[ 16.1 ] Disgrace

66.9K 918 55
  • Dedicated kay Steffi Geneere Santillan
                                    

Chapter 16.1: Disgrace

Magkatabi ngayon sa upuan sina ZAC at Steffi sa classroom. Ayaw kasing patabihin ni ZAC si Steffi kay Zavier lalo na ngayon na girlfriend na siya nito. Nagiging protective lang siya dahil ayaw niya na muling maagaw ito sa kanya.

"Hoy, Steffi," bulong ni ZAC.

Binalewala lang ni Steffi ang narinig. Tila ba hangin lang ang bumulong sa kanya. Wala rin kasi siya sa mood na makipag-usap kay ZAC.

"Steffi, kausapin mo nga ako. Boyfriend mo ako, 'di ba?"

"Sino ang may sabi nyan?"

"Pumayag ka, 'di ba? Boyfriend mo ako kaya susundin mo ako."

"Porke ba boyfriend, kailangan sundin palagi? Mali yata 'yon. Hindi porke boyfriend kita, mapapasunod mo ako sa gusto mo. Eh kung ayaw kitang sundin, ano'ng gagawin mo?"

"Masasaktan ka."

"Tapos?"

"Ewan ko sa 'yo. Bakit ba hindi kita makausap ng matino? Bakit ba napakahirap mong abutin?"

Nainis si ZAC sa inaasal ni Steffi sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya welcome sa buhay nito. Kahit na pumayag itong maging girlfriend niya, sarado pa din ang pintuan nito para makapasok siya sa buhay nito. Padabog siyang tumayo at naglakad palabas ng room pero napatigil siya nang magsalita ang professor nila.

"Where are you going, Mr. Choi?" tanong sa kanya ng professor nila.

"Wala ka nang pakialam don," bastos na sagot niya.

Matapos sumagot ni ZAC ay tuluyan na siyang umalis doon. Napahiya ang professor nila sa sagot ni ZAC pero sanay na din sila sa ugali nito. Ni hindi nila ito magawang kalabanin dahil sa takot na mawalan sila ng trabaho kaya hinahayaan lang nila ito.

Bastos talaga kahit kailan. Hindi man lang marunong rumespeto sa nakakatanda at wala siyang takot porke malakas ang impluwensiya niya sa school na 'to.

Tinabihan ni Kurt si Steffi at inakbayan. Agad rin naman ni Steffi tinanggal ang braso nito na nakapatong sa balikat niya.

"Ano'ng ginawa mo sa kanya at nabadtrip siya?" tanong ni Kurt.

"Aba malay ko. Wala akong ginagawa sa kanya."

"Ikaw talaga!" sabi ni Kurt sabay gulo sa buhok niya.

"Ano ba?!" naiinis na sigaw ni Steffi.

Hinahayaan lang sila ng professor nila kahit na nakikita niya silang nagkukwentuhan dahil ayaw niyang sitain si Kurt pero nung sumigaw si Steffi ay tuluyan nang naagaw ang pansin niya.

"Ms. Santillan, is there any problem?"

"Nothing, Ma'am."

Mula umaga ay iritable talaga si Steffi. Gusto niya na mapag-isa. Mas nahihirapan na siyang gumalaw ngayon dahil kailangan niyang mas maging maingat. Sanay rin naman siya na mag-isa kaya sa mga oras na ganito, ayaw niya ng kausap.

"Ang sungit mo. Meron ka ba? Siguro--"

"Wala! Nakakainis ka! Bwisit! 'Wag na 'wag mong babanggitin 'yung tungkol dun!"

"Totoo nga."

"Hindi!"

Sinabunutan ni Steffi si Kurt dahil sa inis. Ayaw na ayaw niya na binibiro siya ng ganoon. Matapos nang ginawa niya ay lumabas siya sa classroom nila at naglakad lakad sa labas ng building na iyon. Ni hindi niya alam kung saan siya pupunta at gusto niya lang na maglakad para makapagrelax. Nagulat siya nang may bumusina at muntikan na siyang masagasaan ng sasakyan.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon