steffi ang notebook ni ZAC sa bag niya at inabot iyon sa kanya na hindi man lang nagsasalita. Nang makuha iyon ni ZAC ay umalis na din siya sa harap nito at umupo sa lugar kung saan ito laging umuupo.

"What is the meaning of what I saw just now?" tanong ni Mitch sa kanya.

"Ako ang gumawa ng assignment niya, 'yon lang 'yon, wala ng iba pa. Siguro mahina din ang utak niya, 'no?"

"No, you're wrong. Matalino si ZAC kaso ang problema, tamad siya. Bakit ka naman pumayag na gawin 'yon? Akala ko ba asar na asar ka sa kanya at sa grupo niya? Bakit mo siya tinutulungan ngayon?"

"Okay, sasabihin ko na sa 'yo. Alalay niya ako at tumatanggap ako ng sweldo galing sa kanya dahil sa trabahong 'to. Kailangang kailangan ko kasi ng pera ngayon."

"Pwede ba na ikaw na din gumawa ng sa 'kin? Babayaran din kita."

"Mitch naman! Akala ko ba kaibigan kita? Nakakapagod kaya gumawa ng assignment ng iba. Kailangan kong ibahin ang sagot para hindi mahalata."

"Joke lang 'yon! Pero ang daya mo. Kapag siya ang humingi ng tulong, pumapayag ka pero kapag ako, hindi. May gusto ka siguro sa kanya, ano? Pati crush ko inaagaw mo," nagtatampong sinabi nito.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon