[ 24 ] Protect

65K 752 84
                                    

Chapter 24: Protect

Nasa sala ngayon si Steffi at nakaupo lang siya doon. Kung noon ay palagi siyang nasa kwarto, ngayon ay nasa sala na lang siya dahil wala siyang magawa sa kwarto nito. Ni wala din siyang laptop na pwedeng gamitin para gawin ang project nila. Napansin niya si ZAC na lumabas sa kwarto nito at tinabihan siya kaya umusod siya ng konti. Malaki naman kasi ang sofa pero dumikit ito sa kanya.

"Bakit ba ayaw mo akong tabihan?! Hindi naman ako amoy yosi, ah? Hindi rin naman ako amoy alak. Bakit kay Kurt dikit ka ng dikit? Para ka ng linta," naiinis na sinabi ni ZAC.

"Linta? Sapak, gusto mo? 'Wag mong sabihin na nagseselos ka dahil lang doon?"

"Hindi ako nagseselos. Sinusubukan na nga kitang kausapin ng matino, hindi mo pa rin ako kinakausap ng maayos. Sige, sapakin mo ako basta ba isang sapak, isang kiss."

"Eh kung ikiskis ko kaya 'yang pagmumukha mo sa pader?!"

"Kaya mo ba? Hindi naman, 'di ba? Nagpapatawa ka ba?"

"Natatawa ka ba?"

"Hindi."

"Edi hindi!"

Tumayo doon si ZAC at pumunta sa kusina. Naiinis siya dahil sa tuwing nag-uusap na lang sila ni Steffi ay nagtatalo lang sila nito palagi. Kailan kaya sila magkakaroon ng matinong pag-uusap? Mula nang makilala niya ito, palagi na lang itong parang galit kapag kinakausap siya. Pagbalik ni ZAC ay may dala na siyang bote ng beer.

"Hindi ka pa nga kumakain, iinom ka na agad?" sita ni Steffi.

"Gusto mo din ba? Ito, oh."

"Ayoko nga. Nakakalaki ng tiyan 'yan."

"Malaki ba ang tiyan ko? Hindi naman, 'di ba?"

"Kumain ka kaya muna bago ka uminom."

"Walang pagkain, wala ding magluluto."

"Ako."

"Hindi na kita katulong dito kaya hindi mo na kailangan pang magtrabaho. Nag-utos na ako at dadalhan na lang tayo ng pagkain dito."

"Mamaya ka na lang uminom kapag nakakain ka na."

"Concerned ka sa 'kin?" nakangiting tanong ni ZAC.

"Hindi. Sinasabi ko lang na 'wag ka munang uminom. Kahit kanino naman 'yan ang sasabihin ko kapag nakita ko na umiinom na hindi pa kumakain."

"Sige."

Akala ni ZAC ay concerned na si Steffi sa kanya dahil sa sinabihan siya nito pero hindi pala. Wala talagang pinatutunguhan na maganda ang pag-uusap nila.

"ZAC, may laptop ka ba dito?"

"Oo, bakit?"

"Pwede ko bang hiramin? Gagawa ako ng project. Kailangan ko 'yon matapos."

"'Wag na. Ipapagawa ko na lang sa iba 'yong project mo."

"Ayoko nga! Mababagot lang ako dito at wala rin naman akong gagawin. Hindi ako kagaya niyo na inaasa lang sa iba 'yong mga project niyo."

"Sige," tipid nitong sagot.

"Boyfriend ba talaga kita? Bakit ba ang sungit sungit mo sa 'kin?"

"Ano ba'ng gusto mo? Kapag matino ako, sinusungitan mo din naman ako. Gusto mo ba na magpaka-sweet ako sa 'yo? Okay lang. Madali naman akong kausap."

Ngumiti ito na parang may gagawin itong masama at saka siya kinorner sa sofa hanggang sa wala na siyang maatrasan.

"Ano'ng ginagawa mo?!"

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon