[ 37 ] Bet

49.1K 662 82
                                    

Chapter 37: Bet

Nagdaan ang mga panahon at December na. Ramdam na ang pagdating ng kapaskuhan dahil sa Christmas lights sa paligid. Nagiging abala na rin sila sa school dahil exam week na nila at pagkatapos noon ay ang inaabangan na ng mga estudyante sa Choi University: ang charity event at ang Christmass ball.

Abala lang ngayon sa pag-aaral si Steffi. Wala rin naman kasi siyang pakialam sa dalawang event na mangyayari sa school nila dahil hindi siya interesado sa ganoong mga bagay. Mas kakailanganin niyang makakuha ng mataas na grades kaysa makisama sa mga taong pupunta sa mga events na iyon. Nakaupo silang dalawa ni ZAC ngayon sa harap ng lamesa at parehas silang nag-aaral.

Napapansin na ni Steffi ang malaking pagbabago kay ZAC pagdating sa pag-aaral. Sa totoo lang ay kaya siya nitong tapatan. Dahil nag-aaral na ito, mataas ang nakukuha nitong scores sa mga quizzes at homeworks nila. Isang bagay ang nadiskubre ni Steffi kay ZAC: matalino ito. Ang kaso, tamad ito. Sabi nga nila, kahit na matalino ka, kung tamad ka naman ay tatalunin ka ng masisipag.

Bukod doon, napansin din ni Steffi ang gawain ni ZAC tuwing gabi. Lagi itong umaalis sa bahay at minsan kapag umuwi ito ay nakainom ito pero hindi naman lasing. Hindi pa rin nawala ang bisyo nito sa mga panahon na 'yon. Unti-unting binabawasan pero hindi nga naman madaling tanggalin ang mga bisyong nakasanayan na.

Tinitignan ni Steffi si ZAC. Nag-aaral ito pero hindi nito mabitawan ang phone niya.

"Matunaw ako," mayabang na sinabi nito.

"Aba, ang yabang! Akala mo kung sinong gwapo."

"Gwapo naman talaga ako, ah? Kaya nga madaming nagkakandarapa sa 'kin lalo na ngayon. Matalino, gwapo, mabait. Saan ka pa, 'di ba?" pagyayabang nito.

"Nakakainis! Ang yabang yabang mo. Sige, pataasan tayo sa exams! Kapag nataasan kita, babalik ka na sa bahay niyo."

"Ano naman ang mapapala ko kapag nanalo ako?"

"Ano ba ang gusto mo?"

"Isang gabi. Alam mo na 'yon," sabi nito saka siya nginitian na parang may balak ito na masama.

"Gusto mong mamatay?!" sigaw ni Steffi sabay bato sa kanya ng mga libro sa lamesa.

"Fvck, 'wag mo akong batuhin! Niloloko lang kita. Hindi ako mag-eenjoy sa 'yo. Flat, eh."

"Bwisit ka talaga!"

Tumayo si Steffi at pinaghahampas si ZAC ng libro na hawak niya. Inaasar siya nito.

"Tama na nga! Shit! Tigilan mo na nga ako!"

"Ano ulit ang sinabi mo? Ulitin mo nga!"

"Sabi ko, ang laki ng hinaharap mo!" sarkastiko nitong sinabi.

"Iniinsulto mo talaga ako, ah?!"

Sinabunutan siya ni Steffi. Agad din na dumistansya si Steffi at tinakpan ang dibdib niya ng libro. Nahihiya siya sa mga pinagsasabi ni ZAC.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon