[ 17.1 ] Wound

66.8K 751 51
                                    

Chapter 17.1: Wound

Napasarap ang tulog ni Steffi dahil na din sa pagod sa mga nangyari noong nakaraang araw. Hindi pa agad bumangon si Steffi dahil gusto niya pa sanang matulog ulit pero bigla niyang naalala na may pasok pa sila ni ZAC. Nanlaki ang mata niya nang makita ang oras sa relo ng phone niya. Late na sila ni ZAC. Napatalon siya sa kama sa sobrang pagmamadali at tumakbo siya papunta sa kusina para makapagluto ng pagkain nila. Sa sobrang pagmamadali ay nadapa siya at pagkatayo niya, doon niya lang naalala na hindi nga pala sila papasok ni ZAC kaya imbis na kumilos ay humiga muna siya sa sofa at doon siya nakatulog ulit.

Nang magising siya ay alas-onse na kaya dumeretso na siya sa CR para maligo at makakilos na. Pagpunta niya sa kusina ay wala na siyang makitang pagkain sa ref kaya naghanap hanap siya at ang nakita niya lang doon ay tuyo.

Saan nanggaling 'to? Binili ni ZAC dahil nagustuhan niya? Nagugutom na ako. Magsasabi na nga lang ako sa kanya bago ko 'to galawin.

Pinuntahan niya si ZAC sa kwarto nito pero bago siya pumasok ay kumatok muna siya sa pinto. Walang sumasagot kahit na nakailang katok na siya kaya naman pumasok na lang siya doon dahil baka tulog pa ito at gigisingin niya na lang ito. Pagkapasok niya doon, wala siyang naabutan sa kama at narinig niya ang tunog ng tubig galing sa CR kaya habang hinihintay ito ay inayos niya na muna ang kama nito. Napalingon na lang siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nakita niya na nakatayo doon si ZAC na nakatapis lang ng towel. Hindi naiwasan ni Steffi na mapatingin sa katawan nito. Maganda ang hubog ng katawan nito at may abs rin ito. Napailing siya dahil sa naisip at saka siya tumalikod.

"M-magbihis ka na nga muna!" sigaw niya.

"Bakit ka nandito? Sige na, pwede ka ng tumingin."

Paglingon ni Steffi ay hindi pa rin tuluyan na bihis si ZAC. Nakasuot lang ito ng shorts pero hindi pa din nagsusuot ng pangtaas. Napansin niya ang sugat nito sa tiyan pero hindi niya iyon natignan ng matagal dahil baka isipin pa ni ZAC na sa iba siya nakatingin. Tinalikuran niya ito ulit dahil ayaw niyang kausapin ito na ganoon ang itsura.

"May itatanong kasi ako kaya ako nandito."

"'Wag kang bastos."

"H-ha? Hindi ko naman tiningnan 'yong—'yong.."

"Kapag may kinakausap ka, 'wag mong talikuran," seryosong sinabi nito.

"M-magdamit ka nga muna! I mean, magsuot ka ng t-shirt."

"Kwarto ko 'to."

Huminga muna ng malalim si Steffi bago siya humarap kay ZAC. Kahit na pinipilit niyang tingnan si ZAC sa mukha, hindi niya maiwasang tumingin sa sugat nito. Alam niya na bago lang ang sugat na 'yon at nakuha lang ito ni ZAC noong nakaraang gabi at hindi niya lang iyon napansin dahil nakasara na ang suot na leather jacket nito noong nakauwi sila.

"Kung saan saan nakatingin 'yang mata mo."

"Oi! Hindi naman ako nakatingin dyan sa ano mo! 'Wag ka ngang feeling!"

"'Wag ka din mag-isip ng kung ano. Alam ko na nakatingin ka sa sugat ko. Kinakausap mo ako kaya tumingin ka sa mukha ko. Ano ba 'yong itatanong mo?"

Nagtataka si Steffi sa ugali ni ZAC. Pabago bago talaga ang mood nito. Ang seryoso pa nito ngayon. Hindi niya lang naman maiwasan na tingnan ang sugat nito dahil alam niya na siya ang may kasalanan sa nangyari dito.

"Okay lang ba sa 'yo na 'yong tuyo 'yong ulamin natin? Kasi --"

"Sige lang."

"Sure ka?"

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon